Kabanata 33

43 6 0
                                    

Hi, ate Caren! Happy birthday po! Thank you for supporting me and my stories hehe. May your day be filled with happiness! Love yah! 💞💓
--------------------------------------------------------------------------------

Kabanata 33

Curse

It's been weeks, Dave continue to court me. Walang palya ang pagbisita niya sa bahay namin. At kung hindi naman siya makapunta ay may ipapadalang bulaklak. At sa oras na kasama ko siya ay masaya ako. Like what my mother wrote.

There's a perfect feeling in a perfect person.

That's what my mother said on her book she left. And she's right. She's definitely right.

Nakakasilaw ang bawat ilang ng mga sasakyan. Dinungaw ko ang bintana at nakitang malapit na kami. My heart is pounding so fast and it's giving me so much nervous. Nakailang buntong hininga na ako ngunit hindi pa rin nawawala ang kaba sa didbib ko.

Tonight I will be able to see what my medicine looks like. Gusto kong ngumiti ngunit mas nangingibabaw ang kaba sa sistema ko.

Humigpit ang hawak ni Jelly sa aking kamay. She looks worried and nervous too. Kabaligtaran ng kanina na halos sabunutan na niya ako nang malaman niya na nanliligaw sa akin si Dave. I was planning to tell her when she came but she knew it already. Sinigawan niya pa ako at hinampas hampas. Well, hindi nga ako nagkamali. She freak out!

"Are you nervous?" naagaw ni Papa ang atensyon ko.

I glance at him and smiled nervously. "A lil bit,"

Tumawa siya sa sinabi ko. "It's going to be fine. I know that. Kasama mo naman ako."

"I know, Pa."

Ngumisi siya sa akin. "Bakit hindi mo sinama si Dave?" nang aasar na wika niya.

Umiling ako. "Hindi niya alam ang sitwasyon ko, Pa. And I don't know if....I will tell him this."

Dahil sa kabila ng saya na nararamdaman ko kapag kasama ko siya ay mayroong takot at pangamba ang nagtatago sa puso ko. Maraming pangamba ang sumasagi sa isip ko tuwing naiisip ko kung sabihin ko sa kaniya. Ano kaya ang magiging reaksyon niya?

Lalo na at wala pang kasiguraduhan ang inaasikaso ni Doc Maddy. I'm scared.

"Anak....it's your decision if you're going to hell him. Hindi kita pinapangunahan pero alam kong malalim ang nararamdaman mo sa kaniya. And I can see that he's a man that can be trusted." hinawakan ni Papa ang kamay ko nang hininto niya ang sasakyan. "Kung handa ka nang sabihin sa kaniya, go a head."

Napangiti ako sa sinabi ni Papa at hindi mapigilan ang mayakap siya. "Thank you, Pa. Thank you po."

He chuckled softly and kiss my forehead. "I love you, anak."

Sabay kaming pumasok ni Papa sa hospital. Alam kong kinakabahan rin siya. May halong saya at kaba.

Napaisip ako. Hindi ko na mapipigilan ang nararamdaman ko. Hinding hindi na at kung subukan ko man ay impossible na. My phone vibrated. I search for it and look what I got.

From: Dave

Where are you? Wala kayo sa bahay niyo sabi ni manong.

I bit my lower lip. Pumunta siya sa bahay?!

Agad akong nagtipa ng mensahe.

Ako:

Nasa bahay ka? May pinuntahan lang kami ni Papa. Baka matagalan. You can go home kung matagalan kami.

After I sent it, I slid it again inside my hoodie's pocket. Kumapit ako kay Papa at ngumiti nang dinungaw niya ako.

"He texted you?" tanong niya.

When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon