Naging maayos din ang lagay ko nung mailabas ko lahat ng aking kalungkutan.
"Ano ayos ka na?" tanong ni Harvey habang yakap ako
"oo ok nako salamat sa inyo kanina ha" tugon ko sabay upo sa kama ni Harvey
"wala yun ito naman parang di ka naman matalik na kaibigan" tugon ni Josh
Medyo ginutom ako dahil nga kaunti lang ang nakain ko kaninang lunch
"nagugutom ako teka baba muna ako ha" paalam ko
"yan kasi konti lang kinain mo eh, o sige na bumaba ka na" sambit ni Josh
At bumaba na nga ako para maghanap ng makakain, pagbaba ko ay nadatnan ko si Fatima at iba ko pang mga kaklase na nagkukwentuhan.
"o Jey ikaw pala, ayos ka na ba?" alalang tanong ni Fatima
"oo ayos nako, salamat nga pala sa inyo kanina" tugon ko
"wag mo na alalahanin yun ang mga magkakaibigan ay nagtutulungan" tugon ng aking mga kaklase
"teka guys wala na ba makakain diyan?" tanong ko
"naku wala na inalis na nila kanina pa" tugon ni Tom
"Patay nagugutom pa naman ako" bulong ko sa aking sarili habang napapakamot sa aking ulo
Lumabas muna ako para magmuni muni nang makakita ako ng isang puno ng mangga.
"wow ang lalaki at mukhang hinog na yung iba, teka nga makapamitas nga di naman siguro bawal" tuwang tuwa kong sambit sa aking sarili habang nag aalis ako ng tsinelas para akyatin ang puno.
Habang kumakain ako sa taas ng puno ay biglang napadaan si Neil at nakita ako
"hoy anong ginagawa mo diyan" tanong ni Neil
Muntik naman akong mabilaukan sa narinig ko
"aray ko, ano pa edi kumakain" sarkastiko kong tugon
"lagot ka isusumbong kita" pananakot ni Neil
"huy wag" pagpigil ko kay Neil
Bababa na sana ako nang madulas ako sa pagmamadali ko at bigla nga akong nahulog sa puno
"araaay" pigil kong sigaw
"waaa ayos ka lang ba Jey?" tanong ni Neil
"tseh anong ayos ka diyan nakita mo na ngang nahulog ako eh" tugon kong medyo naiinis
"ang takaw mo kasi eh teka tatawagin ko lang sila" tugon ni Neil
Pipigilan ko sana siya ngunit nakapasok na siya sa loob, agad agad naman nagdatingan sila Fatima kasama iba ko pang mga kaklase upang tingnan ako, nung makita nila ako ay agad agad silang napatakbo papunta sa akin.
"naku ano nanaman yan Jey?" tanong ni Ben
"ahh eh kasi umakyat ako dito sa puno para mamitas ng mangga eh nadulas ako kanina hehe" nahihiya kong tugon
"alam mo Jey alam mo namang kakambal ka na nga ng malas kusa mo pang nilalapitan ito" inis na tugon ni Fatima
"oo hayan nga yung malas oh" sabay turo ko kay Neil
"panong ako yung malas eh sino ba umakyat diyan sa puno?" sarkastikong tugon ni Neil
"tseh" tugon ko
At tinayo na nga ako ni Ben at Tom, pero nung umpisa na akong maglakad ay medyo sumasakit ang aking kanang paa kaya kinailangan nila akong alalayan papasok sa loob.
"o ano ayos ka na ba?" tanong ni Beth
"oo medyo sumakit lang yung kanang paa ko pero bukas ayos na toh" tugon ko

BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Teen FictionThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)