Jey :) ----->
Ako nga pala si Jey dalawang pung taong gulang katamtaman ang tangkad medyo payat, medyo maputi at laging sakitin , masasabi kong lumaki akong medyo nakaka angat sa buhay dahil hindi man binibigay sa akin ng aking mga magulang ang lahat ng aking luho pero di naman nila ako pinabayaan at di rin naman kasi ako yung taong mahilig sa mga bagay bagay ewan ko pero ganun na talaga ako noon pa. Alam ko sa aking sarili na iba ako at di naman yun lingid sa mga taong nakapaligid sa akin kabilang na ang dalawa kong matalik na kaibigan na si Josh at Harvy. Hetong dalawang matalik na kaibigan ko ang mga campus heartthrob sa aming eskwelahan (highschool) paano ba naman bukod sa mga gwapo na eh varsity pa ng school sa basketball si Josh at deputy corps commander naman ng CAT si Harvy at di lang yun parehong mayayaman din ang kanilang mga magulang at ako? Wala lang bukod sa mayaman din naman kami normal na estudyante lang ako na pasaway, kung hindi lang sa aking ina na isa sa administrator ! ng eskwelahan malamang matagal nako na kutos ng aking mga guro. Aba kung tatanungin nyo medyo sikat din ako sa aming eskwelahan pero di lang dahil sa kaibigan ko ang dalawang campus heartthrob o dahil sa aking ina, ang isa sa dahilan eh kung gusto nyo maki balita ng isang tsimis aba di yata ako pahuhuli sa mga yun, sa madaling salita may pagka tsismoso ako hehe.
Hay naku kung tatanungin nyo ako ewan ko ba kung paano ko naging matalik na kaibigan yung dalawang yun kasi kahit paano mo tingnan eh we have nothing in common mahilig sila sa mga kotse, ako basta umaandar ang kotse pwede na, mahilig ako sa mga computer games sila hindi, kaya lagi nila akong sinasabihang “you should grow up” “hanggang ngayon isip bata ka pa din Jey ikaw talaga”. May isa pa palang bagay hindi kasi ako yung tipong masasabihan mo ng problema kasi daw halos lahat dinadaan ko sa biro, ewan ko ba mapagbiro lang talaga kasi ako gusto ko lahat ng tao Masaya. Anyway heto ang nakaraan para malaman nyo naman kung paano kami nagging matatalik na magkakaibigan.
Ang nakaraan…(First year highschool)
Start pa lang ng school year medyo madami nako kilala sa aking mga kaklase kasi dun din ako galing sa school na yun nung elementary kaya yung iba kong kaklase nung first year highschool ay mga nakaklase ko na din sila nung elementary. Kaya alam nila na malandi ako hahaha! Joke lang pero sabi ko nga din na di na lingid sa mga taong nakapaligid sa akin ang aking tunay na pagkatao kaya wala ako tinatago sa kanila. Doon ko nakaklase si Josh at Harvy, si Josh mabait sya, seryoso, palakaibigan at malapit sa mga babae, biro nyo first year palang marunong na mambola si Harvy naman mapang asar, mahilig mambola ng mga teacher namin lapitin din ng mga babae at may pagka homophobic lol.
Isang araw nagkaron kami ng project sa school apat na miyembro bawat group so nagkabunutan kung sino ang magkaka grupo at yun nga naging ka grupo ko si Harvy at Josh pati na din isa naming kaklaseng babae na si Janice. Si Janice, cute sya na medyo chubby at napaka mahiyain alam nyo may crush nga siya sa dalawa eh halata naman kasi sa mga kinikilos nya. Hayun nga nag usap usap kami tungkol sa project, as usual si Harvy inaasar ako lagi.
“O ano ba yan Jey bat ba lagi kang nakatingin sakin baka matunaw ako niyan”, si Harvy
“Ang kapal mo naman bat naman kita titingnan ayaw kong maging bato noh” sabi ko at napatawa nalang siya sabay saway samin ni Josh at sabay sabing “tumigil na nga kayong dalawa diyan wala pa tayong nagagawa sa project”. Lumipas ang mga araw puro pang aasar pa din si Harvy sakin pero I really don’t care haha magsawa sya. Si Josh naman napaka seryoso ni hindi mo nga mabiro pag nag iisip. Dumating ang araw ng submission ng project medyo disappointed at malungkot sila josh, harvy at Janice kasi hindi maganda ang kinalabasan ng aming project dagdag pa dito ang sinabi sa amin ng aming guro na kung yun rin lang ang aming ipapasa bagsak ang aming magiging marka. At dumating ang oras ng submission laking gulat nilang lahat na may bigla akong ilabas na project na kamukha nung unang ginawa namin ngunit napaka ayos naman. “Paano mo nagawa yan bat hindi namin alam at bakit di mo sinabi samin??” pagtatanong ni josh, si harvy at Janice naman ay medyo tulala pa at di makapag sa! lita sa pagkabigla. “Eh kasi naman lagi nalang ako nilalandi ni Harvy tapos ikaw lagi ka seryoso si Janice naman lagi nalang nakatitig sa inyong dalawa kaya di nga tayo makakatapos nyan noh sabay batok sakin ni Harvy”. Aray ko masakit yun ha, sabay kamot ko sa aking ulo. Pero yan na nga ang project natin mas maayos sa bahay ko kasi ginagawa yan para walang magulo sabay tingin ng nakakaloko kay Harvy. As usual binatukan nanaman ako aray ko.
Naipasa namin ang aming project at sa di inaasahan kami pa ang nakakuha ng may pinaka mataas na marka. Dun nagsimula ang pagkakaibigan naming tatlo halos araw araw lagi kami magkakasama sa recess at lunch. Pag uwi kasi may kanya kanyang sumusundo sa amin. Nakilala ko din sila ng maigi kasi kahit hindi pareho hilig ko sa dalawa nag eenjoy naman kami lagi sa pagkukwentuhan at biruan.
(4th Year highschool)
Naging varsity sa basketball si Josh at naging deputy corps commander naman si Harvy sa CAT at ako dahil hindi naman ako nag tryout sa ibang sports di rin ako nag apply bilang COCC kaya hayun isa lang akong pang karaniwang estudyante na kailangang mag attend ng CAT tuwing martes at huwebes pagkatapos ng klase. Medyo masungit ang platoon leader namin lagi ako napaparusahan naroon ang push ups, drop like a log, at kung ano ano pang pahirap. Pero pag napapadaan si Harvy bigla nalang nya yari sya hehehe.
Isang araw medyo masama ang pakiramdam ko hindi narin ako nakapag lunch dahil sinusuka ko din ito sabi sakin nung ka close kong babaeng kaklase na si Fatima, “o jey bat di ka naglunch di ka na nga nakapag recess baka kung mapano ka nyan”. “Wala ako ganang kumain masama kasi pakiramdam ko eh” ang sabi ko. “Alam na ba nila josh at harvy na masama ang pakiramdam mo”? sagot ni Fatima. “Hindi wag mo na sabihin busy yung mga yun ngayon lalo na malapit na ang Intrams ayoko namang dumagdag pa sa mga aalalahanin nila”. “O sige ikaw bahala pero pag di mo na kaya sabihin mo lang sakin at itatakbo kita sa hospital” pabirong sabi ni Fatima.
Dumating ang oras ng dismissal at didiretso na sana ako sa parking lot para hintayin ang aking sundo dahil hindi na sana ako mag aattend ng CAT namin ng makasalubong ko ang platoon leader namin. “O Jey san ka pupunta may training pa tayo ngayon baka nakakalimutan mo?” “Eh sir masama po kasi ang pakiramdam ko ngayon baka pwede po munang umabsent kahit ngayon lang” ang pagmamakaawa kong sagot. “Baka tinatamad ka lang o manlalalaki ka lang gusto mo pang tumakas hala balik doon”. Wala na akong nagawa kundi sumunod sa officer namin.
Kalagitnaan ng training namin ng makaramdam ako ng pagkahilo at bigla nalang ako bumagsak sa damuhan ng field at tuluyan nang nawalan ng malay.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Teen FictionThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)