06

93 12 1
                                    

Aside from the fact that it's probably his longest sentence I've ever heard, I didn't know if I should be offended that he called me, what, extreme?




What's with his face, too? Hindi niya rin dineny na gusto niya si Archelaus! Why is he so hard to read? Even with questions, I can't really tell his honest answer. Dapat ba 'kong ma-offend? Extreme? What does that mean? Compliment 'di ba 'yon? But if he thinks I won't work with Archelaus because of my extreme behavior, edi, offensive nga?! Anong akala niya sa 'kin, talagang lalandiin ko 'yung best friend niya, eh, halata namang naglalandian na sila no'ng best friend ko?





I fucking hate that about him, really. The way his words always sting. Something about it bothers me... and I hate it.





The classes were all dismissed, nag-commute ako pauwi. "Ma..." naghubad ako ng sapatos. Nakita ko agad si Mama nang lumabas siya para salubungin ako.





"Shaira! May bisita tayo," deklara ni Mama. Umangat ang kilay ko at kinuha ang phone sa bulsa para tingnan ang itsura. Well, I'm still pretty but... Either si Pastor or churchmate lang naman lagi naming bisita kaya kailangan presentable naman!




"Bihis po muna ako," dali-dali at walang lingon-lingon akong tumakbo pataas ng hagdan. Nagbihis ako mula sa uniform.





Nag-vibrate ulit 'yong cellphone ko.





Jaycee:

umalis ka na raw??? wtf ka talaga 'te tangina mo nang iiwan ka





Nag-ring din ang phone ko after no'n.





"Kailan nagsimulang magbago ang lahat..." tumunog ang kanta sa background, tawang-tawa agad ako!





"Gago..." I couldn't breathe! Inalis niya na ang kanta at narinig ko na rin ang tawa niya.





"Nakauwi ka na?" sarkastikong tanong niya.





"Oo. Na-badtrip ako ni Gabriel, eh," rason ko. "Badtrip din siya lagi sa 'kin, give and take lang. Bwisit na 'yun, feel niya yata ang landi-landi ko?! Well, totoo naman, pero excuse me?!"





"Seryoso ba?" nawala ang tawa niya.




"Oo! Sobrang judgemental niya for someone na hindi naman masyadong nagsasalita! Oh my god, kaya siguro ang tahimik niya? It's all in his head." nakapag-isip pa talaga ako ng analysis para sa kanya.





"Honestly, I don't know kasi 'di naman kami close... Lagi ko lang talaga siyang nakikita sa mga events but alam mo 'yun? Mabait siya in a way na walang nag-iissue sa kanya about ugali, eh, gano'n? So ewan... Tsaka, these past few days, lagi mo na lang pinroblema 'yan, ah? Baka naman may something sa inyo!" naglagay pa talaga siya ng meaning.





"Girl, malandi ako pero lalandiin ko na lahat, 'wag lang siya!" I stated and ended the call. Tuluyan na 'kong bumaba at dumiretso sa dinner table.





Bumungad sa 'kin si Pastor, si Tita Emerald... si Gabriel?! The all looked at me and because I couldn't tear my yes off him, our eyes met. Ngumiwi ako sa kanya.





"Shaira! We're talking about the Youth Camp, hija..." Pastor smiled at me. Pinaghila ako ni Mama ng upuan kaya dumiretso na ako sa pag-upo. Kung sinuswerte ka nga naman, lubos-lubos.





"Kasama natin si Emerald at ang anak niya. I decided Gabriel could participate there as a Youth leader so he can be more used to our church. Kasama mo siya, Shaira." pagpapaliwanag ni Pastor Bob.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon