Josh :) ----->
Nagkamalay ako at pagmulat ng aking mga mata naroon ako sa isang pamilyar na silid, nasa school clinic pala ako.
“oh nagising ka na pala kamusta na pakiramdam mo” tinig ng isang babae na papalapit sa akin
“ay nurse kayo po pala maayos na po ang aking pakiramdam” sagot ko na medyo hilo pa
“wag mo pilitin kung di mo pa kaya magpahinga ka nalang muna” sabi ng nurse
Makalipas ang limang minuto tumatakbong humahangos papasok ng pinto si Fatima
“Jey, nagising ka na pala” si Fatima
“o bat humahangos ka?” pagtatanong ko kay Fatima
“nagkakagulo kasi sila dun sa Oval, hay naku yung dalawang kaibigan mo nagwawala dahil sa nangyari sayo” sagot ni Fatima
“naku samahan mo naman ako gusto ko mapanood hahaha! Joke lang!” pagbibiro ko
Inalalayan ako ni Fatima papunta sa Oval dahil nga medyo hilo pa ako kaya lagi siyang nakahawak sa aking braso. Pagkarating naman sa oval nabigla ako sa aking nadatnan, napakaraming mga estudyanteng nagkukumpulan at tila may pinapanood pinilit naming makisiksik sa mga miron at yun na nga nadatnan ko ang aking platoon leader na pinaparusahan ni Harvy.
Eighty eighth
Eighty Nine
Ninety
pagbibilang ni Harvy habang nagpupush up ang pagod na pagod kong masungit na platoon leader
“Josh ano dagdagan ko pa diba mukha namang di pa pagod eh” wika ni Harvy
“Sige lang dagdagan mo pa mukhang di pa nga siya pagod wala pa akong nakikitang pagod sa mukha nya para din yung hindi nya nakita na may sakit si Jey pero pilit parin nya ito pinag training diba?” ang sagot ni Josh
“naku Harvy kung di mo lang alam lagi niyan pinagtitripan si Jey sa training namin kahit wala naman itong nagawang mali” wika ni Romy ang isa kong ka grupo sa CAT.
“ahh ganun pala kaya pala ang dami ko nakikitang pasa nya sa kamay, o dagdagan pa natin ng one hundred push ups” ang galit na pag utos ni Harvy
Sa mga sandaling iyon bigla na akong lumapit kay Josh at Harvy sabay drama
“hu hu hu ang sakit ng pakiramdam ko hu hu hu” ang pagdadrama ko sa dalawa kong kaibigan
“Jey ano masakit sayo? Ayos ka lang ba?” sabay hawak sa noo ko ni Harvy
“hindi ako ayos alam nyo kanina may dugo pa suka ko” ang pa baby effect ko, nang biglang may kumurot sa aking tagiliran
“aray!” Ang masakit ko nalang na nasabi at bigla naman napatingin si Harvy at Josh kay Fatima.
“wag ka nga mag inarte! Nagdadrama lang yang si Jey wala naman dugo suka nya kanina. Naku ang lakas talaga niya mang asar” wika ni Fatima.
“wag ka nga nagbibiro ng ganyan alam mong ayaw na ayaw namin sa ganyang biro” sabay pingot ni Josh sa aking tenga.
“aray kooooo, oo na tama na yan wag nyo na parusahan si Arturo (platoon leader namin) saka ang sagwa nyang mag push ups para siyang palakang di matae” ang natatawa kong sabi sabay pandidila kay Arturo na medyo inis na inis na.
Tinapos na din ni Harvy ang pagpaparusa sa kanya at isa isa narin nagsiuwian ang mga estudyante. Papunta na kami sa parking lot nang kausapin ako ni Harvy at Josh.
“Jey bat di mo sinabi sa amin na lagi ka palang pinagtitripan ni Arturo? Edi sana nung una palang na warningan ko na siya” ang nag aalalang tanong ni Harvy.
![](https://img.wattpad.com/cover/2591116-288-k71049.jpg)
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Fiksi RemajaThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)