@alfrachejc: Hapi 2nd motmot sa inyeoh ni fafa ghab 🥰🥰
@shairaclrss: think yo mhie 😘
Napaangat ako ng tingin nang may magsalita.
"Tapos ka na ba d'yan, Shaira?" Itinago ko ang cellphone. Bumalik ako sa pag-me-make up. Bumukas ang pinto kaya kunwari napalingon pa ako ro'n.
"Medyo tapos na po," sagot ko. Nilapitan ako ni Mama at pinatayo.
"Ganda-ganda naman ng anak ko..." she teased me.
Pinagpagan niya pa ang suot suot kong dress. Actually, I'm wearing a brown sleeveless cowl bodycon dress. Nakalimutan ko na 'yung theme ng party pero eto 'yung ni recommend ni Jaycee na suotin ko. Ganito rin daw kasi 'yung sa kanya so most probably, mamaya, we'll be twinning.
"Picture muna tayo bago ka umalis!" Sabi niya.
Kinuha niya ang phone niya tapos nag-picture kaming dalawa. 10 AM pa lang ng umaga. Nag-pa-late pa nga siya sa trabaho niya, e. Sinasama na rin niya ako sa mga ganitong party sa kanila pero iba pa rin 'yung pupunta ako sa party na ang kasama, si Gabriel. Naka-half pony tail lang ako na parang eleganteng tingnan kasi may mga sadyang takas na buhok. Ngumiti ako sa repleksyon ko sa salamin.
"Ingat po, Ma. Antaying ko na lang po si Gabriel. Susunduin niya po ako..." sabi ko kay Mama sabay halik sa pisngi.
Hanggang sa nasa labas na si Gabriel. Actually pala ulit, mamaya pang 4 PM 'yung start ng party nila. Mag-de-date yata kami ngayong umaga.
"Good morning, pretty," bati niya sa 'kin. He's in his grey suit. Gusto kong umirap.
"'Di kita i-co-compliment back 'no. Saan na tayo?" Kunwaring balewala ko sa kanya. But to be honest, lahat ng parte niya, nagsusumigaw ng karangyaan! Dude, ang gwapo. Mukha. Katawan. Suot. Lahat na. Edi ikaw na, Gabriel!
"You look stunning, really..." itinuloy pa rin niya.
"Siyempre, babe, ako na 'to, e," pagyayabang ko.
He chuckled a bit. Ni-lock ko na ang bahay. May dala lang ako maliit na purse. Wala naman talaga kasi akong dinadala kapag lalabas. Cellphone lang ang laman no'n saka lip balm. Panigurado, may dala si Jaycee na make up kit kaya ayos lang ako na walang dalang kahit ano. Sumakay na kami sa kotse. Akala ko doon ulit kami sa dati naming pinupuntahan pero nag-dire-diretso siya.
"Saan?" Tanong ko.
Nag-kibit balikat siya tapos ngumisi.
"Hoy, kuya, baka kidnap 'to, ah! Ibaba mo na 'ko! Sabi na, may something sa tingin mo sa 'kin kanina!" I joked. He barked a laugh.
"Well, you're not a kid anymore." Pambabara niya.
"Alangang adultnap? Tanga." Pambabara ko rin.
Natatawa na lang siyang umiling, hindi na 'ko pinatulan. Bumalik ang tingin ko sa daanan. Saan ba talaga kami pupunta? Pero sa mga dinadaanan namin, parang alam ko na kung saan. "Tagaytay!" Sabi ko nang doon siya lumiko sa papuntang Tagaytay. Nilingunan niya lang ulit ako at nagkibit balikat. Hanggang sa nag-park na siya sa may picnic groove. Grabe, ang mahal nung singil. Pero sino pa nga ba 'tong kasama ko? Gabriel Vargas lang naman. Binayaran niya 'yung singil sa parking ng walang tawad tawad. 'Yan siguro difference namin!
BINABASA MO ANG
As You Lie Awake
Romancecurrently editing. not advisable to read for now because you might be conflicted of certain scenes.