Chapter 15

555 9 0
                                    

At ganun na nga ang nangyari kailangan naming mag commute papuntang Ilocos Norte, tinawagan ni Josh si Ben isa sa mga kaklase namin na tubong Ilocos Norte, tinanong nya kung ano ang mga sasakyan papunta dun.

"guys nakausap ko na si Ben sakay daw tayo jeep papuntang bus terminal" si Josh

"andami kayang jeep alin ba diyan?" tanong ko

"basta ipagtanong daw natin yung mga dumadaan sa terminal ng bus" si Josh

Napagtanungan namin ang isang mama na dumadaan at sinabi naman nya sa amin kung anong jeep ang dapat sakyan, pagsakay namin sa Jeep umupo ako sa pinaka gilid sa tabi ng pinto at si Josh at Harvey naman ay sa may looban.

"Jey dito ka na" si Harvey habang tinatawag ako para tumabi sa kanila

"dito nalang ako para nakikita ko ang view" tutol ko

"sige ka baka ma holdap ka diyan" pananakot ni Josh

"wala naman sila makukuha sa akin" natatawa kong tugon

Nakarating na kami sa terminal ng bus subalit minalas kami dahil kakaalis lang ng bus papuntang Ilocos Norte. Nakausap namin isa sa mga nagtatrabaho sa terminal at sinabihan kami na kung gusto daw namin eh yung papuntang Vigan para dalawang oras lang ang hihintayin namin tapos sumakay nalang daw kami uli ng bus doon papuntang Ilocos Norte. At yun na nga wala kami nagawa kundi maupo nalang at maghintay na lamang.

"Naku dalawang oras pa hihintayin natin ang malas naman" reklamo ko

Di naman ako pinansin nung dalawa kasi busy sila kakapanood ng mga chicks na dumadaan.

"aba at talagang inisnab ako" bulong ko sa aking sarili

"Jey bat di mo kami gayahin tingnan mo mga chicks oh ang seseksi" pang aasar ni Harvey

"oo Jey mamili ka na baka isa diyan maging first girlfriend mo" dagdag pa ni Josh habang natatawa

"eew" tugon ko na parang diring diri

Medyo nagugutom ako nung mga oras na yun kaya nagpaalam muna ako sa dalawa na bibili lang ng makakain.

"huy bili lang ako ng makakain ha nagugutom kasi ako eh" paalam ko sa kanila

Pero mukhang di yata ako narinig nang dalawang mokong kaya pinabayaan ko nalang at iniwan nalang sila. Pagbalik ko

"Jey san ka ba nagpunta?" alalang tanong ni Harvey

"bumili ng makakain nagugutom kasi ako" tugon ko

"bat di ka man lang nagpaalam? Nag aalala kami sayo" tanong ni Josh

"nagpaalam kaya ako eh masyado kayong busy sa ginagawa niyo baka di nyo lang ako narinig" paliwanag ko

"o sige sige na, teka binili mo din ba kami nagugutom na din kami" tanong ni Harvey

"oo naman ano kala mo sakin madamot hehe" biro ko kay Harvey

Dumating ang oras ng pag alis ng bus, nauna si Josh at Harvey sa pagsakay at umupo sila sa bandang unahan sa kaliwa ng bus kung saan pedeng tatlo ang umupo, ako naman ay umupo sa may likuran nila sa tabi ng bintana.

"Jey dito ka na umupo para tabi tabi tayo" si Josh na pinapalipat ako

"eh gusto ko sa may bintana nahihilo kasi ako pag hindi ko nakikita paligid" tugon ko

"hayaan mo na yan ang tigas ng ulo" inis na tugon ni Harvey

Akala ko hindi mapupuno ang bus pero napuno ito at yung ibang pasahero ay tumatabi na sa akin.

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon