"Aphrodite dahil nahigitan ka na ni Jey sa angking kaganadahan inaalis na kita bilang diyosa ng kagandahan" Si Zeus ang hari ng Olympus
"Jey dahil sa iyong di matawarang kagandahan ikaw na ngayon ang bagong diyosa ng kagandahan" si Zeus.
"Salamat po kamahalan wag po kayo mag alala aking ipamamahagi sa mga tao ang aking di matawarang alindog" ang aking natutuwang tugon sabay halakhak
At sa mga oras na yun nagbunyi ang buong Olympus...
"Jey, Jey, Jey gising na" si Harvey
"ano ba inaantok pa ako istorbo ka naman eh ganda ganda ng panaginip ko eh" sabay kamot saka bumalik sa pagtulog
"pati diyan sa panaginip mo ang harot harot mo, bangon ka na nga diyan" pangungulit ni Harvey
Magdadalawang linggo na buhat nang ihatid namin sa huling hantungan ang aking ina, dahil sa pagluluksa nakiusap ako sa aking mga guro at principal na magpaliban muna sa klase pumayag naman sila na walang pag aalinlangan pinapadala nga din nila sa akin ang aking mga aralin at exam upang kahit papano ay hindi ako mahuli sa klase. Sila Fatima at ang aking mga kaklase dinadalaw naman nila ako sa bahay paminsan minsan si Harvey halos araw araw kung dalawin ako, si Josh mukhang ni text or tawag man lang sa telepono ay di man lang niya ako naalala, mukhang di na talaga niya ata ako mapapatawad pero naiintindihan ko naman yun kahit sino naman sigurong best friend ganun din magiging reaksyon mukhang nag jackpot lang ako kay Harvey dahil madali niya akong napatawad.
Umupo si Harvey sa kama ko at pilit pa rin ako ginigising
"Ano ba Jey bangon ka na sabi diyan eh, alalahanin mo pinangako mo ngayong araw ka na papasok sa school" si Harvey
"Hindi mag drop na ako sa school ayaw ko na pumasok, tinatamad nako ikaw nalang sige na tulog nako ulit"
At tumalikod na nga ako at pumikit sabay takip ng aking unan, para di na marinig si Harvey
"Jey napipikon na ako ang tigas nanaman ng ulo mo, diba pangako mo kila tito na di ka na magiging pasaway eh ano ginagawa mo niyan" naiinis na wika ni Harvey
"asus as if naman inabutan mo yung drama kong yun eh di ba nga nag walkout ka nun" pang aasar ko kay Harvey
"Andun ako nasa may likod lang ako saka wag ka na ma milosopo ha napipikon na ako sayo, ano ba talaga babangon ka ba o hindi? Galit na tugon ni Harvey
"Siyempre Hindi" natatawa kong pang aasar kay Harvey
"o sige aalis na ako pero wag mo nako kakausapin kahit kailan ha" galit na tugon ni Harvey
Tatayo na sana siya nang hilahin ko siya sa kamay.
"Binibiro ko lang eh, eto naman siyado seryoso" pabiro ko sa kanya
"eh hindi ka nakakatawa, nakakainis ka na eh" iritang tugon ni Harvey
At humiga ako sa kanyang kandungan
"uy bespren wag ka na magalit sa totoo lang kasi parang ayaw ko na pumasok medyo nahihiya din kasi ako sa sasabihin nang ibang mga nasa school tapos isa pa si Josh baka mas magiging masaya siya kung hindi na niya ako makikita" ang nalulungkot kong tugon habang nakahiga ako sa kanyang kandungan.
"Alam mo Jey namimis ka na nga ng mga schoolmate natin lagi ka nga nila hinahanap sa akin sinasabi ko nalang na ayos ka lang at makikita ka na nila uli. Ang saya saya nga nila nung malaman nilang ngayong araw ka na ulit papasok." Si harvey habang hinihimas ang aking buhok
"eh si Josh hinahanap ba niya ako?" tanong ko kay Harvey
Biglang natahimik si Harvey sa aking tanong.
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Teen FictionThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)