Yanna's POV
"Hindi tayo pwedeeeeee. Pinagtagpo pero di tinadhan-"
"Bilisan mo na jan at kumain na tayo. " biglang singit ni Wins habang kumakanta ako. Papansin siya ha infairness. Ang ganda ganda na ng kanta ko eh psh.
"Oo na. Alis na" inis kong sagot sa kanya. Masungit na kung masungit basta sinira niya ang mood kong kumanta. Ayaw madinig golden voice ko ha.
"Saka pwede naman tayo eh. Konting tiis nalang magiging totoo na ang lahat. " sigaw niya ulit sa labas.
Whatdapakdncndjsjajw. Anooo daw? Konting tiis nalang-ano? Napakaingay kase ng tubig na ito eh. Binilisan ko nalang bumaba kase may pupuntahan kami ngayon nila lolo at John. Kami lang hindi kasama si Wins. Maiiwan siya dito sa bahay maglilinis.
Charot lang. May mga maid naman kami eh saka sayang yung gwapo niya kapag maglilinis. Pagkatapos ay bumaba na ako.
"Lolo tapos na po ako. " sabi ko sabay punta sa kanya at niyakap siya. Buti nalang mabilis mawala yung inis ko kundi nasungitan ko na si lolo.
"Niyakap mo na naman ako pero yung boyfriend mo walang yakap? " tanong niya sakin. Halla si lolo. Bigla naman akong namula at ewan ko kung anong nagtulak sakin at niyakap siya sabay sabing
"Good morning Love" nabigla siya sa inasta ko at maging ako din. Ano yung kababalaghang ginawa ko?
Myghad!
Dahil sa hiya ay umalis na agad ako sa tabi niya saka pumunta sa tabi ni lolo. Pagtingin ko ay nakangiti siya nang nakakaloko pati narin si Kuya John.
Nahihiya na nga ako nagawa pa nilang magbiro. Naman eh.
Susubo na sana ako nang biglang magsalita si Wins at hindi ko inaasahan yung sinabi niya.
"Good morning din love" sabi niya ng nakangiti at mas lalo pa akong namula. Umagang umaga nagiging kamatis na naman ako. Ngumiti nalang ako bilang tugon saka kumain.
Habang kumakain kami ay biglang nagsalita si Lolo.
"Ah nga pala apo, sigurado ka bang sasama ka sa bahay nila Crystal? " tanong ni lolo. Aba oo naman no. Gusto ko talaga makita kung anong mangyayari.
"Bat ano pong meron lo? Bat po kayo pupunta dun na kasama si John? " tanong ni Wins. Ah hindi ko pa pala nasasabi sa kanya.
"I kakalon namin si John kay Crystal." sagot ni lolo na mas lalong nag palito kay Wins. He sure doesn't know anything. Ako kase makakalimutin eh nakalimutan kong ikwento sa kanya kahapon kase naman eh nawala na ako sa matinong pag iisip nang
ano-Sabihin niyang pakakasalan niya ako.
Syempre dahil sa kinilig ang lola niya nakalimutan ko na dapat yung isang sadya ko noon.
"Kwento ko nalang mamaya sayo love pagkauwi namin ha? " sabi ko sa kanya. Basta tatawagin ko na siyang love sa ayaw at sa gusto niya. Ang sweet kase ng tawagan na love eh pero pag nakapag isip isip na ng medyo unique na tawag papalitan ko na ano ba kayo. May originality ako no.
Ah. Oo nga pala. Syempre kailangan ko ding ikwento sa inyo kung anong nagyari kahapon diba? Pero dahil sa tinatamad ako isummarize nalang natin.
Kahapon kase habang inis na inis akong pinapatay na si Crystal sa isip ko ay lumapit sakin si John. Nagkwento siya sakin na ex-gf niya sa Crystal. Nag meet din sila dito dahil pumasyal noon dito si Kuya John. Nagkalabuan kaya ayun, nagbreak. Tapos sa engagement party namin, kaya naman pala lapit ng lapit si Crystal kay Wins ay dahil gusto niyang pagselosin si Kuya John. Buti naman akala ko talaga kaagaw ko na siya hays. Nang gabing yun, medyo naging okey na daw sila nang mag usap pagkatapos ng program kaya ngayon, dahil gusto din ni Kuya John na makuha si Crystal in a nice way, gusto niyang gawin yung tradisyonal na panliligaw-not like as in na panliligaw ah. Urghh pano ba to.
Ang 'kalon' kase saming mga igorot ay dito banda pupunta yung lalaki sa bahay ng nagugustuhan niyang babae na may dalang kahit na ano, pagkain o bagay. Pero ang kadalasan na dala ay rice wine o 'tapey' in our term. Kapag ininom yun ng babae ay ibig sabihin pumapayag na siya na maging fiance ng lalake. It's like engagement at the same time panliligaw. Pagka ininom na niya ay ang hihintayin nalang nila ay yung kasal.
Gets niyo na ha?
At eto nga papunta na kami sa bahay nila Crystal. Syempre ano pa ba aasahan niyo? Sa haba haba ba naman ng kwento ko eh hindi tayo aabutin ng oras? Saka si lolo na ang nag volunteer na samahan si Kuya John pala kase pag gagawin yung 'Kalon' kailangan may kasama kang parang pinuno or mga matatanda na lalake para tulungang kang iconvince yung girl.
Ano? Manliligaw ka na ng igorot? Charot lng. Out of the topic jusq naman.
Pinapasok naman kami sa bahay nang makadating kami at sinumulan na yung usap usap.
After 09984531411 yun na binigay na din kay Crystal yung rice wine.
Waaa sana inumin niya para mabawasan na ang karibal ko. Inom na Crystal daliiii. Mabait naman si kuya John eh. Hindi ka magsisisi promise.
At parang nadinig naman niya yung sinasabi ko kaya ininum niya yung rice wine.
Sht! Engage na silaaa kyaaaa.
"So parang okey naman ang anak niyo kaya I think okey na tayo dito. " sabi ni lolo at tumango tango naman ang parents ni Crystal.
Nang matapos na finally ang usapan ay nag decide na kaming umuwi pero nag paiwan si kuya John dahil gusto daw na makausap pa ang fiance niya.
Infairness kuya John ah ang bilis. Samantalang yung samin pilit pa.
Hay! Kailan naman kaya ako seseyosohin ni Wins no?
Dadating pa kaya yun?
-----
Isang tradisyon po ng mga Igorot ang nadiscuss dito kaya sana naman nadgadagan na ang kaalaman niyo tungkol sa kanila.Do some research about their traditions, trust me its enjoyable and interesting.
Yung kinanta ni Yanna ang title po eh HINDI TAYO PWEDE by The Juans
And if you love it pls do vote, comment and share.
Maraming salamat po.
BINABASA MO ANG
Still The One(COMPLETED)
Romansa"WHY ARE YOU FUCKING FLIRTING WITH XAV YAN? REMEMBER THAT YOU-ARE F*CKING-MINE. AND I DON'T SHARE"he shouted at her. Meet Sean Winsley Cooper your ideal type of guy. A half- filipino half-german who is filthy rich and the CEO of Cooper Company. A...