Fatima :) ----->
Sa araw ng audition nagpunta ng ang mga estudyante sa Gymnasium upang mapanood ang audition ng mga gustong sumali sa Choir medyo madami dami din sila at isa nga dun si Neil na halatang inaabangan ng mga estudyante. Pinangunahan ni Josh ang introduction at isa isa na ngang nag audition sa entablado ang mga estudyanteng gustong sumali ang style ng audition ay parang sa Glee na pupunta ka sa entablado at patutugtuguin ang iyong minus one saka ka kakanta. Napansin ko si Neil na medyo kinakabahan kaya nilapitan ko siya.
“hoy palaka ano kinakabahan ka noh? Ayaw mo malaman nila ang totoo”
“tsee tumigil ka nga ano naman pinagsasabi mo” tugon ni Neil na kabado
“alam naman nating di ikaw si Heaven kaya wag ka na magpanggap noh” pang aasar ko sa kanya
Mukhang naiiyak na si Neil sa mangyayari kaya di na nya mapigilan ang kanyang emosyon. Dinala ko naman agad siya sa backstage.
“hey girl umamin ka na kasi promise wala makakaalam” ang sabi ko kay Neil
“kahit umamin din naman ako o hindi mabubuking din naman ako mamaya” ang naiiyak na tugon ni Neil
“o sige ganito nalang ako na ang bahala kausapin ko si Mr. Santos”
“huh?” ang pagtatakang nasabi ni Neil
Kinausap ko si Mr. Santos at nakahanap agad kami ng paraan upang hindi narin mapahiya si Neil sa buong campus.
“memorize mo ba yung “Kung ako nalang sana” ni Bituin?” tanong ni Mr. Santos kay Neil
“opo sir” pagtatakang sagot ni Neil
“Good meron akong recorded na kanta nun ni Heaven mag lipsync ka nalang wala naman makakahalata” si Mr. Santos
Nagtataka ako pagkakaalam ko wala naman ako nairecord na kantang ganun sabay hila sa akin ni sir sa isang sulok.
“Jey i ooff natin ang mic nya tapos dito sa backstage ikaw ang kakanta ha” si Mr. Santos
Wow what a briliant idea bat di ko naisip yun, maganda narin yun para di rin malaman ni Neil na ako din si Heaven, hay naku ang bait ko talaga hehe. Sa mga oras na yun ay tinawag na ni Josh si Neil upang mag audition.
“hoy! Etchoserang frog ikaw na daw! Galingan mo baka mahalata ka pag di ka makasunod sa kanta at bagay sayo ang kantang yan kasi alam naman nating matagal mo na pinapangarap yung dalawang yun noh hahaha” pang aasar ko kay Neil
Dali dali namang umakyat ng stage si Neil at nagsimula nang maghiyawan ang mga tao.
Tseh! Dapat ako yung pinapalakpakan nila noh hmph! Ang nasabi ko nalang sa aking sarili sinimulan na patugtugin ang minus one na akala ni Neil ay may recording na ng boses ni Heaven hehe. Pumwesto nako sa backstage na nakaharap sa mic at nagsimula nang umawit.
Heto ka na naman kumakatok sa'king pintuan
Muling naghahanap ng makakausap
At heto naman ako nakikinig sa mga kwento mong paulit-ulit lang
Nagtitiis kahit nasasaktan
Ewan ko bakit ba hindi ka pa nadadala
Hindi ba't kailan lang nang ika'y iwanan nya
At ewan ko nga sa'yo parang balewala ang puso ko
Ano nga bang meron siya na sa akin ay 'di mo makita
Chorus:
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang 'yong minahal
'Di ka na muling luluha pa
'Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sa'yo
Heto pa rin ako, umaasang ang puso mo
Baka sakali pang ito'y magbago
Narito lang ako kasama mo buong buhay mo
Ang kulang na lang mahalin mo rin akong lubusan
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...
Oooo...
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling mag-iisa
Kung ako na lang sana ang yong minahal
Di ka na muling luluha pa
Di ka na mangangailangan pang humanap ng iba
Narito ang puso ko naghihintay lamang sayo
Kung ako na lang sana...
Nagpalakpakan at naghiyawan ang mga esyudyante sa pagkaka bilib kay Neil, nagpasalamat si Neil at bumaba na ng stage. Nagpasalamat sa amin ni Mr.Santos si Neil, pero bago siya lumabas at magpunta sa malapit sa stage kung nasaan mga nag o audition kinausap muna siya ni Mr.Santos”
“By the way Neil before you go, kumanta ka nga gusto ko kasi marinig ang tunay mong boses” si Mr.Santos
At kumanta na nga si Neil.
“hmm ok naman pala ang boses mo Neil that’s good” si Mr.Santos
“eh sir if ever po na matanggap ako sa choir pano kung ipag solo nila ako” kinakabahan na tanong ni Neil
“don’t worry Neil I already talked to them na hindi nila pwede muna i expose ang Mystery Singer in public hanggat di natatapos ang contract nito as a mystery singer” si Mr.Santos
At sa mga oras na iyon isa isa nang tinawag ni Josh ang mga nakapasa sa audition at isa na nga dun si Niel aba ewan ko nalang kung bumagsak pa siya sa galing kong yun hehe ang kapal!
“Congratulations to our new members pls give them a round of applause” si Josh
At nagpalakpakan na nga ang mga nanonood sa Gymnasium. Lumabas nang magkakasama sila Josh, Harvey at pati narin si Neil. Napadaan ako sa kanila pero wala lang dedma lang ang lola nyo hehe, di narin ako pinansin nila Josh at Harvey at tuluyan na nga akong umalis papunta sa labas ng campus. Tinawagan ko ang mommy ko at sinabi kong di na ako magpapasundo sa driver kasi gusto ko rin naman maranasang mag commute, naintindihan naman ng mommy ko kasi sa edad kong yun lalo na malapit na akong mag college kinakailangan ko na maging independent alam nyo na baka pagdating sa college eh tatanga tanga ako hehe. Patawid ako ng kalsada habang nagmumuni muni iniisip ang dalawa kong matalik na kaibigan ilang araw na din kasi nila ako di kinakausap. Nang biglang may bumusina ng malakas napatingin na lang ako sa aking bandang kaliwa papalapit ang napakabilis na kotse nang biglang may humila sa akin at niyakap ako nagsigawan ang mga estudyante sa pagkakabigla akala ay tatamaan ako ng kotse buti nalang ay may sumagip sa akin. Pagtingin ko sa napaka bangong lalaki agad ko siya nakilala si Paul pala.
“Ayos ka lang ba?” ang pag aalalang tanong ni Paul
“ayos lang ako” tugon ko
“di ka kasi nag iingat sa susunod tingnan mo naman ang dinadaanan mo” kabadong sagot ni Paul
“Saan ka ba pupunta? Diba lagi ka naman sinusundo?” tanong ni Paul
“ahh eh nagpaalam naman ako gusto ko kasi maranasan mag commute alam mo na hehe”
“Tara sumabay ka na sa akin samahan mo na din ako sa mall” pag anyaya sa akin ni Paul
Sino ba naman tatanggi halos himatayin na ako sa kilig hehe. Habang naglalakad kami sa mall dahil mag gagabi narin niyaya akong kumain ni Paul.
“Jey tara kain muna tayo treat ko” pagyaya ni Paul
“naku nakakahiya naman sayo wag na ako na ang magbabayad” pamimilit ko
“hindi Jey ako nagyaya sayo dito kaya ako manlilibre wag na matigas ang ulo mo” si Paul
At kumain na nga kami sa isang restaurant, hayz ang cute nya tingnan habang kumakain pinagtitinginan kami ng mga estudyante galing sa ibang school pano ba naman bukod sa sikat ang aming school dahil sa academic performances sikat din ito dahil sa mayayaman, naggagwapuhan at nag gagandahan ang mga estudyante dito at heto nga isa sa katibayan ang ka date kong si Paul haha ang kapal ko date daw oh hehe.
“teka bat ka nga pala nag commute diba may driver ka?” tanong ko kay Paul
“oo pero minsan talaga alam mo na gusto ko rin mapag isa at maging malaya” tugon nya
“wow buti ka pa nagagawa mo lahat ng gusto mo ako kasi dahil di rin naman ako sanay maglakwatsa bantay sarado din kasi ako sa dalawa kong mokong na kaibigan hehe”
“wag mo sana mamasamain yung itatanong ko pero napapansin ko na medyo hindi yata kayo nag uusap nila Josh at Harvey nitong mga nagdaang araw may problema ba?” si Paul
“kasalanan ko rin naman masyado ako padalos dalos sa mga sinasabi ko di muna kasi ako nag iisip minsan” ang malungkot kong sagot
“edi magsori ka nalang sa kanila sayang naman pinagsamahan nyong tatlo kung basta basta nalang masisira” si Paul
“may pagka ma pride din ako saka meron na silang Neil di na nila ako kailangan hehe” ang pabiro ko
“yeah about that Neil bat ka pumayag na pagamit mo yung boses mo alam naman nating ikaw lang ang may boses na ganun”
“Naku wag mo na intindihin yun pag umamin kasi ako mas lalong di ako mapapatawad ng mga yun saka ayaw ko din kasi maging centro ng atensyon sa campus at naawa na din ako kay Neil kung nakita mo lang itsura nya nung audition parang palakang di makakokak” ang natatawa kong nasabi.
“hahaha ikaw talaga puro ka kalokohan, tara ihahatid na kita sa inyo” si Neil
“naku wag na nakakahiya naman nilibre mo na nga ako ihahatid mo pa ako” hiya kong tugon
(Samantala sa aming bahay...)
Di mapakali ang aking ina at ama pati narin ang mga kuya ko sa pag aalala. Dahil nga gabi na ay di parin ako nakakauwi sa aming bahay hindi naman kasi ako nakapag paalam na maglalakwatsa muna ang sabi ko lang mag cocommute lang ako pauwi at drain na din battery ng cell ko. Kaya naisipan na nilang tawagan si Josh at Harvey.
“Hi Josh si tita Rose mo ito kasama nyo ba si Jey? Hindi pa kasi siya umuuwi hanggang ngayon paalam kasi nya mag commute siya pauwi para naman daw maranasan nya eh hanggang ngayon di pa kasi siya nakakauwi kaya nag aalala na ako sa kanya” alalang tanong ni mommy kay Josh
“no tita ilang araw na po namin siya di nakakausap eh meron kasi kaming konting tampuhan wala po ba siya nasabi sa inyo na ibang pupuntahan?” pag aalalang tugon ni Josh
“wala eh o sige try ko tawagan si Harvey baka kasama nya or alam nya kung saan nagpunta” si mommy
At tinawagan na nga nila si Harvey
“Hello Harvey tita Rose mo ito, kasama mo ba ngayon si Jey? Di pa kasi siya umuuwi eh hanggang ngayon di kasi siya nakapag paaalam sa akin kung may pupuntahan pa siyang iba sabi lang nya mag cocommute siya pauwi” alalang tanong ni mommy kay Harvey.
“huh tita? Nag commute si Jey kanina? Wala po eh di namin siya nakausap kanina pero I’ll try to contact yung iba naming classmates baka po alam nila” pag aalalang sagot ni Harvey
Pagkarating ko sa bahay kasama si Paul nadatnan namin sa labas ang parents at mga kuya ko na halatang may hinihintay. Obvious naman na ako hehe pero pakunwari akong walang alam hehe. Binatukan ako ng mga kuya ko at pinagalitan ng parents ko dahil sa di ko pagpapaalam.
“Aray ko maaa si kuya binatukan ako” sabay kamot sa aking ulo
“Next time magpapaalam ka kung may pupuntahan ka” si Mommy
“kaya nga pati mga kaibigan mo naistorbo namin dahil lang sa paghahanap sayo” si daddy
“By the way si Paul nga pala crush ko I mean schoolmate ko siya yung DJ natin sa school diba ma you remember him” pakilala ko sa kanila
“hi iho of course I remember you thank you nga pala sa pag sama kay Jey” si mommy
“wala po yun kaibigan ko narin po kasi si Jey di ko po siya pababayaan” si Paul
Kinikilig naman ako sa sinabi ni Paul parang ang haba ng hair ko sa mga oras na yun hehe. Nagpaalam na si Paul at dumiretso nako sa aking kwarto di ko na na recharge yung cell ko dahil tinamad na rin ako. Tumawag si Josh at harvey at si kuya John ang nakausap nila sinabi naman ni kuya na nakauwi na ako.
Kinabukasan sa school...
“Hi Josh, Harvey and Fatima” bati ng aming mga school mate
“san ba papunta si Jey kahapon? at muntik pa sya masagasaan di kasi tinitingnan dinadaanan” napasigaw nga kami kahapon eh kala namin tatamaan siya nung kotse” si Dennis isa sa school mate namin.
Nabigla ang tatlo sa kanilang narinig. Halatang di mapakali si Josh at Harvey.. Dumating ako sa school as usual puro greet sa mga kaklase at school mate ko nang biglang may humila sa akin na nagpatingin sa mga estudyanteng nagdadaan.
“San ka pumunta kahapon? Bat nag commute ka lang at talagang di mo na kami inintindi?” Ang galit na tanong ni Josh
“Ganyan ka ba talaga Jey di porke nagkaron tayo ng misunderstanding pwede mo na gawin ang lahat, di mo man naisip na mag aalala kami sa iyo” bulyaw ni Harvey
Hiyang hiya ako sa mga oras na yun lalo pa pinagtitinginan kami ng mga estudyante parang gusto ko nang matunaw at maglaho nalang parang bula. Dahil narin sa nangyari bigla nalang may lumabas sa aking bibig na nagpagulat sa dalawa kong matalik na kaibigan.
“ang plastic nyo as if you care mas maganda pa siguro kung magkanya kanya na tayo di naman kayo kawalan” dala narin siguro ng emosyon kaya ko nasabi ang mga katagang yun.
“ganun ba talaga tingin mo sa amin Jey? Di ko akalaing masasabi mo yan sa amin” si Harvey
Halatang pinipigilan lang ni Harvey ang kanyang emosyon ng mga oras na yun dahil narin sya ang deputy corps commander ng CAT kaya di dapat siya magpakita ng kahinaan. Si Josh naman kulang nalang ay suntukin ako pero napigilan nya ang kanyang sarili.
“Tara na Harvey wala tayong kaibigan na ganyan” ang galit na sabi ni Josh habang hinila papaalis si Harvey.
“guys sorry di ko sinasadya pasensya na talaga” ang pagmamakaawa ko sa kanila
“too late Jey sana maging masaya ka na” si Harvey
Nilapitan ako ni Fatima at kinausap..
“Kaw naman kasi Jey bat mo naman nasabi yun? Ang sakit mo naman kasi magsalita alalahanin mo best friend mo yung dalawang yun di mo sila dapat sinabihan ng ganun” si Fatima
“I know nahihiya nga ako pero wala hayaan ko na muna silang magpalamig ng ulo”
Lumipas ang mga araw at buwan nilalapitan ko si Josh at Harvey ngunit panay parin ang iwas ng mga ito sa akin si Neil na ang lagi nilang kasama mukhang si Neil na ang pumalit sa akin at mukha namang ang saya saya nilang tatlo, si Paul at Fatima nalang ang lagi ko nakakasama. Kumakanta parin naman ako as Heaven as usual si Neil ang kumukuha ng credit kaya bilib na bilib din sa kanya si Josh at Harvey minsan nga tinanong siya kung bakit wala siya sa Radio booth nung pinapatugtog yung dapat na kinakanta nya maganda naman ang palusot ng bruhang bakla recorded na lang daw yun pag pinapakanta naman siya nila Josh in public sinasabi nya bawal daw sa contract as a mystery singer kaya nakakalusot uli sya. Ang kapal ng lola nyo hehe, pero anyway di ko siya pag aaksayahan ng panahon at kelangan ko narin mag move on.
Hanggang dumating ang isang pagsubok sa aking buhay na di ko inaasahan

BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Novela JuvenilThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)