Kabanata 16
Deal
Masigla akong gumising nang kinaumagahan. Papa went out for a bit to buy some cereals for me, hindi rin nag tagal at bumalik na.
May pasok si Jelly ngayon kaya alam kong hindi siya makakapunta ngayon dito. Lalo na at malapit na ang exam.
"Ang ganda ng gising, ah. Dahil ba iyan sa date kagabe? Nung boyfriend mo?" may halong pang aasar na sinabi ni Kuya Ruben nang makaupo ako sa hapag.
Sumimangot ako at napatingin kay papa na niiling at natatawa lang sa usapan. "Kuya! Hindi ko nga siya boyfriend!"
"Sino nga ba 'yon? Ah...Dave!" aniya at ngumisi.
Napanguso ako. "Hindi nga, Kuya!"
Humalakhak siya sa sinabi ko. Inabot sa akin ni papa ang cereals ko at naupo na. He laugh and started eating.
"Papuntahin mo rito para makilala--"
"---papa naman!"
Humagalpak ng tawa si kuya Ruben. Nag e-enjoy sa pang aasar sa kin. Malamang! Minsan lang nila akong makita na may kasamang lalake. Ang una atang nakita nila ay noong nasa parke kami. 'Yung batang lalake na kalaro ko.
"Ayos lang naman, Kahel. Sinabi ko na diba?" seryosong wika ni papa.
Napakagat ako ng pang ibabang labi. "Papa, alam mo naman ang...pananaw ko diyan, diba?"
Huminga siya ng malalim at napatingin kay Kuya Ruben para humingi ng tulong. "Ano, Ruben? Ayos lang naman diba?"
Kuya Ruben nod and smile a bit. "Parte iyan ng pagiging dalaga, Kahel."
Hindi na ako nag komento pa. Naguguluhan na. I don't need a boyfriend or what. Sabi ko nga, masasaktan ko lang siya. At iyon ang ayaw kong mangyari.
"Kahel, huwag ka munang umalis at mag hahanda tayo para sa mama mo." paalala ni papa.
Tumango ako at ngumiti. "Opo, Pa. Balak ko rin pong...tumulong."
"Mabuti naman. Aalis ako ngayon para bumili ng lulutuin natin. Maiwan kayo ni ate Anda mo."
"Sige po."
"May ipapabili ka ba?"
I shook my head. "Wala po, Pa. Ayos lang po."
Buong linggo ay hindi ako gumala o lumabas ng bahay para tumulong. Luluwas kasi ng manila ang ilang kamag-anak namin mula sa Bicol. Siguro ay ang mga pinsan at lolo ko.
Si Jelly naman ay laging bumibisita pagkatapos ng klase at walang ibang bukang bibig kundi ang pang aaway ni Louie sa kaniya. Sa susunod na linggo na rin ang exam niya kaya minsan ay dito na nag re-review.
Noong isang araw nga ay halos bugbugin niya ako nang malaman kung saan kami pumunta ni Dave noong gabing iyun. She told me that I should've tell her. Aba! Ewan ko ba na pupunta kami roon. Nag away daw sila ni Louie dahil tinakasan niya.
"Alam mo ba? Nakita ko si Dave kanina! Ang galing niyang mag laro!" tsismis niya sa akin.
Tumingin ako sa kaniya habang inaayos ang kwarto na gagamitin ng mga kamag-anak namin dahil mamaya na ang dating nila.
"Nag tanong ba ako?" pabalang kong sabi.
She throw the pillow beside her. "Gaga!"
Tumawa ako. "Malamang, Jels. Hindi 'yon magiging captain kung hindi magaling."
My lips twisted a bit. I can almost imagine Dave's reaction if he heard what I've said. Mag yayabang na naman iyon. Sigurado ako. I tilted my head and shake my head.
![](https://img.wattpad.com/cover/218665641-288-k714847.jpg)
BINABASA MO ANG
When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)
Teen FictionWhat is love for you? Is it all about the three words? Is it about fighting? Or more than that? - Orange Santino, a brave and a fighter. A young painter dreaming to have her own Galery and full of hope. Born with a rare condition. She wants to go o...