Kabanata 38

60 6 0
                                        

Kabanata 38

Selfish

Naging madali ang araw para sa amin. Days turned to weeks and turned to months. Sobrang dali lang ng panahon na hindi ko man lang namamalayan.

Last month, we celebrated Papa's 48th birthday in the help of my gang. We just have simple dinner and a family chit chat. It was fun and enjoy night. Marami ang nangyari nitong nakaraang buwan. Lahat masasayang araw at natatakot ako na baka may kapalit ang lahat ng saya na nararamdaman ko.

Diba ganun naman talaga 'yun? Lahat ng saya may kapalit?

Nakahiga pa rin ako sa kama. Ayoko pang bumangon. Sa susunod na linggo ay graduation na namin. I know, Dave will invite me for sure but I know that I can't come. What if mag tampo siya? Tsaka, hindi ba siya nag tataka kung bakit laging gabi na lang ang date namin nitong nakaraang buwan.

Alam kaya niya?

I bit my lower lip. Kinakabahan ako. But he never ask me. Paano kung alam pala niya pero natatakot lang siyang sabihin sa akin?

"Kahel babes!" halos mahulog ako sa kama nang bigla na lang bumukas ang pinto. "Hello, Kahel babes!" ngisi niya.

I groaned. "What are you doing here?"

Ngumuso naman siya. "Punta tayong Mall! Bibili ako ng dress na isusuot ko para sa graduation."

Napakamot ako ng ulo. "Bakit kasama ako?" tinuro ko pa ang sarili ko.

Umikot ang mga mata niya at supladang umirap sa akin. "Duh! Ga-graduate ka rin diba? Syempre, you need to buy dress too! Kaya sabay na tayo. Bihis ka na dali!" hinila niya ang braso ko.

Umiling ako. "Tinatamad ako," sabay hila ko balik na braso ko.

"No! You will come with me! Let's go!" hinila niya ulit ang braso ko.

I groaned frustratedly. "Fine! Fine! Stop tugging me!" inis kong wika.

Tumawa siya at binitiwan ang braso ko. Humalukipkip siya at umupo sa kama. She pointed the wardrobe and motioned me to get dress. Napairap ako sa kaniya. Tinatamad nga kasi ako.

Inis akong bumangon at tumayo pero naupo rin ako kaagad nang makaramdam ng hilo, my eyes get blured. Kumunot ang noo ko at napahilot ng sentido. What was that?!

"Ayos ka lang?"

I nod my head. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Bakit ba bigla-bigla akong nahilo? Huminga ako ng malalim at tumayo na. Dahan-dahan lang akong tumayo dahil baka bigla na lang akong mahilo ulit.

Napahinga ako ng maluwang nang hindi na ako nakaramdam ng hilo. Medyo kumirot lang ang ulo ko. I just shrugged it off. Nabigla lang ata ako dahil sa pag tayo. I get my usual outfit. White hoodie, maong pants and sneakers. Nag suot rin ako ng round glasses. Wala lang, trip ko lang siyang isuot.

"Ikaw mag drive, ah. Tinatamad ako ngayon." sabi ko at huminto. "Paalam lang ako kay Papa." tinahak ko ang daan papunta sa opisina ni Papa.

I don't know but Lan is helping Papa of some of his works. I saw them silently reading some cases. I knock first before entering.

"Pa?" malambing kong wika at dahan-dahang naglakad palapit sa kanila.

They turned their head on me. Natawa ako. Para silang pinagbiyak na bunga. I smiled cutely.

"Yes, 'nak?" ngiti ni Papa.

"Aalis na naman 'yan, Pa. May date na naman tsaka si Dave." asar ni Lan.

I glared at him. Hindi ko talaga siya tatawaging Kuya, makita niya! "Whatever. Aalis po kami ni Jelly ngayon. Bibili daw po kami ng dress. Sa Mall lang naman." paalam ko at inirapan si Lan na nakangisi lang habang nasa papel ang mata.

When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon