Kabanata 2

157 25 0
                                    

Kabanata 2

Jacket

"So, sinasabi mo na may nakilala kang guy na nakita mo sa D art gallery tapos doon sa rooftop ni tatay?" tanong ni Jelly.

Tumango ako. Naiinis na dahil sa paulit-ulit na lang siya. Kanina ko pa kinukwento ang nangyari kagabi kay Jelly.

Naiinis parin ako sa lalakeng 'yun! I know it's not right to be rude to someone pero anong magagawa ko kung nakikita ko lang ang bwesit na magnanakaw na 'yon, naiinis na ako! Parang kumukulo ang dugo ko!

"Oo nga! Paulit-ulit lang, Jels?" naiirita kong wika.

Tumawa siya at kumain ng chips na hawak ko. "Ih kasi naman, Kahel babes! Baka siya na ang forever mo!"

Mas lalo akong sumimangot. I look at her with disgust on my face.

"Forever?! Yaks, Jels! Wala ngang forever sa mundo! Stop reading romance novel!"

Umayos siya ng upo at binatukan ako. Napangiwi ako sa sakit. "Ano ba?! Masakit!"

"Kasi naman, Kahel babes, nagsasabi lang naman ako. Sana pala ay sumama ako kagabi para naman nakilala ko 'yung guy na sinasabi mo." aniya at humiga ulit. "Teka, did you get his name?"

Natigil ako sa kakahaplos sa batok ko. Tumingin ako sa kaniya. Nakataas ang kilay niya at naghihintay ng sagot ko.

Umirap ako. "Tss. Hindi, 'no! Wala akong balak na kilalanin ang mukong na magnanakaw na 'yon!"

"Sus, pero gwapo? Kung gwapo naman, panakaw mo na lang lahat ng anong meron ka!"

Tinulak ko siya. Tumayo ako saka lumabas ng kwarto ko. Gwapo? Mahangin lang ang bwesit na 'yon! Sa sobrang hangin, miski ang ipo-ipo mahihiya sa kaniya!

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Sumunod sa akin si Jelly na hawak ang bowl na may lagay na chips. Naka pantulog na rin gaya ko. Umupo ako sa island counter at pinanood si Papa na mag bake ng brownies.

"Joke lang naman kasi, bebs. Galit na galit usto manakit?" halakhak niya.

Inirapan ko siya. "Just stop talking to that theif, Jels."

Tumawa siya at tinaas ang dalawang kamay. "Fine, fine! Seryoso mo masyado."

"Ano na naman 'yan?" lumingon si Papa at binigyan kami ng brownies na mainit pa.

Kumuha ako at bumaba sa island counter.

"Hmm. Wala naman, Tito pogi. Nga pala, bukas ay pupunta kami sa Cebu. May gusto kang ipabili, Tito? I can buy for you."

Umiling si Papa at tumingin sa akin. "How about you, Kahel?"

Umiling ako at kumagat ng brownies. "Wala naman, Pa."

"Okay. Anong gagawin niyo roon, Jelly?" tanong ni Papa at kumuha ulit ng brownies.

"Anniversary po ni lolo-daddy. Uuwi kami after ng anniversary o baka magtagal kami ng tatlong araw roon." aniya.

Tumingin ako kay Jelly. "So, absent ka for three days?"

Tumango siya. "Oo. Pero, ayos lang naman. Nagsabi na ako sa mga prof ko."

Napatango ako. Umuwi rin kaagad si Jelly pagkatapos kumain ng brownies. Pinadalahan rin siya ni Papa para sa mga magulang niya.

Kinuha ko ang paint brush. Umupo ako sa harap ng canvas ko at nagsimulang magpinta. Maaga pa naman kaya magpipinta muna ako.

Hindi pa man ako nagtatagal sa pagpipinta ay tumawag sa akin si Jelly via skype.

Hinarap ko ang laptop sa akin habang nagpipinta. Siya naman ay naka reading eyeglass na at hawak ang libro.

When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon