Yanna's POV
Nasa harap na ako ngayon ng simbahan kasama ang lolo ko na mas kinakabahan pa ata kaysa sakin. Ako lang kase ang nag-iisang apo niya kase nga maagang namatay ang mga magulang ko. Bawal drama ngayon kase kasal ko ah.
"Lo sobra sobra yung kaba niyo ah. " birong sabi ko sa kanya at natawa naman siya saka humarap at ngumiti sakin.
"Syempre alam mo naman diba apo? First time ko to kaya wag ka nang kontrabida. Saka masaya lang ako na sa wakas ay ikakasal ka nadin at alam kong sa tamang tao na yun. " sabi niya ngunit hindi na nakaharap sa akin kundi sa pintuan na nakabukas na.
Hindi ko na din sinagot kase hindi naman totoong siya na nang tamang tao para sakin eh.
Nang mabuksan na ang pintuan ay sinimulan na din namin ni lolo na maglakad ng nakangiti. Napatingin din ako sa simbahan na sobrang laki at yung design ng kasal ang bongga. Theme ata ng kasal ko ay blue kase halos lahat naman na blue ang suot. Yung mga abay puro blue pati nadin yung suot ni Crystal at kung hindi ko pa nasasabi sa inyo siya ang maid of honor tapos si John naman ang best man.
Hindi ko naman matawagan kase si Krisha na nasa Maynila para siya nalang ang gawin kong maid of honor na kaibigan ko.
Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa lalakeng naghihintay sa harapan na mas naging gwapo pa dahil sa suot niyang tuxedo pero parang may kulang,
Yung ngiti niya. Hindi siya nakangiti na nakatingin sakin. Napakaseryoso ng mukha niya na parang ako lang ang may gusto ng kasal na ito. Anong nangyari? Akala ko ba ayos lang sa kanya eto? O baka naman kinakabahan lang diba?
Ah oo tama. Baka kinakabahan lang. Wag muna ako mag isip ng kung ano ano kase kasal ko eto.
Nagsimula na ang seremonya nang hindi padin siya nakangiti at kanina pa hindi man lang lumilingon sa akin, sa pari lang siya nakatingin. Kanina ko pa kinakalabit at binubulungan kung anong meron pero hindi niya ako pinapansin.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride. " hindi ko namalayan na ganun na pala. Tapos na pala yung seremonya nang hindi ko man lang namamalayan.
Inangat ni Wins yung veil ko saka inilapit ang mukha niya sa akin nang walang ka emo emosyon at hinalikan ako
sa noo. Okey? Medyo napahiya ako sa part nayun ah pero ngumiti parin ako saka sabay kaming humarap sa mga bisita. Mga bisita na puro mga kababayan ko. Sabi ni lolo hindi daw bongga pero halos buong municipality na ata eh ininvite. Ewan ko lang kung pati si Mayor nainvite niya.
Matapos ng kasal ay nagdiretso agad kami sa reception na sa bahay din lang. Hindi ako kinausap ni Wins at ni tango wala. Ganun na ba talaga siya kapagod?
"Congrats" paulit ulit na nadidinig ko habang nag iikot ikot ako para naman may mag approach sa mga bisita no. Nakakahiya naman kung hindi ko papansinin diba?
Hindi man lang kami magkasama ni Wins na magpasalamat sa mga bisita hanggang sa gumabi na at magsialisan na sila. Ni hindi ko nga siya nakita eh hays. Grabeng kasal naman to. Oo hindi pa ako sure sa nararamdaman ko pero hindi ko naman ata deserve na ganito kalungkot ang kasal no?
Habang nagmumuni muni ako nang makaalis ang mga bisita ay lumapit sa akin si lolo na parang hindi masaya.
"Bakit po lo? " tanong ko agad nang makalapit siya sakin. Parang kinakabahan nadin ako dahil sa itsura ni lolo ah.
"Apo, magready ka na ng mga gamit mo mamaya ha? Nasabi kase ni Wins na uuwi na sila bukas kase may biglaan daw naging aberya sa kompanya nila at pinaki usap ko na na sasabay ka sa kanila. Ibinilin nadin kita apo. " pagkasabi niya nun ay tuluyan nang nasira ang araw ko. Um oo nalang ako kay lolo saka pumunta sa kwarto ko at nakasalubong si Wins.
"Ah Wins. Baka hindi ako sasabay sa inyo kase sa Linggo pa naman ako aalis eh saka-" pinutol niya yung sinasabi ko at tumingin sakin ng seryoso.
"Ibinilin ka sakin ng lolo mo so don't you dare argue with me. Just pack your damn thing and we will go early tommorrow. No buts. " he seriously said saka umalis nadin agad.
So? Ganun na ang pagtrato niya sakin matapos kaming ikasal?
Ukinana kitdi ah. Amtak lang ni haya'y panbalinan to. ( Tangina naman oh. Alam ko lang na ganito ang kalalabasan eh)
Matapos niyang sabihin yun ay pumunta ako agad sa kwarto ko nang padabog at sinimulan nang mag empake nang mabigat ang dibdib.
------
Ganun pala yun? Di naman masakit no?Ang sweet ko talaga sanyo. HAHAAHAH.
please vote, comment and share. Salamat po.
BINABASA MO ANG
Still The One(COMPLETED)
Любовные романы"WHY ARE YOU FUCKING FLIRTING WITH XAV YAN? REMEMBER THAT YOU-ARE F*CKING-MINE. AND I DON'T SHARE"he shouted at her. Meet Sean Winsley Cooper your ideal type of guy. A half- filipino half-german who is filthy rich and the CEO of Cooper Company. A...