Kabanata 5

103 21 0
                                    

Kabanata 5

Lie

"I will give you a test tomorrow, Kahel." paalala ni Ma'am Jecerel.

Ngumiti naman ako at tumango. "Noted, ma'am."
 
Nag paalam na siya na aalis na. Our session ended so quickly. It's already September 11 and later is my annual monthly check-up.

Umaasa ako. Umaasa ako na sana ay pag gising ko ay magaling na ako. Na sana sa susunod na pag punta namin sa hospital ay good news na ang dala ni Doc Maddy.

I'm always hoping that she will tell me----us that she already found the cure for my illness and that I can now have my normal teenager life. Like, going to a normal school and have friends, to walk on the street with Jelly while eating some chips.

Umupo ako at kinuha ang bagong canvas. Kinuha ko rin ang ilang paint brush at mga pinta. Sinuot ko ang apron na kulay itim bago nag simulang mag pinta.

"Kahel, can you please text your kuya Ruben? Tell him to buy pizza." katok ni papa.

Lumingon ako. "Sure, Pa." ngiti ko at inabot ang cellphone sa side table.

Tumayo ako at nag tipa ng mensahe. After I sent it, bumalik ulit ako sa pag pipinta. Dito ko gustong ibuhos ang mga salitang hindi ko maisatinig.

Ang nararamdaman ko na tinatago ko sa aking sarili ay dito ko naipapakita. This is my way to escape reality.

Tumunog ang cellphone ko. Baka ay si kuya Ruben iyun.

Ah... no. Si Jelly pala.

From: Jelly

Kahel babes, sama ako mamaya sa hospital.

To: Jelly

Sure. Agahan mo ang pag uwi mo.

From: Jelly

Of course. By the way, nanunuod ako ng basketball ngayon. Sila Dave ang nag lalaro.

Napa arko ang kilay ko. Anong pake ko?
 
Hindi na lang ako nag reply. I put my phone down and resume what I'm doing. Pero nawala na sa utak ko ang gusto kong gawin.

Napahinga ako ng malalim at tinanggal ang apron. May iilang pintura rin na kumalat sa aking pisngi. Ang dungis ko na!

Agad ko namang nilinis ang mukha ko bago bumaba sa kusina. Naroon na si Kuya Ruben dala ang dalawang malaking box ng pizza.

"Pizza! Is this our dinner?" natatawa kong tanong sabay upo sa stoolbar.

"Of course not. Beef stake ang dinner natin ngayon so, please arrange the plates already. Malapit nang maluto ang pagkain." si Papa at pinitik ang noo ko. "Mamaya na ang pizza after ng check up mo kay Doc Maddy."

Napanguso ako at napahawak sa alam kung namumulang noo. Tulong kaming nag handa ng mga kobyertos at plato sa mesa habang hinihintay na maluto ang dinner namin.

"Pa, sasama raw po si Jelly sa atin mamaya."

He put the stake on the table before finally sitting down. "Oh, sige. Mamaya pa namang 7 pm ang check up mo. Kain na tayo."

We started our dinner. Sila papa ay nag pa-plano para sa darating na October 10. It's the 4th year death anniversary of my mother. Nakagawian na namin ang pag punta sa puntod ni mama tuwing gabi. Of course, I can't go out when it's day.

Ang mga iilang kamag-anak ni mama ay nasa ibang bansa na. Her parents, my grandparents died already. Kaya ang iilang pinsan na lang ang natira na pamilya ni mama.

My father's side is on the Camarines Sur. Ang mga pinsan at kamag-anak ni papa ay naroon even his parents. Taunan bago makadalaw rito sa manila.

"Gusto ko rin po sanang isama ang kapatid ko, Tito. I want you to meet him." suhestiyon ni Kuya Ruben.

When She Say I Love You ✔️(Completed)(Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon