Yanna's POV
28 hours, 31 minutes and 5 seconds left before Friday comes. Hindi naman ako excited eh. Oo hindi ako excited kahit kanina ko pa binibilang kung ilang oras o kung anong araw na ngayon. Bale May 22 na bukas tapos alas otso magsisimula yung kasal.
Hindi naman na tinawag ni Wins yung nanay kase nga patay na diba? Tapos yung lola niya na nagpapahanap kay Lolo Fred baka pa daw sumakit yung ulo sa kalayo ng byahe kaya wag nalang daw. Medyo masakit sakin yun ah kase parang ikinakahiya ako ni Wins pero pinaliwanag na niya sakin.
Kapag ikakasal na daw kami sa 2nd time na kung mangyayari pa eh tatawagin na daw niya lahat para daw bongga. Yun daw kase gusto ng mga babae ngayon pero hindi naman ako ganun eh. Basta maikasal ako sa taong mahal ko okey na yun.
Ewan ko din kung anong balak ni lolo sa amin pero alam ko may balak siya. Sa tagal namin magkasama kilalang kilala ko na siya. Pero hindi naman siguro masama yung balak diba? Kase alangan namang ipahamak niya sarili niyang apo diba?
Habang nag-iisip ako ay biglang may kumatok sa pintuan ko. Sino kaya eto? Ala una na ng umaga pero may kumakatok?
Bigla akong kinilabutan ah. Tumayo na tuloy yung balahibo ko.
Bubuksan ko ba o hindi?
Pag bubuksan ko wala namang mangyayari sakin diba?
Tumayo nga ako at dahan dahang binuksan ito.
Inhale. Exhale.
Nang binuksan ko ay nakasarado yung mga mata ko. May narinig din akong tumawa ng marahan at parang nabobosesan ko yun. Dahan dahan kong binuksan pero wala akong nakita. Bumilis yung tibok ng puso ko lalo na nung lumakas yung ihip ng hangin.
Waaa sino yun? May tumawa kanina eh.
Dahil sa takot ko ay isinarado ko agad ang pinto saka magtatalukbong sana kaso napatalon ako nang may makitang naka-upo sa kwarto ko.
Nanlumo yung mga tuhod ko pero bago ako mahimatay ay nahalata ko kung sino yung naka upo.
"Ikaw? " sigaw ko kay Wins na prenteng prenteng nakaupo tapos nakangiti. Siya lang pala tapos halos atakihin na ako sa takot. Tumawa siya kaya dahil sa inis ko ay tumakbo ako papalapit sa kanya tapos pinagbabato ng unan.
"Bwisit ka malapit na akong himatayin sa takot kase akala ko kung multo na yun tapos ikaw lang pala. Walang hiya ka Wins. " inis king sigaw habang pinagbabato padin pero tawa padin siya ng tawa.
"Sorry na. Pffttt. Nakakatawa pala yung itsura mong matakot. Para kang timang. " dahil sa sinabi niyang iyon ay mas lalo pa akong nainis at pinagbabato siya pero nagulat ako sa nangyari.
Dahil sa umilag siya ay bigla akong napahiga kasama siya tapos nakapatong siya sa akin.
Ah- awkward right?
Dahil sa hiya ko ay ako na sana ang unang aalis kahit nasa ilalim ako pero bigla siyang nagsalita.
"Can we just stay like this. " nalito ako bigla sa sinabi niya kaso umalis siya sa ibabaw ko tapos tumabi sa higaan ko at niyakap ako saka inamoy amoy yung buhok ko.
What is he doing?
"Can we stay like this? Even though mamaya pa tayo ikakasal can we atleast sleep together? I just feel myself comfortable with this but if you don't want-" ayoko na umalis siya dahil komportable din ako sa lagay nayun kaya bago pa siya umalis ay niyakap ko din siya at isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya.
Naramdaman kong nabigla siya pero after a second din ay mas lalo niyang hinigpitan ang yakap sa akin saka hinalikan ang noo ko.
"Good night love. " he sweetly said na naging dahilan ng pagbablush ko na naman. Jusq pag siguro hindi ako nakatago sa dibdib niya baka tinawanan na niya ako dahil pulang pula na yung mukha ko.
"Good night too love. " nakayanan kong sabihin yun saka ako ngumiti at alam kong pati nadin siya. Geez, I love this position. Sana ganito nalang lagi.
--------
Omooo nakakainggit. Now I need fo find myself a bf charot. Study pers pala muna tayo.Hope you love it and pls do hit the star sa baba tapos comment and share naden kayo po.
Salamat po ng madame.
BINABASA MO ANG
Still The One(COMPLETED)
Romance"WHY ARE YOU FUCKING FLIRTING WITH XAV YAN? REMEMBER THAT YOU-ARE F*CKING-MINE. AND I DON'T SHARE"he shouted at her. Meet Sean Winsley Cooper your ideal type of guy. A half- filipino half-german who is filthy rich and the CEO of Cooper Company. A...