Chapter 16

509 10 0
                                        

"Ikaw din?" mataray na tugon ni Neil

"tseh wag moko gayahin ako una nagtanong noh" asar kong tugon

"guys stop it, kasama natin ang section nila sa retreat yun kasi ang policy ng school at least 2 sections ang magkasama" paliwanag nang aming adviser

Andun din pala si Paul nakalimutan ko kaklase nga pala niya si Neil

"Hi Paul" bati ko sa kanya

"uy hi Jey kamusta ka na?" tugon naman ni Paul na nakangiti

"ok lang ako" ngiti ko

"siya nga pala Jey ha hindi kita nasalubong nung magbalik ka sa school matagal din kasi ako nawala pero nadalaw naman kita sa hospital nung wala ka pang malay" paliwanag ni Paul

"sus wala yun wag mo alalahanin yun" pacute ko

Samantala nakakuha na pala ng mga kani kanilang partner ang mga kaklase ko at mga kaklase ni Neil para makasama sa kwarto at dahil late kaming tatlo ay wala pa kami mga partner. Nang dumating ang aming retreat master ay agad agad nya kaming kinausap.

"O nandito na pala kayong tatlo by the way ako na pala mag aassign sa inyo kung sino makakasama nyo sa room hanggang sa matapos itong retreat" ngiti ni Bro. Gomez

"sige po sir" tugon ni Josh

"ikaw Josh at Harvey kayo magkasama sa room" ngiting sambit ni Bro. Gomez

Natuwa naman ang dalawa at nag apir pa kasi nga naman matalik silang magkaibigan kaya di na sila mahihirapan pang makibagay sa isat isa, ngunit sa sumunod na sinabi nang aming retreat master ang kinagulat ng lahat.

"kaw naman Jey at Neil kayo magkasama sa kwarto" sambit ni Bro. Gomez

"waaaaaaaaaaaa" sigaw ko

"ha? Wag po kayo magbiro ng ganyan" asar na tugon ni Neil

"hay nako riot ito pag nagkataon hahaha" natatawang sambit ni Fatima

"no hindi ako nagbibiro mas makabubuti ito sa inyo alam ko both of you has some issues pero diba its about time to settle your differences?" paliwanag nang aming retreat master

"uhm sir baka po pwedeng sa amin nalang sumama si Jey kasi po medyo namamahay po yan baka hindi po makatulog" alalang pakiusap ni Josh

"oo nga po sir saka di rin po kasi sanay matulog yan na hindi nya ka close yung kasama nya" dagdag pa ni Harvey

"I'm sorry guys but my decision is final saka wala din kasing makakasama si Neil" tugon nang aming retreat master

"kayo sir baka gusto niyo siyang samahan hehe" biro ko

Ngunit sa mga oras na yun ay nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Neil nung marinig nya na gusto akong makasama ni Josh at Harvey ngunit sa kanya ay wala man lang nagboluntaryo para isama siya, medyo naawa ako kay Neil sa aking nasaksihan kaya pumayag na din ako.

"o sige po sir" pagpayag ko

Medyo nagtaka naman si Neil dahil madali akong napapayag pero kesa naman mapahiya lang siya kaya di na lamang siya umimik. Paglipat ko ng aking gamit sa aming kwarto ay andun na si Neil.

"hoy dun ka ha, heto kama ko" masungit na sambit ni Neil

"eh nakahiga ka na dyan alanganamang kunin ko pa yan duh" tugon ko na medyo naiinis

Dumating ang dinner time at pinababa na kami lahat para kumain, nauna ako bumaba dahil nga medyo gutom na ako, after ng prayer ay agad agad na kami pumila para kumuha ng pagkain, buffet style kasi. Umupo ako sa dulong table at nagsunuran naman ang aking mga kaklase pati na din sila Josh, Harvey at Fatima ay tumabi sa akin. Nakita ko ang mga kaklase ni Neil na nasa ibang table at magkakasama subalit si Neil ay nakaupo lamang sa isang tabi at kumakain mag isa.

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon