Kabanata 39
Tell me
Nahihilo na naman ako. Lagi na lang. I don't know why. Minsan ay bigla na lang akong mahihilo at pagkatapos ng ilang minuto, mawawala rin. Pero panay ang kirot ng ulo ko.
Is this sign of my medicine? Pero ang sabi nila ay wala namang side effect ang gamot ko. Baka ay dahil nag pupuyat ako lately. May tinatapos kasi akong art works para isali sa isang auction sa susunod na linggo. Ipapadala ko na lang ang mga iyon at kung maubos man ay lahat ng pera ay mapupunta sa mga charities ko.
Tinapos ko na lang ang pag liligpit ng mga gamit ko para makapag ayos na ako. Nag aya sila Jelly na pumunta sa Light place mamaya para sa celebration naming lahat. Celebration rin daw dahil nagkabalikan sila ni Louie.
Sinuot ko lang ang puting bathrobe na nakasabit sa gilid bago lumabas ng banyo at tinutuyo ang buhok. Mamaya pa naman sila kaya may time pa akong mag ayos kahit na hindi naman kailangan. I was humming while making my way on my closet when I noticed that someone is staring at me.
My eyes grew wide when I saw who's sitting on my bed and watching me.
"What are you doing here?!" I shouted, panicking.
Ngumisi siya sa akin at tumawa. "Nasa baba na sila," sagot niya.
Mas lalong lumaki ang mata ko nang maisip ang aking hitsura. Kumaripas ako ng takbo papasok ng closet. Pakiramdam ko ay kasing kulay na ako ng ketchup sa sobrang pula!
Narinig ko ang halakhak niya mula sa labas. Bakit ba andito siya sa kwarto ko?! Nakakahiya! Tanging suot ko lang ay bathrobe!
Nag iinit parin ang pisngi ko nang makalabas na ngunit salubong ang mga kilay. Nakita ko siyang ngising-ngisi at sumisipol habang linilibot ang paningin. Mukhang sinasadya niya lang na padaan ang buong kwarto ko bago bumaling sa akin.
"Lumabas ka nga!" I hissed.
Tinawanan niya ako. "Bakit ba? Wala naman akong nakita, ah!"
"Kahit na! Labas!"
Mas lalo lang siyang natawa. "Come here, Love. Give me a hug. Hmm?"
Mas lalo ko lang tinaliman ang tingin ko sa kaniya. Padabog akong lumapit. Ngumisi siya, mukhang inaasahang yayakap ako sa kaniya pero kinuha ko ang unan sa gilid niya at hinampas sa kaniya.
"A-Aray!" reklamo niya at panay ang iwas sa hampas ko.
Nanggigigil kong hinampas ang mukha niya at dahil hawak niya ang unan, naisama niya ako pahiga nang hilahin niya ang unan. Nanlalaki ang mga mata ko nang ma-realize ko na nasa ibabaw niya ako.
Nakahawak siya sa aking bewang para hindi ako mahulog at nakaharang ang unan sa pagitan ng mukha namin.
"Ouch! That hurts!" he hissed and I felt him pinch my waist.
"OMG! Porn!" Jelly's mouth formed into an 'O'. Her face was shock while closing the door before running away.
My eyes literally grew wider. Hindi na ako nag isip pa. Basta na lang akong umalis sa ibabaw ni Dave, muntik pa akong matumba kung hindi lang siya naging mabilis na nakabangon at nahawakan ang braso ko para mahila ulit pabalik sa kaniya.
Napahawak ako sa braso niya, habol ang hininga.
"Bastos!" hinampas ko ang balikat niya.
Humagalpak siya ng tawa. "Anong bastos? Wala naman akong ginagawa, ah." depensa niya sa sarili.
"Bitiwan mo nga ako!" gumalaw ako para makawala sa kaniya pero hindi man lang siya natinag at panay ang halakhak. Nakakainis!
"Isa! Bitiwan mo nga ako, e!"
![](https://img.wattpad.com/cover/218665641-288-k714847.jpg)
BINABASA MO ANG
When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)
Novela JuvenilWhat is love for you? Is it all about the three words? Is it about fighting? Or more than that? - Orange Santino, a brave and a fighter. A young painter dreaming to have her own Galery and full of hope. Born with a rare condition. She wants to go o...