"'Yan kasi, kasalanan mo 'yan!" Sulsol ni Jaycee habang nag-aalala na ako sa mga pwedeng mangyari.
"Cian Jessica, tumahimik ka dahil mas sumasakit ulo ko sa 'yo, ah." Seryosong sabi ko.
Hinilot ko muli ang sentido dahil putangina, first time naming magkaro'n ng misunderstanding ni Gabriel! Kinakabahan ako. Para kong mailuluwa puso ko anytime. The same feeling is creeping me out. It's haunting me like a ghost. Hindi ako makatulog kahit anong gawin ko. Hindi ko rin alam paano makakawala sa pakiramdam na 'yon. Nawawala lang siya kalaunan pero ang sakit sa dibdib.
"Ba't mo naman kasi pinaalis?" Jaycee seriously asked.
"Bitch, may mag-vi-video! Anong gusto mong sabihin ko kay Tita? Tita, nakipagsuntukan po si Gabriel sa 'kin kasi nakipag-date ako sa putangina kong manager?!" Giit ko. Ngayon ko lang na-realize gaano ka-pangit pakinggan ng nangyari!
"Hindi. Dahil 'yon kasi pinilit ka! Kasi wala kang choice!"
Hinilot ko muli ang sentido.
"Pero... nakipag-date pa rin ako... Tangina..." I trailed off, "Anong gagawin ko? Sumasakit dibdib ko rito, gago naman!"
"O, paano na?" Tanong niya.
Paano na nga? Baka... makipag-break sa 'kin si Gabriel? 'Wag naman sana, Lord!
"Paano kung makipag-break si Gabriel?" God! I've never been this scared! Kung ako naman din si Gabriel tapos nakipag-date siya sa manager niya nang hindi sinasabi sa 'kin... Tapos inakala ko pang kinakampihan niya 'yung manager niya... magagalit din ako. Makikipag break ako!
"Makikipag break na 'yon, tanga." Pananakot ni Jaycee.
"Putang ina ka talaga, labas!" Sigaw ko at nilahaf ang pintuan ng kwarto ko. Tinawagan ko kasi siya matapos 'yung nangyari. Dinrop niya muna 'yung iba niyang klase para puntahan ako rito. Puta. Kinakabahan talaga 'ko. Baka nga makipag-break?!
Jaycee laughed, "Shunga. 'Di 'yon. Baka kahit buhay niya or makikipag-break sa 'yo 'yung choices, buhay na lang niya isusugal niya."
Nabuhayan ako ng loob doon pero naisip ko rin bigla, hindi naman gano'n kabaliw sa 'kin si Gabriel kaya mga fifty-fifty lang 'yung chance!
"Tawagan mo kaya!" Pag-tempt sa 'kin ni Jaycee.
"Ayoko! Natatakot ako!" Baka mamaya makipag break talaga siya kapag tinawagan ko! Pahupain ko kaya muna 'yung galit niya? O... galit ba siya sa 'kin? Natural, Shaira! Nag-walk out nga kanina. Tangina. The feeling is taking my breath out!
Tinapik ni Jaycee ang pisngi ko, "Akala ko ba kay tita ka lang natatakot?" Ngumisi siya.
"Hindi 'to joke time! Tanginang 'yan, tumigil ka nga!" Pinalo ko ng konti ang dibdib ko dahil patuloy 'yon nang patuloy sa pagkabog. Nasusuka ako. My body is trembling again but I don't want to scare Jaycee so I kept it hidden and did something so she wouldn't suspect.
Umirap pa ako kunwari. Tumawa siya.
"Chat mo lang ng I'm sorry, kasi tingnan mo, baka siya pa manuyo sa 'yo?"
Ngumiwi ako.
Susuyuin ako ni Gabriel pagkatapos kong paalisin? Tanga na lang maniniwala ro'n. Another thing, walang nagpakalat ng video dahil pinabura ko talaga sa mga tao kanina 'yung mga nakuhanan. Tangina nila, may makita lang ako online. Pagkatapos kong gawin 'yon saka ko tinawagan si Jaycee at walang pasabing umuwi. But there is no time to think about that now. Ano na lang ang gagawin ko?!
BINABASA MO ANG
As You Lie Awake
Romancecurrently editing. not advisable to read for now because you might be conflicted of certain scenes.