"Lamig..." I stated as he turned the aircon in a lower temperature than before.
Lagi namang ganyan ang ichura niya. Mukhang laging galit o kaya seryoso lang. Pero when he would drive me home or somewhere else, he would talk to me! And the topic must go on hanggang sa wala na lang kaming masabi o kaya natatawa nalang. Kasama na ro'n ang pang-aasar ko sa kanya na kunwari nga clingy gf ako!
Tangina. Kinakabahan ako. Imposible namang nagselos nga siya ro'n! Saka wala namang ibang tao sa mall na kakilala namin kaya ayos lang naman, 'di ba? Hindi na lang din ako nagsalita buong byahe.
"Ah. Salamat." Awkward akong ngumiti nang makarating na kami sa bahay. Bababa na lang sana 'ko nang matalim niya 'kong binalingan.
"Do you want to explain?" He licked the inside of his cheek after he carefully asked me.
Puta, ano, ba't tunog galit? Galit ba siya? At ano namang ieexplain ko sa 'yo? Wala naman akong ginawa. Saka as I've said wala nga kaming kakilala ro'n na pwedeng makakita!
"'Yung kay Arch? Anong i-e-explain ko ro'n? Kung ba't siya mukhang unggoy?" nagbiro pa 'ko pero hindi manlang nagbago 'yung mukha niya. "Gago. Ba't galit? Wala naman tayong kakila ro'n kanina. Walang nakakita."
He looked away. "Alright. Pumasok ka na."
"Gulo mo," umirap ako sa kanya. Nakaka-intimidate ang mukha niya pero tangina ang gulo naman nga kasi niya. Pucha. Na-gu-guilty ako kahit wala naman talaga!
"Ako pa..." bulong niya. Gigil akong bumaling, iniisip kung anong pinaglalaban niya!
"Anong sabi mo?"
He looked away again and leaned back. And binalik ulit niya 'yung tingin niya sa 'kin, hinawakan pa niya 'yung manibela ng kotse.
"I'm not mad. Are we okay?" He suddenly used a gentler voice.
O, tingan n'yo! Tingnan n'yo. Sinong magulo sa 'min ngayon? "Of course! Anong klaseng tanong 'yan, e, ikaw 'yang tunog galit? Sinong mas magulo sa 'tin ngayon?" Pambabara ko.
"Alright..." he said, sounding defeated or something, at hindi manlang pinansin 'yung sinabi ko! Tangina mas magulo ka pa sa buong pagkatao ko, Gabriel! Bumaba na 'ko ng kotse niya.
"Good night," sabi ko nang makababa na ng kotse.
Malayo ang tingin niya at hindi na 'ko pinansin. Ngumiwi ako sa kanya kahit hindi niya na 'yon makikita. Nag-drive na siya paalis. Pinakyuhan ko pa ang kotse niya nang medyo malayo na sa 'min. Pumasok na 'ko sa gate ng bahay namin hanggang sa makapasok na rin ako sa bahay. Nakita ko si Mama na naghahanda ng dinner. She asked me how's school and all bago pa 'ko umakyat para magbihis. We had dinner and all. I'm that tired not to even want to sum it all up. Basta agad ding akong bumalik sa kwarto ko para makapagpahinga.
My phone vibrated.
Gabriel:
Something came up. I'm sorry. I can't fetch you tomorrow.
"I hate you." I murmured. Kainis, puta naman, ba't parang nanghinayang pa 'ko ro'n? Na-do-down ako. Nag-vibrate ulit ang phone ko pero hindi na galing kay Gabriel ang notification na 'yon.
Jessica Alfrache: Sabay mo ko bukas ehem pasabi kay Gabriel daanan ako ha 😗 sira sasakyan
Lumaylay ang balikat ko at inignora sandali ang text ni Jaycee. Ano ba 'yan. Ilang saglit lang din, nagreply na lang din ako.
BINABASA MO ANG
As You Lie Awake
Romancecurrently editing. not advisable to read for now because you might be conflicted of certain scenes.