Chapter 20

1.3K 21 12
                                    

Dinala ako ng aking mga kaklase kasama sila Fatima at Beth sa clinic, habang nasa clinic ako ay wala parin akong tigil sa pagtangis. Habang ginagamot nung nurse yung sugat ko sa bibig at sa kamay ay pinapatahan naman ako ng aking mga kaibigan.

"Jey tahan na magiging ayos din ang lahat" malungkot na sambit ni Fatima

"oo nga Jey andito pa naman kami eh di ka naman namin pababayaan" si Tom habang pinapalakas ang loob ko

"di ko naman talaga alam binibintang nya eh" malumanay kong sambit habang umiiyak

"Jey tinawagan ko na driver nyo maya maya lang darating na yun para sunduin ka" sambit naman ni Beth

"salamat sa inyo ha" tugon ko habang umiiyak ako

Samantala hinahanap pa rin ni Josh si Harvey at nakita nya ito malapit sa hardin ng school at umiiyak. Nilapitan niya ito

"Harvey ayos ka lang ba?" tanong ni Josh

"Josh di ko sinasadyang saktan siya, di ko sinasadya" si Harvey habang walang tigil sa pag iyak

"tama na yan Harvey nangyari na eh" si Josh

"nadala lang ako ng galit ko pero di ko sinasadyang saktan siya Josh sana mapatawad nya ako" si Harvey habang patuloy pa din sa pag iyak.

"tahan na Harvey puntahan nalang natin siya mauunawaan ka naman ni Jey sigurado" si Josh habang yakap yakap si Harvey

Samantala dumating na ang aking driver para sunduin ako hinatid naman ako ng aking mga kaklase sa parking lot di na ako nakapag paalam sa aming adviser kaya pinasabi ko nalang sa aking mga kaklase na uuwi na ako. Pagdating ko sa bahay ay nakita ko si Papa agad ako tumakbo kay Papa at niyakap siya

"Papa, papa" habang patuloy ako sa pag iyak

nagulat naman ang aking papa dahil sa itsura ko at sa aking pag iyak

"ano nangyayari sayo anak sino ang may gawa sayo nyan?" alalang tanong ni Papa

"wala po papa ayos lang po ako papa pero pakiusap po pwede po bang kila tita na muna ako kahit dalawang linggo lang" pakiusap ko kay Papa habang patuloy pa din ako sa pag iyak

Naintindihan naman ako ni Papa at pinahatid niya agad ako sa bahay ng tita ko, at nangako siya na di nya sasabihin kahit kanino kung nasaan ako, sinabi ko rin kay papa na hindi na ako papasok mula bukas at hihintayin ko na lamang ang graduation tutal puro practice na lang naman ang ginagawa.

Samantala ay pumasok na si Josh at Harvey sa classroom at hinahanap ako

"Guys nakita nyo ba si Jey?" tanong ni Harvey na medyo malungkot

"bakit mo hinahanap para saktan mo nananaman?" Galit na tugon ni Fatima

"masyado ka nang maraming binigay na sama na loob sa kanya he doesn't deserve a friend like you" dagdag naman ni Beth

"guys pls kailangan ko lang talaga siya makausap" pakiusap ni Harvey

"bat di mo nalang tawagan" tugon ni Tom

"wala kanina pa namin tina try pero naka off cell nya pati sa bahay ay wala daw siya dun nakakailang text message na din kami pero wala talaga " sagot ni Josh

"matapos mo bugbugin at ipahiya yung tao wag ka na umasa na magpapakita pa yun sa inyo" sagot ni Fatima na halatang galit parin

"ano ba meron sa bruhang Diane na yan at pati matalik mong kaibigan eh nagawa mong saktan? Bakit sigurado ka bang nagsasabi ng totoo yang girlfriend mo?" galit na tanong ni Beth

Natahimik lamang si Harvey sa mga ibinato sa kanya ni Fatima at Beth at lalong siya na guilty sa mga ginawa nya sa akin.

"guys pls hindi ko sinasadyang saktan siya, kaya pakiusap pag nakita nyo siya pakisabi kailangang kailangan ko talaga siyang makausap" pakiusap ni Harvey

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon