Halos lahat ng estudyante sa campus ay natigil sa kani kanilang ginagawa upang panoorin at makinig sa aking awit. Pati sila Josh, Harvey at iba pa nilang mga kaibigan ay napahinto sa pagkukwentuhan.
Nang matapos ko ang awit nagpalakpakan at naghiyawan ang mga estyudyante at guro sa campus
“bravo Jey” sigaw nang isa sa mga estudyante
“estudyante ko ata yan” pagmamalaki nang isa sa aking mga guro
“more more more” sigaw nila Tom at Beth
“grabe Jey naiiyak nanaman ako” sigaw ni Fatima
Pagkatapos nang aking awit ay kitang kita kong napaluha si Josh, agad agad naman niya itong pinunasan at nagpatuloy sa pakikipag kwentuhan sa kanyang mga kaibigan.
“Grabe pare ibang klase talaga boses ni Jey noh?” pagkamangha ni Miguel
“all I can say is wow he can really sing unlike that Neil guy” si Pamela
“syempre bestfriend yata namin yan” pagmamalaki ni Harvey
“Pero pare pano niya kaya naitago yun sa inyo noh? Ang galing nya knowing him ang hilig nya sa tsismis ang galing rin pala magtago ng sikreto kaya bilib na talaga ako sa kanya” natatawang wika ni Patrick
“yeah you’re right pano niya nagawang itago sa amin ang ganung bagay? We’ve been best friends since first year highschool and wala kaming tinago sa kanya pero bakit ganun? Pano niya nagawa samin yun?” galit na tugon ni Josh
“relax pare wala ako masamang ibig sabihin dun, pero sana mapatawad mo na siya sayang kasi pagkakaibigan nyo” depensa ni Patrick
“change topic na guys baka kung saan pa mapunta usapan” sabat ni Pamela
At nagpatuloy na nga sila sa pagkukwentuhan...
Binati ako ni Paul matapos kong umawit
“gratz Jey di ka parin talaga nagbabago magaling ka parin” bati ni Paul
“naku salamat oo magaling talaga ako hahaha!” pang aasar ko kay Paul
“naku lumalakas ang hangin kapit tayo” ganting biro ni Paul
Nagtawanan kami at nagpaalam na nga ako sa kanya para bumaba, sinalubong naman ako nila Tom, Beth at Fatima sa baba.
“o hayan napagbigyan na kita baka magtampo ka pa” pang aasar ko kay Fatima
“hmph! Eh di naman para sa akin yung kanta mong yun noh” tampo effect ni Fatima
“gaga ikaw nag suggest kaya nun tapos ako sisisihin mo” natatawa kong tugon kay Fatima
“pero anywayz ibang klase ka talaga Jey halos buong campus napabilib mo nanaman” si Fatima
“tagal na din namin namiss boses mo and I’m glad that you’re back” si Tom
Samantala patuloy parin nagkukwentuhan sila Josh, Harvey at iba pa nilang mga kaibigan.
“By the way pare about Jey may balak ba kayong isali siya sa choir? You know he will be a great addition to your group” tanong ni Miguel
Tumahimik lamang si Josh
“Hindi ko pa pala siya nakakausap regarding that” si Harvey
Habang papunta sa canteen dahil medyo nauhaw ako sa pagkanta napadaan kaming magkakaklase sa harap nang kanilang grupo.
“Hi Jey galing mo kanina ahh” bati ni Patrick
“salamat magaling talaga ako bwahahaha” pabiro kong tugon

BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Fiksi RemajaThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)