04

104 14 1
                                    

Hinawakan ng mga bata ang kani-kanilang gitara at tumingin muli sa 'kin. Hinawakan ko rin ang gitara ko. Malaki ang room kaya may sapat na espasyo ang isa't isa. Tahimik naman sila kaya maririnig kapag nag-example ako ng tugtog.





"May bago po, Ate Shaira!" sabi no'ng isa. I looked at them.





"Oh. Okay. Come here," tawag ko doon sa bago. Batang babae, siguro mga 9 years old. Pinaupo ko sa tabi ko. "Guys, wait lang, ah?"





Nahagip ng mata ko si Gabriel na nakatingin sa 'kin. Sinenyasan ko siyang umupo sa isang plastic na upuan sa tabi. Bale nasa kaliwa ko 'yong bata at nasa kanan ko siya. May sapat pa rin namang espasyo para sa paghawak ng gitara.





"Ate... can he teach me instead?" nakapag-request pa siya.





Tumingin ako kay Gabriel. Ngumisi siya at naalibadbaran agad ako.





"Okay," sabi ko sabay sinenyasan si Gabriel. "Narinig mo naman." sabi ko.






"Let's continue, guys?" ginawa ko sa gitara ang isang chord at ginaya nila 'yon. Tumayo ako at isa-isa silang nilapitan para tingnan kung tama.





"Bro, I think it'd sound better if you put your hands like this..." narinig kong sinabi nitong si Gabriel. Hinawalay niya 'yong kamay ni John at tinuro nang maayos. Ang sabi ko turuan niya ng chords 'yong bago, ah? Ba't siya nandiyan?





"Kuya Gabriel! Can you teach me, too?!" excited na sigaw ni Lara na nasa harapan ko naman.





"Kuya Gabriel, me too!"





"Stacey, Ate Shaira na... he already has a lot." sabi ko dahil parang nagwawala na 'yung iba.






"But I want kuya Gabriel!" Sigaw niya at nasundan pa no'ng ibang bata, "I'm bro, too! I want to be bro!"






Napatingin ako kay Gabriel na nakangisi sa 'kin.






Anong pinalalaban niya? Gusto ko siyang irapan! Tumango ako sa mga bata saka umupo na lang sa upuan ko. He's good with children, ha? Nilaro ko na lang ang gitara ko dahil halos lahat sila ay si Gabriel ang gustong magturo. Mukha tuloy akong lonely! Parang gusto ko na lang umalis dahil wala naman pala akong maitutulong dito, eh! Napagpasyahan kong tumingin kung sinong nahihirapan kaya tumayo ako at pupuntahan na sana 'yung isang bata nang maunahan ako ni Gabriel.





Gusto ko na talagang umuwi!






"You're good, ah? But it's better if you can strum like this, para 'di ka mahirapan..." inayos niya 'yong pagkaka-strum ni Justin.





Napatingin naman ako sa kay Quenie nang marinig na mali ang tono ng gitara niya. Lalapit na sana ako pero ayun na naman!





"Quenie—"





Natigil ako nang ayusin ni Gabriel ang tono no'n. Napatingin naman ako sa kaliwa ko dahil parang mali rin ang tono no'ng kay Hazel. O baka nagawa na lang ako ng pwedeng magawa! "Hazel... I'll check this..." paalam ko sabay hinawakan ang gitara niya.





"No, it's okay po, Ate Shai, I want kuya Gabriel." she smiled at me innocently.





Nagkatinginan kaming dalawa ni Gabriel. He was still guiding Justin how to strum and I was half-way withdrawing my hands from Hazel's guitar.






"Do you... want to teach them too?" he asked gently while he glanced at the Justin again, back to me.





You know what, hindi ko alam kung dahil sanay akong lagi siyang mukhang galit o iba ang tono at lamig ng boses niya, eh... My ego was hurt so bad that I just wanted to lash out! Bakit biglang ang hinhin ng boses niya? Naaawa... ba siya sa 'kin? Kinaawaan niya 'ko dahil, ano, walang gustong magpaturo? I calmed myself down because I think I'm getting a little too petty on this.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon