Chapter 21

12 0 0
                                    

Yanna's POV

"Hey hindi kaba nagsasawa? " sabi ng boses ng babae sa kwarto ni Wins. Narinig ko namang tumawa lang si Wins.

"Nope. Not gonna happen because you know, ang tagal mong nawala kaya namiss kita, my wife. " bigla akong nasaktan sa sinabing yun ni Wins. Tinawag niyang my wife yung babae na una niyang asawa. Baka nga siya talaga yung mahal niya napilitan lang talaga siyang magpakasal sakin.

Pinilit kong hindi umiyak at bago ko pa marinig ang isasagot ng babae ay umalis na ako pero nagulat ako nang makita ko si Lola na nakatingin sakin.

"Ang sweet nila no? Talagang miss na miss na nila ang isa't isa. " biglang sabi niya nang nakangiti. Narinig ko po lola. Kailangan po bang ulit ulit? Nasasaktan na nga ako diba?

"Halika pumunta tayo sa baba at doon tayo mag-usap. Sasabihin ko sayo lahat kase pati atang ikaw na kaibigan ni Wins ay hindi niya nasabihan ang tungkol sa nakaraan niya. " nang sabihin niya yun ay dali dali akong bumaba dahil gusto kong malaman kung ano ang nangyayari. Kung bakit naging ganito na si Wins sakin.

Nang makababa na kami ay pinaupo niya ako sa couch saka nagsimulang nagsalita.

"Alam mo Yanna, yang si Sean napakabait niyan. Noon nga kontra sa kanila yung lolo niyang si Fred sa kanilang relasyon ni Vera pero pinaglaban niya. Pero sa hindi inaasahang pangyayari, isang gabi nang busy kaming naghahanap kay Vera dahil sabi ng isang kasambahay ay pinaalis daw siya ni Fred ay lumabas agad si Sean para hanapin ang asawa niya pero sa hindi inaasahan, naaksidente siya. Nagka amnesia at kahapon lang niya naalala ang lahat nang sinabi kong nahanap ko na ang asawa niya. Ayoko kaseng ipaalala sa kanya yung nakaraan kapag wala sa tabi niya ang kanyang asawa. Kaya nung sabihin kong nahanap ko na ang asawa niya ay gusto niya agad itong makita. Wala siyang alam kaya hindi niya nasabi sayo na may asawa na siya." doon ko nalaman ang lahat lahat. Gusto kong magalit kay Wins pero wala nga siyang maalala diba? Gusto kong magwala dahil naging kabit ako pero wala akong magawa.

Nagpaalam ako agad kay lola kahit madami pa akong gustong itanong sa kanya dahil ramdam kong tutulo na naman ang mga luha ko. Kailan ba mauubos ang luha?

Bat andaming nakareserba sakin? Hindi ko maubos ubos ah.

Tumakbo ako palabas at hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta lumabas lang ako at hindi ko namalayan napunta na pala ako sa isang bridge.

Umupo ako doon at nag iiyak sabay lapit ng mukha ko sa mga tuhod ko. Naawa ako sa sarili ko. Iyak ako ng iyak ngayon eh sa next next day na yung graduation ko. Kasal ko na ngalang hindi naging masaya pati ba naman graduation ko?

Pero teka lang. Bakit nga ba ako nasasaktan? Akala ko ba hindi ko mahal si Wins? Bakit lagi akong nagseselos?Bakit ang weak ko kapag kaharap ko siya?

Dahil sa mga katanungang iyan ay unti unting nagets ng isip ko kung bakit ganun.

Mahal ko na nga ata siya. Mahal ko siya kaya ako nasasaktan. Mahal ko siya kaya ako nagseselos kanina. Mahal na mahal ko siya pero huli na para marealize ko.

Umiyak lang ako nang umiyak nang may marinig akong boses nang lalake na kumakanta at mukhang papalapit sakin.

"Kung ako nalang sana
Ang yong minahal dka na muling mag-iisa"

Pag angat ko ng mukha ko ay nakita ko si Xav na papalapit sa akin. Tumayo ako at mas lalong nilakasan ang iyak ko na parang bata.

"Kung ako nalang sana ang yong minahal
Dika na muling luluha pa
Dika na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako nalang sana"

Nang matapos niyang kumanta ay nandito na siya sa harap ko na naluluha narin.

"Ako nalang kase Yan. Para hindi ka na iiyak pa. Ako nalang kase hindi kita sasaktan promise. " napayakap ako sa kanya nang maramdaman kong naiiyak nadin siya. Alam ko nagmamahal siya. Alam ko yung nararamdaman niya, yung feeling na hindi ka mahalin ng taong mahal mo. Hinaplos ko ang likod niya at hinigpitan naman niya ang yakap sakin.

"I'm sorry Xav. Kamahal mahal ka naman eh. Kung hindi lang ako nahulog kay Wins sigurado nahulog nako sayo dahil sa pagiging mapagmahal at makulit mo. Pero sorry Xav, alam kong nasasaktan kita pero hindi ko kayang basta bastang kalimutan yung nararamdaman ko para kay Wins lalo na't hindi ko din nasasabi sa kanya ang tungkol dito. " sabi ko habang hinahagod padin ang likod niya. Oo lalake siya pero mas maganda pading makitang umiiyak siya dahil sa pagmamahal niya sa isang babae.

If I'll just be given a chance to go back to the past, I will love him like I feel now with Wins.

Sana nga siya nalang ang minahal ko.

Sana si Xav nalang para hindi na ako nasasaktan.

Para hindi nako iyak ng iyak.

-------
Sino gusto niyo? Xav para kay Yanna o Wins para kay Yanna?

Nasasaktan na ang bida natin guys. Cheer her up.

Saka cheer me up nadin. Sana naman magvote na kayo tapos irecommend niyo tong story na to sa mga kaibigan niyo.

Please vote, comment, and share. Thank youuuuuuu:>

Still The One(COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon