Yanna's POV
"Oh hey John. Anong meron? Bat andito ka?" nagulat ako nang makita ko si John na meron sa labas ng kwarto ko na kakatok na sana. Hmm bakit kaya?
"Ah just wanna tell you na kung pwede sana samahan mo ako na libutin naman ang lugar niyo? " biglang sabi niya na parang nahihiya pa. Yun lang pala eh parang takot pang magsabi.
"Aba oo naman. Pero ikaw lang mag-isa? Si Wins hindi sasama? " hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil curious ako eh. Syempre baguhan lang siya dito diba? Kaya dapat din na i tour ko siya.
Walang malisya guys ah. Just wanna tour him around. Okey?
Ano? Okey na ha. Bahala kayo kung ano iisipin nyo-
"He went out with Crys" napatigil ako sa pag iisip nang sumagot si John. Ano daw? Kasama si Crys? Akala ko ba sila na ni John? Bakit ganun?
"I thought kayo na? Bakit sila magkasama? " hindi ko napigilan ulit ang sarili ko. I just wanna know kung bakit. Just feels like hello? May jowa siya tapos sasama siya sa ibang lalake?
Same as through naman kay Wins ah. May fiance na nga nagawa pang lumabas kasama ang ibang babae eh kayang kaya ko naman gawin yung ginawa ni Crys ah.
"Fine. Lalabas tayo John. Magbibihis lang ako at aalis na tayo. Sisiguraduhin ko mag eenjoy ka. Wait for me-"
"Are you gonna take a bath for an hour? I'll just watch Everest, I heard it was a good movie. " he cut me off. Ano? Grabe naman yung isang oras na panliligo diba? Ano namang gagawin ko sa banyo?
Sasayaw ng 30 minutes? Kakanta ng 15 minutes? Na-uh. Hindi ako ganun no. Ewan ko ba sa iba na abutin ng syam syam sa panliligo.
"Nope. Be here in 15." sabi ko sabay takbo papuntang banyo. Ewan ko napapa english din ako kapag kausap ko si John. English kase ng english eh but-
Wait
Parang may tumutulo sa ilong ko ah. Hinawakan ko ito at tinignan kung meron nga and I was right-
Nagdugo ilong koooooo humaygahd.
I swear sasabihan ko mamaya si John na wag na mag english.
Binilisan ko na maligo at tumakbo sa kwarto para magpalit. Kailangan maganda yung suot ko para matalbugan si Crys if ever man na magkikita kami no. Ipapakita ko kay Wins na yan na kung gusto niya makasama si Crys eh gusto ko din makasama si John. Kala niya ha.
Nagsuot ako ng jeans na black tapos sando sa taas then I wear jacket para pantakip sa sando. Hindi naman sa masyado akong conservative just that mainit kase sa labas ayoko namang magkasunburn no.
Bumaba ako at nakita ko si John saka kami nagtungo sa kotse. Kotse yun ni lolo kase yung dinadrive ni John yun yung ginamit nang hinayupak na si Wins. Pasosyal si Crystal ah kala mo naman super ganda eh mas maganda pako dun eh.
Nang makarating kami sa unang place na gusto ko talagang ipakita sa kanya na tinatawag na Northern Blossom ay nagpahinga muna kami. Ang ganda ganda kaya dito minsan aayain ko din si lolo tapos pupunta kaming lahat dito.
Nang makapagpahinga na kami ay pumunta naman kami sa strawberry farm. Syempre strawberry meron dito kaya nga yun ang tawag eh. Madaming strawberries pero I don't feel like eating it. I hate
straw
be
rries
Ano yung nakikita ko? Totoo ba tong nakikita ko?
Sina Crystal at Wins nagtatawanan habang kumakain ng strawberries. Naramdaman ko nalang na biglang sumakit banda sa puso ko at pinigilan kong tumulo ang luha ko.
Ewan ko ba ngayon lang ako nagdrama about sa ganito. Oo alam ko naman na walang kami sa totoo lang pero bakit hindi man lang niya cinonsider yung label namin diba? Yung nararamdaman ko diba?
Bago pa ako maiyak ay sinubuan ako ni John ng strawberry at alam kong nasasaktan din siya sa nakikita niya. Nang makatikim ako ay binigyan ko din siya saka nginitian.
"Ano? Hindi masarap no? Para naman malaman mo na ang pangit ng lasa ng pinatikim mo sa akin no. " sabi ko sa kanya habang tumatawa. Priceless yung mukha niya parang unggoy na inagawan nang hangin.
Tawa ako ng tawa nang bigla na naman niya akong sinubuan at saka tumakbo. Aba ganun pala gusto niya ha. Kumuha din ako ng strawberry saka siya hinabol at nang mahabol ko na siya ay bigla kaming napahiga. Ako yung nasa top at tawa lang kami ng tawa saka ko tinaggal yung kamay niya na nakatakip sa bunganga niya at pinakain ng strawberries.
Tatayo na sana kami nang bigla kong maramdaman na may mga kamay na humila sa akin at hindi ko na dapat alamin yun kase amoy palang alam ko na,
Wins.
Hinila niya ako palayo kina John atsaka lamang binitawan ang kamay ko. Buti naman masakit na kase eh. Nasasaktan din naman ako no.
"Ano ba! Ano bang problema mo ah.! " sigaw ko sa kanya at nagulat ako nang bigla niya akong sigawan.
"Ikaw- Ikaw ang problema ko Yan" sigaw niya saka napahawak sa buhok. Bat ako? Ano na naman?
"Ano na naman bang ginawa ko ha? Wag ka ngang naninira ng araw. Alis" sagot ko sabay walk out na sana nang bigla niyang hilain ang kamay ko.
"Anong ano ang ginawa mo ah. Anong ginagawa mo dun sa farm ha? Nakipaglandian ka pa talaga sa harap ko. Hindi ka na nahiya" sabi niya. Ano? Ako nakikipaglandian?
"Aba nagsalita ang nakikipaglandian. Ikaw nga etong kasama si Crystal na ang aga pang pumuntang namasyal tapos nagtatawanan. Hindi ba yun nakikipaglandian? " sumbat ko sa kanya. Inis na inis na ako dito ah.
"Magkaibigan lang kami Yan. Ikaw yung problema. Ikaw yung nakikipaglandian dahil alam ko naman na hindi kayo magkaibigan lang ni John. Tandaan mo Yan that you are f*cking mine. And no one shall steal you from me. " woah. Ano yun ha? Ako- ako pa talaga?
"Wag kang magbintang nang basta basta Wins. Sumsobra ka na ah. Saka hindi mo ako pag aari Wins. Oo alam mo na may gusto ako sayo pero hindi yun sapat para saktan mo ako at sumbatan ng kung ano anong inaaakusa sakin. Nagtitimpi lang ako noon Wins pero sobra na ngayon. Sumosobra kana. Ikaw at yang ugali mo na Ipinakita mo sakin ngayon-
Nagsisisi ako na nagustuhan pa kita" sigaw ko sa kanya habang umiiyak. Hindi ko na napigilan ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha ko kaya tumakbo ako sa kung saan si John at hinila papalayo sa kanila.
Ayoko na.
Pagod nako.
---------
Awwww
Saet ah. Broken po yung bida natin kayo kase. Oo kasalanan niyo-
Bat ako? Kayo kaya.
Pero kung ako ang sisisihin niyo edi ako na basta
Mag vote, comment, and share kayo neto ha? Halabyuuuu 💜
BINABASA MO ANG
Still The One(COMPLETED)
Romance"WHY ARE YOU FUCKING FLIRTING WITH XAV YAN? REMEMBER THAT YOU-ARE F*CKING-MINE. AND I DON'T SHARE"he shouted at her. Meet Sean Winsley Cooper your ideal type of guy. A half- filipino half-german who is filthy rich and the CEO of Cooper Company. A...