Chapter 12

643 15 0
                                    

Inabutan ako ni Josh na natutulog, puno nang kagalakan ang kanyang nararamdaman nang malaman niya mula kay Harvey na nagising na ako. Nilapitan nya ako hinimas ang aking ulo.

"Jey salamat naman ayos ka na, alam mo ba pinakaba mo talaga kami ni Harvey akala namin mawawala ka na sa amin, hinding hindi ko mapapatawad ang aking sarili pag may masamang nangyari sayo" ang kanyang nasambit habang naluluha ang kanyang mga mata

Nagulat si Josh nang bigla akong magsalita

"aphrodite layuan mo ako tanggapin mo nalang na ako na ang bagong diyosa nang kagandahan" ang mahina kong sambit habang ako ay nananaginip

Napakamot nalang si Josh sa kanyang nakita at narinig

"ano ba yan Jey hanggang ngayon ba naman pala napapanaginipan mo pa ding diyosa ka ikaw talaga" habang napabuntong hininga si Josh

"sige magpahinga ka na diyan para lumakas ka agad, pangako di na kita iiwan" ang nasabi ni Josh matapos ay hinalikan niya ako sa noo.

Samantala ay nasa may pintuan lamang pala si Harvey at tinitingnan kami

"Tol promise yan ha di mo na ulit siya iiwan" nakangiting sambit ni Harvey

"o andyan ka na pala, oo naman kahit nagtampo ako diyan sa lokong yan sobra ko naman siyang namis" tugon ni Josh habang hawak hawak ang aking kamay.

"kamusta na pala siya nagising ba kanina?" tanong ni Harvey

"hindi nanaginip lang" tugon ni Josh

"let me guess greek goddess nanaman siya?" natatawang sambit ni Harvey

"oo di parin talaga nagbabago, first year palang tayo yan diba lagi niya napapanaginipan hahaha" habang natatawa pa din si Josh

"loko talaga yan si aphrodite pa talaga siya di man lang si apollo hahaha" si Harvey habang wala parin tigil sa pagtawa

Habang nagtatawanan sila Josh at Harvey ay dumating na si papa kasama sila kuya at Fatima.

"o Josh andito ka na pala" bati ni Papa

"good evening po tito, opo kadarating ko lang po kanina" tugon ni Josh

"hay naku nakatulog na pala, teka nga" sabay lapit ni Fatima

"hoy Jey gising na may itsitsimis ako sayo" pabiro ni Fatima

"ano ba Fatima nagpapahinga na eh" saway ni Harvey

"sus ang sungit nito FYI ako kasa kasama ni Jey nung iniwan niyo siya noh tseh!" biro ni Fatima na

"sige ipaalala mo pa, wala na ba? baka may gusto ka pang idagdag?" sarkastikong tugon ni Harvey

"wala na po sorry po" tugon ni Fatima na parang batang nagdadabog

"tama na nga yan para kayong bata" pag saway ni Papa

"by the way tito kailan po ba makakalabas si Jey?" tanong ni Josh

" ahh baka after 3 days pwede na daw pero mahihirapan pa siya lalo na sa kalagayan niya" tugon ni Papa

"ano pong kalagayan nya?" nagtatakang tanong ni Josh

"ahh diba may" at biglang sumabat si Harvey at Fatima

"siyempre mahina pa katawan niya kaya mahihirapan pa talaga siya" sabat ni Harvey

"oo nga yun nga dahilan" dagdag pa ni Fatima

Nagtaka naman si Josh sa biglang kinilos ni Harvey at Fatima pero hinayaan na lamang niya ito. Nilapitan naman ni Fatima ang aking ama at binulungan ito.

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon