Yanna's POV
Pumasok ako sa cafe na sinabi niya at nagmasid masid para hanapin siya nang may makita akong kamay na nakakaway sa may bandang gilid.
It's Wins with a girl in his left side and boy on the right side. I think siya yung babaeng nalilink in kay Wins. Maganda naman siya natural nagmomodelling e. Yung lalake naman ay yun ata ang attorney nila. Mas lalo akong nalungkot nang maalalang matutuloy talaga ang divorce namin.
Hindi man lang ako makakita ng lungkot sa mukha ni Wins instead masayang masaya pa siyang nakatingin. Ang harsh a kase ako padin yung asawa niya no kaya dapat man lang hindi niya ipakitang excited siya na maging single ulit sa harap ko.
Tumayo silang tatlo nang makarating kami sa pwesto nila at nakipagkamay sa aming dalawa ni attorney.
"Please sit down" sabi ng lalakeng kasama nila sa amin kaya umupo na kaming lahat. Napansin kong tinititigan ako ng babae mula nung dumating kami.
May dumi ba ako sa mukha? Oo naman e alam kong maganda ka kaya sana wag naman ganyan ang itrato mo saken.
Akala ko mag uusap pa kami ni Wins kase diba yun ang sabi niya? Pero hindi e, nagsimula agad sila sa mga papeles. Excited ata ang mga to.
Tama nga yung hinala ko si Atty. De Vera ang lalake na kausap ngayon ni Atty. Ramos. Wala ako sa matinong pag iisip kaya hindi ako nakinig sa pinag uusapan nilang dalawa. Ano pa bang pakikinggan ko e alam ko namang ang bagsak din nito ay sa huli ang pirmahan ng divorce papers.
Tinignan ko si Wins pero hindi siya nakatangin sa akin dahil nakatingin siya sa babaeng kasama niya at nag ngitian sila. Okey?
" Andito parin sa harap niyo yung asawa hello? "
Hindi ko yan sinabi no kase may hiya naman ako kahit papaano kase kahit nasasaktan ako ay ako padin ang may kasalanan kung bat nakahanap siya ng bago. Pinagtabuyan ko siya kaya ano ang ginagawa ng mga tinataboy? Syempre umaalis.
Hindi ko akalain na makakahanp siya agad ng kapalit ko. Akala ko hahantong pa kami sa kasal na matino at maghohoneymo-
"Mam Yan? " nagulat naman daw ako nang tinawag ako ni Atty. Nawala na tuloy yung imagination ko. Malapit na e hays.
"Ah A-no yun? " tumingin ako sa kanya saka ngumiti. Hindi ko napansin na lahat na pala sila ay nakatingin sakin.
Hala bakit? Anong meron?
"Kanina ka pa namin kinakausap Mam pero hindi ka kumikibo. Ang sabi ko po ay sure na po ba kayong pumirma sa divorce papers? Kase kung hindi ay ibang usapan na naman po yun. " oh diba sabi ko na? Dun at dun padin ang bagsak ng usapan.
Tumingin ako kay Wins na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin. Anong problema nito? Nagagalit siya dahil matagal akong sumagot?
Eto na sasagot na. Wala naman na akong magagawa dahil anjan na yung ipinalit sa akin saka may natitira padin naman akong awa sa sarili ko. Ayokong magmukhang parang tanga sa harap nila kahit nasasaktan ako.
Kahit nasasaktan na yung tao ay kailangan ipakita mo paring okey ka at kaya mo kung ayaw mong maawa sila sayo. Ayoko ng kinakaawan kaya ganun.
Ngumiti ako sa kanila atsaka tumango.
"Well then it's settled. Please sign the papers now and kami nalang ang magproprocess after niyong mapirmahan yan. " sabi ni Atty. De Vera saka binigyan kami ng ballpen at papers. Nagdalawang isip pa ako kung pipirma ako ngunit nagulat ako sa ginawa ni Wins.
Pagka abot na pagka abot ng papeles ay agad niya itong pinirmahan?
Ganun na ba talaga kadali para sa kanya ang lahat? Hindi man lang nag isip.
Biglang may kumirot sa may dibdib ko and at that time alam kong namumuo na naman ang luha ko.
Bakit kase ganun? Kung minahal nga talaga niya ako ng totoo e bat siya ganyan ngayon? Ang sakit sakit pero wala na akong magagawa.
Bago pa tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan ay pinirmahan ko na ang mga papeles saka kinuha ang bag ko at naglakad palayo ng hindi nagpalaam.
Tinatawag nila ako pero wala na akong paki alam pa sa kanila dahil yung pirma ko lang naman yung hinihintay nila at naibigay ko na so bat pa nila ako pipigilan?
Binilisan kong maglakad kaya nakarating agad ako sa parking lot at bubuksan ko na sana ang kotse nang may humila sa kamay ko.
Tumalikod ako at nakita ko si Wins sa harap ko. Ano na naman bang problema nito?
"Ano bang problema? Pumirma na ako kaya bat mo pa ako kailangang habulin? Tapos na ang lahat sa atin kaya kung pwede bitawan mo na ako at aalis na ako. " matapang na sabi ko sa kanya.
Hindi siya sumagot na mas lalo pang nakapag painis sa akin. Tumulo ang mga luha ko pero wala na akong paki alam dahil kagagawan naman niya lahat ng to e.
"Hindi naman ako magagalit kung nakahanap kana talaga ng mas better sakin e. Hindi ako magagalit kung mas nagiging masaya ka sa kanya pero masakit lang kase na nung pinirmahan mo ang papers ay hindi ka na nagpaligoy ligoy pa. At ang bilis mo pang makalimot. Akala ko ba mahal mo ako? E bat ganya ka? " pumiyok ako sa huli kong sinabi. Hindi ko na hinintay ang isasagot niya sana at papasok na sana ako sa kotse nang maramdaman kong nahihilo ako.
Hindi ko ito pinansin pero nang itapak ko na ang mga paa ko sa loob ay bigla nalang akong natumba.
Narinig ko pang sumisigaw si Wins pero hindi ko na alam ang nangyari coz everything went black.
Sana hindi nalang ako magising.
I just wanna die.
--------
Papatayin ko na ba ang bida natin?Hmm pag iisipan ko paaaa HAHAHAAH.
please do VOTE, COMMENT AND SHARE.
Salamat ng madame.
Love,
Ate Reighn
BINABASA MO ANG
Still The One(COMPLETED)
Romance"WHY ARE YOU FUCKING FLIRTING WITH XAV YAN? REMEMBER THAT YOU-ARE F*CKING-MINE. AND I DON'T SHARE"he shouted at her. Meet Sean Winsley Cooper your ideal type of guy. A half- filipino half-german who is filthy rich and the CEO of Cooper Company. A...