Aano namang pag-uusapan namin?
9 PM na ng gabi at 11 PM, gusto niya raw makipag-usap. Tangina. Kinakabahan ako. Bakit naman kasi gabi pa? Nagbihis muna 'ko ng bagong damit. Nagpaalam din muna 'ko kay Mama na kikitain ko si Tita Emerald sa isang coffee shop mamaya. Habang wala pa, I did my skin care routine. Inabala ko muna ang sarili ko habang wala pa kasi sobra na 'yung kaba ko. Habang may facial mask pa, bigla namang nag-text si Gabriel.
Love:
You're not replying to my chats, are you preparing to sleep? I want to call
Nag-tipa naman muna 'ko ng i-re-reply. Hindi kasi nakaopen 'yung wifi ko para hindi ako maiistorbo. Maybe a call with Gabriel will somehow ease my nervousness?
Ako:
Doing my skin care
Ako:
Its okay love you can call
Pagka-send ko no'n, lumabas agad ang pangalan niya sa screen kaya sinagot ko naman din agad.
"Hey..." his bedroom voice enveloped my ears.
"Anong kailangan mo?" I joked.
"I can't sleep." Gusto kong tumawa dahil iba na naman 'yung tono ng boses na ginagamit niya sa 'kin! Pabebe talaga nito. 'Di naman siya ganyan kapag maraming tao, e! Pinigilan ko nga lang dahil ibabalik niya sa dati 'yung tono niya kapag nalaman niyang natatawa ako.
"Hmm? Bakit?" Tanong ko.
"I don't know..." Sagot niya. Doon na 'ko natawa.
"O, anong gagawin ko?"
"Well, you can come here," aniya. Mas lalong lumawak ang ngisi ko. Parang nawala na 'yung kaba ko kanina. But thinking of Tita Emerald now, meeting me in an hour, made me feel nervous again. Tangina. Mukhang tanga lang.
"Hey, I'm kidding. Are you pressured?" Tanong niya dahil hindi na 'ko nakapag salita. Napatingin ako sa clock at nakitang 10:30 na pala.
"I'm meeting Tita later... she wants to talk to me raw..." sabi ko.
"Oh. This late?"
"Yeah. I don't know. Baka na-miss na niya 'ko?" Tinawanan ko nalang 'yon kahit kinakabahan na talaga ulit 'ko.
He chuckled too, "Maybe... but can I come, though?"
"Of course not!" Iyon lang din dahil 'di na siya nakipag talo sa 'kin. Sinabi ko na ring 11 PM kami magkikita ng Mom niya kaya ibinaba ko na. Kaya naman naghanda na 'ko para pumunta sa sinabi ni Tita Emerald na coffee shop.
Mama kissed my cheecks as I go, "Ingat."
Parang biglang may lindol sa katawan ko. Tangina, Shaira, 'wag ka masyadong kabahan! Pero habang palapit ako nang palapit sa pupuntahan, kabang-kaba talaga 'ko. Binuksan ko 'yung pintuan ng coffee shop. Actually, marami-rami pang tao. Nagkatinginan kami ni Tita nang naghanap ang tingin ko sa mga tao. Kalma. Kalma, Shaira. Ngumiti ako ng konti kay Tita habang papalapit.
Mas kinabahan ako dahil 'di manlang siyang ngumiti sa 'kin pabalik! Tangina, anong meron?!
"Hello po, Tita..." bati ko sabay upo sa upuan sa harap niya.
BINABASA MO ANG
As You Lie Awake
Romancecurrently editing. not advisable to read for now because you might be conflicted of certain scenes.