Chapter 18

567 9 0
                                    

Hapon na nang makarating kami sa school, dun kasi kami binaba ng aming bus para maghintay ng kanya kanya naming mga sundo. Habang naghihintay kami katabi ko sila Josh, Harvey at Fatima napansin ni Harvey na hindi ko suot ang bracelet na bigay nya samin ni Josh

"Jey bat di mo suot yung bracelet?" tanong ni Harvey

"eh hindi bagay sa outfit ko eh bukas nalang hehe"

Tiningnan ako ng masama ni Harvey

"o sige na isusuot na" nahihiya kong tugon

"napag usapan na natin yan diba" tugon naman ni Harvey na halatang naiinis

"ikaw talaga Jey tapos na ang retreat magbago ka na" dagdag naman ni Josh

"oi ano yan bat ako wala?" inggit na tanong ni Fatima

"yan tanungin mo si Jey hindi ka nya ginawa" pang aasar ni Harvey

"hmph asa pa kayo diyan eh ang kuripot nyan" parinig ni Fatima

"pasensya ka na Fatima ha mainipin kasi ako hindi ko kaya maghintay katulad ng ginawa ni Harvey hehe" palusot ko

At nagdatingan na nga ang mga kanya kanya naming sundo, sila kuya Justin at kuya John ang sumundo sa akin, pagkakita ko sa kanila ay agad agad na akong pumasok sa sasakyan at nagpaalam sa mga kaklase at kaibigan ko, sa loob naman ng sasakyan.

"o ano Jey may pinagbago ka ba? mamaya katulad ka pa din ng dati na pasaway" natatawang tanong ni kuya Justin

"oo naman kuya ano akala mo sa akin" tugon ko na medyo nahiya

"pero kuya namiss nyo ba ako?" excited kong tanong

"uu naman siyempre eh baby ka namin" ngiti ni kuya John

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong ako ng yakap ni Papa

"o Jey namiss kita, nag enjoy ka ba dun?" bati ni papa habang yakap yakap ako

"opo papa at namiss ko din kayo" tugon ko habang nakayakap kay Papa

Nagkwentuhan muna kami sa mga naging karanasan ko sa retreat namin, natawa naman sila nung ikwento ko yung pagkakahulog ko sa mangga dahil na gutom ako, natapos kaming mag dinner at umakyat na ako sa kwarto upang magpahinga gawa na din na sobra akong napagod sa biyahe. Kinabukasan ay di na kami pinapasok para makapagpahinga na din muna kami. Tumawag naman si Josh sa bahay para yayain ako mag movie marathon sa bahay nila.

"hello Jey? Punta kayo ni Harvey dito mamaya movie marathon tayo wala kasing magawa dito sa bahay eh" aya ni Josh

"kayo nalang tinatamad ako inaantok pa ako eh" tanggi ko

"sus ang arte nito, o sige na basta hihintayin kita before lunch dito ha" si Josh sabay baba ng telepono

Hindi narin ako naka tugon gawa nang ibinaba nya agad ang telepono kaya wala na din akong nagawa kundi pumunta sa bahay nila. Pagdating sa bahay nila ay binati ako ng mama at daddy nya.

"good morning po tito, good morining mommy" bati ko

"good morning din iho nasa taas i Josh" bati ng papa nya

Niyakap naman ako ng mama ni Josh nung makita ako

"pumayat ka yata ngayon Jey" tanong ng mama ni Josh

"medyo naging maselan po kasi ako sa pagkain nitong mga nakaraang araw" tugon ko

"ahh ganun ba wag ka mag alala ipagluluto ko kayo ng masarap na tanghalian mamaya" tugon naman ng mama ni Josh

"o sige po akyat na po ako sa taas" paalam ko

Pag akyat ko andun na sa taas si Josh at Harvey nanonood ng Titanic

Sa Aking PaglisanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon