Paul :) ----->
Di ko na nga nagawang makipag ayos kay Harvey at Josh dahil sa iniiwasan na din nila ako. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil aaminin ko naging makasarili ako hindi ko iniisip ang nararamdaman ng mga malalapit sa akin lalo na ang nararamdaman ng dalawa kong pinaka matalik na kaibigan. Hanggang sa isang araw bigla may tumawag sa aking cellphone si daddy.
“Jey anak andito kami sa hospital ngayon, ang mommy mo” si daddy
“Pa napano si mama?” ang kinakabahan kong tanong
“Basta pumunta ka nalang dito sa hospital”
Dali dali ako nagpunta sa hospital at nagpaalam ako sa aming adviser sinabi ko na may emergency lang kaya kailangan ko munang mag cut ng klase at pinayagan naman ako ng aming adviser. Pagdating sa hospital dinatnan ko si Papa at mga kuya ko na namamaga ang mga mata, agad ko silang pinuntahan para kamustahin si mama.
“Pa kamusta si mama?” ang naiiyak kong tanong kay daddy
“Bumalik ang sakit na Leukemia ng mama mo at nasa final stage na pala ito” naiiyak na sabi ni daddy
Five years ago nung ma diagnose si mama na may leukemia, nakuha naman ito sa mga sessions ng chemotherapy pero winarningan kami ng doctor na if ever bumalik ang sakit ni mommy baka di na mag respond ang katawan nya sa chemo at di na nya kayanin, sa madaling salita maaari niya itong ikamatay. Lumipas ang mga taon naging ok naman si mama masaya kami dahil naka recover siya hanggang sa sumapit na nga hetong araw na kinakatakutan namin, ngayong linggo lang nagpakita ng symptomas ang kanyang sakit kaya pala madali siya mapagod at nagkakapasa sa katawan at iba pang senyales ng kanyang sakit.
Pinuntahan ko si mommy sa kanyang silid natutulog sya ng mahimbing
“ma ma pagaling kayo kaya mo yan ma wag ka susuko” habang umiiyak at hawak hawak ko ang kanyang kamay.
Nagising si mama sa aking haplos sa kanyang kamay. Ngumiti siya sa akin at sinabing
“ang bunso ko, alam mo ngayon ko lang napansin na ang laki laki mo na pala, pasensya ka na kung medyo naging busy sa school si mama ha hindi ko tuloy masyadong nasubaybayan ang paglaki mo”
“ayos lang po yun ma, makikita mo pa naman ako mag graduate sa highschool at college at makakuha ng magandang trabaho ma” ang nalulungkot kong tugon sa aking ina.
“sana nga Jey” ang nakangiting tugon nang aking ina.
Pumasok na sila kuya at papa sa kwarto para kamustahin si mama. Halata ang kanilang matinding kalungkutan kahit pilit nila itong tinatago sa kanilang mga sarili.
Pinauwi kami ni daddy sa bahay sinabi nya na siya na lang ang magbabantay kay mama sa hospital. Siya na din daw ang magsasabi sa school at magfafile ng resignation ni mama. Tumanggi kami ngunit si papa parin ang nasunod, umuwi ako kasama si Kuya John at Kuya Justin. Nasa 4th year at 5th year college na ang dalawa kong kapatid usually sa mga dorm na sila nag stay napauwi lang sila sa bahay dahil nga sa nangyaring emergency.
“Kuya pano na si mama” ang naiiyak kong tanong sabay yakap kay kuya John
“Tahan na Jey magiging ayos din ang lahat walang mangyayari kay mama naiintindihan mo?” habang yakap yakap ako nang naluluha kong kapatid.
“Magpahinga na kayo papasok ka pa Jey bukas sa eskwela” si Kuya Justin
“kuya ayoko pumasok magbabantay ako bukas kay mama” pagmamakaawa ko kay kuya Justin
“wag na matigas ang ulo mo sa palagay mo ba magugustuhan ni mama ang pag absent mo? Malulungkot si mama pag nakita niyang hindi ka pumapasok” si kuya Justin
BINABASA MO ANG
Sa Aking Paglisan
Fiksi RemajaThis is a story of friendship. I don't own it but I love this so much. Hope you like it :)) by @firesoulstories6 Comment for reactions :) Vote if you like it :)