Chapter 07

641 16 1
                                    

Sobrang kalungkutan ang aking nararamdaman nung mga oras na yun gustong sumabog ng aking dibdib at ilabas ang aking mga luha ngunit pinilit kong maging matatag, ipinangako ko kila papa na di ako iiyak at gusto kong tuparin yun, marahil ay nadala na din sa emosyon ng aking awit ang mga nakikiramay dahil sa mga oras na yun pawang mga hinagpis at mga luha nalang ang aking mga nakikita. Natapos ko ang kanta at nakahinga nang maluwag. Kita ko sa mga mata nang aking mga kaklase, guro at kamag aral ang pagkabigla sa kanilang nasaksihan, bumaba ako mula sa entablado at nagtungo sa kanilang kinaroroonan.

“i ikaw si heaven?” ang nauutal na tanong ni Greg isa sa aking mga kaklase

“kaya pala napakagaan nang aking damdamin tuwing naririnig ko ang iyong tinig” ang aking adviser

“Jey ikaw nga ikaw nga” sabay iyak ni beth ang isa sa aking mga kaklase

“idol! Ikaw ha may patago tago ka pa sa amin” si Kevin isa sa aking kamag aral

“tingnan mo nga naman buong akala namin si Neil si Heaven” si Tom isa sa aking mga kaklase

“ikaw Jey ha ang galing mo mag sikreto, pero napabilib mo talaga kami” si Fatima

“naiiyak pa naman lagi ako pag kumakanta mokong na Neil na yun di naman pala siya talaga yung kumakanta hay nako buti nalang Jey ikaw talaga yun at least pede nako humagulgol ngayon” si Joanna isa sa aking mga kamag aral habang natatawa.

“hindi ba kayo galit sa akin? Nagsinungaling ako sa inyo” ang pag aalala kong tanong sa aking mga kaklase, guro at kamag aral.

“hindi kalimutan mo na yun naiintindihan ka naman namin” si Troy isa sa aking mga kaklase

“walang hiyang Neil na yun ang kapal talaga ng mukha at talagang pinanindigan pa nya kasinungalingan nya para lang sumikat sa campus” galit na sambit ni Tom

“oo nga puro paninira pa kay Jey mga sinasabi nya” si beth

“naku kahit kaklase ko yun kukutusin ko talaga yun” si Joanna

“no wonder iniiwasan ka nila josh at harvey” galit na wika ni Fatima

“hayaan nyo na may kasalanan din naman ako nagpagamit ako at ginamit ko din siya sana mapatawad nyo ako” ang malungkot kong tugon

Nilapitan ako ng aking mga kaklase at kamag aral kasama si Fatima ay niyakap nila ako, parang nabawasan ang tinik sa aking puso sa mga oras na yun, ngayon alam ko na may mga kaibigan parin ako na nagmamahal parin sa akin. Dinako ko ang aking tingin sa pinaroroonan nila Josh, Harvey at Neil at kitang kita ko parin sa kanilang mga mata ang pagkabigla sa kanilang nasaksihan.Nilapitan ko sila upang magpaliwanag ngunit masyado silang nasaktan sa aking ginawa.

“Harvey, Josh di ko alam kung paano ko uumpisahan ito alam ko nagkamali ako maiintindihan ko kung di nyo na ako mapapatawad”

“paano mo nagawa sa amin ito ganun nalang ba ang galit mo sa amin na pati kaming mga best friend mo niloko mo?” ang naiiyak na tugon ni Josh

Tumingin ako kay Harvey at umiling lamang ito.

“Nandito kami para kay tita Rose let’s just leave it that way” ang matigas na sambit ni Josh

“Ahh sige naiintindihan ko sana dumating ang araw na mapatawad nyo din ako kahit di nyo na ako ituring na kaibigan basta sana lang mapatawad nyo ako” ang nalulungkot kong tugon kila Josh at Harvey.

Paalis na sana si Harvey nang sinubukan siya sundan ni Neil.

“Harvey sandali sasama ako” si Neil

“Look! Stay the hell away from me!” ang nangagalaiting tugon ni Harvey habang hawak hawak ng kanyang dalawang kamay ang kwelyo ni Neil

Susuntukin na sana niya si Neil nang pigilan siya ng aking mga kaklase at kamag aral at tuluyan na nga nya nilisan ang lugar.

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon