Chapter 03

786 21 1
                                    

Harvey :) ----->

Pagtingin ko si Mr. Santos pala ang coordinator nang Choir, nabigla ako at di makapagsalita.

“Mr. Jey dela Vega I didn’t know na ganyan pala kaganda ang iyong tinig, why don’t you join our choir?”

“ahh sir kayo po pala nakakagulat naman kayo , naku sir pasensya na po pero wala po ako balak sumali dun ayaw ko maging center of attention” ang natatawa kong tugon.

“sayang you will be a great addition to our choir pa naman” ang nalulungkot na tugon ni Mr. Santos

“thank you sir pero ayaw ko talaga ng pinagtitinginan ako, hayz kailangan ko pa naman ng extra curricular activity ngayon”

“ganun ba? what if ikaw ang maging mystery singer natin dito sa campus, walang makakakilala sayo tapos magkaka extra curricular activity ka din”

Nanlaki ang mga mata ko ng mga oras na yun na parang biglang na excite agad agad naman ako pumayag sa suggestion ni Mr. Santos.

“sige po sir magandang ideya po yan hehe kelan po ako pwedeng mag start?” excited kong tanong

“bukas ng lunch break ipapakilala bilang Heaven dahil na din sa mala anghel mong tinig yan na din kantahin mo yung kinanta mo kanina” wika ni Mr.Santos.

“Sige po sir darating ako sa Music Room”

Kinabukasan sa usual routine ko pasok sa campus kamustahin mga kaklase at kamag aral ko at tuloy na sa klase. Pagsapit ng lunch palabas na sana ako ng classroom nang tawagin ako ni Fatima

“o Jey di ka ba maglalunch?” tanong ni Fatima

“naku sa labas nako maglalunch may emergency kasi” pagsisinungaling ko

“ anong emergency naman yan bat di namin alam?” tanong ni Josh

“secret! Hahaha! Sige alis nako bye bye”

Ang pagmamadali kong paglabas ng aming silid. Nang makarating nako sa Music Room agad ako sinalubong ni Mr. Santos.

“Good afternoon po sir” pabati ko kay Mr.Santos

“Good afternoon Jey, by the way I would like you to meet Mr. Paul Villanueva he will be the one to assist us”

Waaaa si Dj paul ang crush kong DJ ng campus shet! Natameme nalang ako

“Jey ok ka lang ba? may dumi ba mukha ko?” pagtatakang tanong ni Paul sa akin

“ahh wala ito ang sarap lang dilaan ng mukha mo I mean may iniisip lang ako hehe” palusot kong sagot.

Si Paul ang campus DJ ng school 4th year highschool din sya tulad namin though hindi ko siya kaklase sikat din sya sa school, maputi ,matangos ang ilong, matangkad at nakakatunaw ngumiti although kung sa paramihan ng fans mas madami fans ang dalawa kong matalik na kaibigan saka ayon na din sa mga babae at bading ng school mas gwapo si Josh at Harvey.

Natawa na lamang si Paul sa akin saka ako isinama sa loob ng booth.

“Ano ba kakantahin mo?” tanong ni Paul

“Kantahin mo yung kahapon doon kita na discover at gusto ko ganun ka din makilala ng mga nandito sa campus” wika ni Mr. Santos

Matapos ang setup ay ipinakilala nako ni DJ Paul sa buong campus

“Hi guys good afternoon I would like to introduce our mystery singer Heaven ” pagpapakilala ni Paul sa akin.

(Sa Campus)

“aba may mystery singer na pala tayo dito sa campus” wika ng isang estudyante

“sino kaya yun” si Josh

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon