Kabanata 29

43 8 0
                                    

Kabanata 29

Talk

The night sky is so beautiful as the stars and the bright moon twinkle. Mas dumadagdag pa sa ganda ang buong liwanag ng syudad. Hindi maipagkakailang sobrang nakaka kalma ang tanawing nakikita ko.

Napasulyap ako sa kaniya na tahimik lang ngunit ang mga mata ay nasa akin. Magkasalubong ang kilay at mariin ang pagkakalapat ng labi ngunit ang mga mata ay makikitaan mo ng pagsuyo. Mga mata niyang nakikiusap.

Napatikhim ako at umiwas ng tingin. Masyado ko na siyang natitigan. Humawak ako sa railings at linanghap ang malamig na simoy ng hangin.

"Lucas told me....something. Is it.....true?" halos pabulong na ang pagkakatanong ko ngunit sapat para marinig niya.

I heard him sigh. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. He stood beside me and I saw him bended a bit. Pinatong niya ang dalawang braso sa barandilya. Iniwas ko ang tingin sa kaniya at hinarap na lang ang buong syudad.

"What did he told you?" halos manginig ako sa biglang lamig ng boses niya.

Halos mag dugo ang pang ibabang labi ko dahil sa sobrang riin ng pagkakakagat ko.

"Did he told you to stay away from me?" dugtong niya.

I bowed my head. "Did you steal.....Ami. away from him?" imbes na tanong ko.

Naramdaman ko ang mabibigat niyang tingin na para bang binabasa ang bawat iniisip ko. Inayos ko ang aking buhok na tumabing sa akin mukha at pinirmi iyun sa aking kaliwang balikat.

"Yes," napapaos at dire-diretsong sagot niya.

Kumuyom ang kamao ko. Totoo. You heard it right, Kahel. Totoo.

Pinilit kong itango ang ulo. "W-Why did you do that? Why did you run away with her?" halos maramdaman ko ang panginginig ng boses ko. "Y-You love her?" parang hangin na lang na lumabas iyun sa bibig ko.

Sumikip ang dibdib ko na halos kapusin ako ng hininga.

Halos mapapitlag ako sa sobrang gulat nang maramdaman siya sa aking likuran. Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa railings. Kinukulong ako. Rinig na rinig ko ang mabibigat niyang pag hinga.

Gusto ko siyang tanungin ng tanungin kung bakit niya nagawa ang bagay na 'yun sa pinsan ko. I want to shout at him. Hindi kaya nagpapanggap lang siyang gusto ako? Hindi kaya hindi naman niya talaga ako gusto at ginagamit niya lang ako dahil sa alitan nila ni Lucas?

"I don't love her gaya ng iniisip mo, Kahel." halos mag tindigan ang balahibo ko sa batok nang tumama ang mainit niyang hininga sa aking batok.

Kumuyom ang kamao ko. "Then why did you do that? Hindi mo naman pala siya mahal! Sinaktan mo ang pinsan ko, Dave. At ano? Hindi ka pa kontento?" pinipilit kong maging kalmado ngunit sa naiisip kanina ay parang may kung anong dumagan sa akin.

Naramdaman ko ang lalo niyang paglapit sa akin. "What do you mean, Kahel?" mariing tanong niya.

Natawa ako ng mahina. "Ginagamit mo lang ba ako dahil sa galit niyo sa isa't isa? You're pretending to like me even though you're still stock on Ami! Hindi mo siya mahal? Bakit mo nagawang itanan? Bakit mo nagawang....traydorin ang kaibigan mo?!" mabilis ko siyang hinarap at malakas na tinulak. Halos manghina ako nang makita ang takot at lungkot sa mga mata niya.

"Mali 'yang iniisip mo, Kahel. Gusto kita! Hindi kita ginagamit para lang sa alitan namin ni Lucas! Hindi ako mababaw na tao!" mariin niyang wika habang ang nangungusap na mata ay na sa akin. "I have reason why I did that. I have reason, Kahel. At kung iniisip mo na hindi totoo ang nararamdaman ko sa'yo, nagkakamali ka. I like you, Kahel. At alam 'yan ni Lucas."

When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon