05

86 14 4
                                    

"Lasing na talaga, gago..." bulong ni Jaycee.





I giggled a bit and continued to drink. Parang hindi mapakali si Jaycee, hinila niya si Arch at may ibinulong na hindi ko narinig.





"What? No," rinig kon sinabi ni Arch, "Best friend ko ba si Shaira? Si Gab best friend ko!"





"Tangina, anong best friend best friend?!" pakikisali ko.






"Ikaw nga Gabriel!" itinulak ni Jaycee si Gabriel papunta sa upuan ko. My brows creased as I planned to pour another drink on my glass. Iinom pa sana ako nang hinawakan ni Gabriel mismo 'yung baso ko.





"What?!" pag-iinarte ko.





"You're drunk." he stated coldly.





"Obvious ba?" sarkastikong tiningnan ko siya. He's wearing a cap again. Now I understand why Jaycee's telling me he looks like a holdaper. Kinuha niya sa 'kin 'yung baso at itinabi 'yon, tumingin siya kay Jaycee na parang nanghihingi na ng tulong.






Hindi naman pala 'ko kaya!





"Kasali ka sa ambagan? Bakit ka nakiki-shot?" pambabara ko. Narinig ko ang tawa ni Jaycee at Archelaus, nagkatinginan pa silang dalawa habang natawa. Inabot ko ulit 'yung baso kong may laman.





Bago ko pa mainom 'yon ulit, naibaba ko muna dahil biglang  umikot ang paningin at humagod ang tiyan ko. Tumayo na 'ko at pagewang-gewang na pumunta sa CR. Pucha, 'wag naman sanang may nag-ma-make out dito, ha?! Maawa na lang talga kayo sa lasing!





"Gago, ang sakit..." sabi ko sabay pasok agad sa isang cubicle doon, dire-diretso sa toilet bowl. Sumuka ako nang sumuka. I felt so disgusted but I was laughing at the same time. Masyado yatang marami talaga akong nainom...





"Girl, tangina ka..." natatawa si Jaycee nang marinig ko siyang sumunod pala. Mas lalo akong natawa kaya mas masakit ang labas ng suka ko. "Ayaw papaawat!"





Nang matapos ako saglit, inabutan niya ako ng panyo. "Ayoko na... Ayoko na, Lord... sorry na... Mamamatay na yata ako!" ininda ko ang sakit sa lalamunan.





Inalalayan niya ako palabas. Bumungad sa 'min si Archelaus at Gabriel. Archelaus was laughing, he first looked at Jaycee who's still laughing behind me. Gabriel was looking at me seriously as he looked so dark and manly with his vibe—the CK cap, the dark blue knitted short sleeve, the black denim jeans, and the Dior silver necklace hanging around his neck. One look and you can tell he's not someone you should mess with.





Oo na, type ko nga.





"Bakit nandito ka?" s'yempre, sino pa bang tatargetin ko? I looked at him with more intense gaze.





What now, Gabriel? Malandi na 'ko tapos lasinggera pa?





"Seryoso ka, ah? Bahala ka 'pag nag-regret ka bukas..." bulong sa 'kin ni Jaycee habang inaalalayan pa rin ako.





With all the party going on, I let my fate decide. I don't know if it's the alcohol in my system or the dizziness I'm feeling but I looked at Gabriel. Sayang siya. Pogi siya, e. Pero tanginang attitude. I really don't like how he talks. It... stings.





Itinuro ko si Gabriel sa mayabang na paraan, I did not even extended my arms and literally just pointed him, "Tanga ka, eh," I stated.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon