09

89 13 0
                                    

"Kids! Gather up!" Tumango ang lahat at gumawa na muli ng panibagong grupo para sa mga bata.





Doon din pala sa mga bahay na nasa tabi ng field, may mga CR kaya doon lahat naligo. Ayos naman ang naging gabi ko. It was a peaceful night. Gusto ko ngang balikan 'yung pinuntahan namin, e. Masyadong maganda. Or also because I felt at peace yesterday. It was as if it's too tranquil to be there. 'Yon din ang una naming usap na matino.





"Pwede naman akong mag-cellphone, 'di ba?" Tanong sa 'kin ni Jaycee.





Binuksan niya ang cellphone niya at kinalkal 'yon. Ngumiti rin siya sa 'kin ng paawa. Ngumiti rin ako. "Siyempre bawal."





"Parang 'di kaibigan," Reklamo niya.





Kinuha kasi ang mga cellphones, kahit mga cellphone ng mga bata. Pero hindi kinuha 'yong kay Jaycee, siyempre nagpaawa siya. Hindi rin kinuha 'yong sa amin. Bale sa mga bata lang talaga. Ibabalik 'yon pagkatapos ng lahat ng activities. "Mamaya ka na kasi mag-phone." sabi ko. Nagsimula na ang lahat at pumwesto na kami ulit sa kanya kanyang grupo.





"Pahiram phone, ganda ng view do'n!" Itinuro ni Jaycee 'yong sa mga puno na ang taas ay sunrise.





"Alam mo Cian Jessica, ipirmi mo 'yang kamay mo! Maglalaro pa ulit!" sabi ko. Nanlaki ang mata niya doon. Ayaw niya kasing tinatawag sa buo niyang pangalan.





"Oo na, Shaira Clarisse!" Inis na sigaw niya.





"I have no problem with my name," mayabang kong sabi sabay tawa. Sumimangot lang siya at pumwesto na rin. Ang laro ay magtatakbuhan na may hawak hawak na plastic bottle, ipapasa 'yung plastic bottle sa susunod na tatakbo hanggang sa may maunang makarating sa dulo.





Nagpalit-palit na ulit ng grupo. Buti na lang ka-grupo ko ulit si Jaycee. 'Di ko na nga ka-grupo 'yung ibang naging kagrupo ko kahapon. Though, kahapon, we had so much team work. Ako ang panghuling tatakbo kaya pumwesto na ako malayo kay Jaycee. Siya kasi ang pangalawang tatakbo. Pumito ang coordinator namin kaya nagsimula na ang lahat. Malayo layo naman dahil malaki talaga ang field. Napalingon ako sa mga katulad kong huling tatakbo.





Nanlaki ang mata ko nang nandoon din si Gabriel. Oh? Ibinalik ko na ang tingin ko sa team namin. Kasalukuyang kami ang nauuna. Nang ibibigay na sa akin ang plastic bottle siyempre tumakbo na 'ko. Sa bilis ng takbo ko parang ma-o-out of balance ako! Pinilit ko pa rin tumakbo hanggang sa naabot ko na 'yung ribbon. Pero nang maabot ko 'yon saktong pag-tumba ko!





"Shaira!" Sigaw ni Jaycee na halos bumalot yata sa buong Los Baños! Ang sakit na nga ng katawan ko, sinama pa tainga! May agad na dumalo sa 'kin dahil grabe 'yung bagsak ko. Subsob kung subsob. May bato pa mismo kaya nasugatan nang sobra 'yung tuhod ko. To be honest, my knees looks disgusting! Sobrang sakit! Namataan ko si Gabriel na siya pa lang lumapit sa 'kin. Kahit ang sakit, natatawa ako dahil kay Jaycee.





"Doon mo dalhin sa house, hijo!" Sigaw ng isa sa mga pastor.





Binuhat nga 'ko ni Gabriel. Aangal sana ako pero ang sakit masyado ng katawan ko para maging choosy pa. Patawa-tawa lang ako pero seryoso, ang sakit sobra! Para lang akong bumalik sa childhood. Dapat pala 'di ko na masyadong binilisan. Well, atleast, panalo.





"Masakit?" Tanong ni Gabriel habang karga-karga pa rin ako.





Nakatingin siya sa daanan kaya kitang-kita ko 'yong side profile niya. Sandali ko tuloy inisip kung maganda ba side profile ko. Maganda naman, 'di ba? Ibinaba niya na 'ko doon sa terrace ng bahay. Narinig ko na rin ang mga boses nila Harvey, kuya Marco, at Jaycee.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon