18

48 7 2
                                    

"I'm sorry about my father." bungad ni Gabriel sa 'kin nang makapasok na kami sa kotse niya.





Nagkibit balikat ako. Okay na 'yon, nabara ko naman siya, somehow! Umayos ako ng upo at nilagay sa hita ko 'yung bag ko. Binuksan na rin niya ang aircon at pinaandar na ang sasakyan.





"Go lang." sabi ko.





He arched a brow, naninimbang yata if totoo. Well, hindi ayos pero 'pag ba sinabi ko sa kanya, may magbabago. Wala din naman. I also arched a brow at him. Tuloy lang 'yung tinginan namin hanggang sa sabay kaming tumawa. He looked even better when he laughed! And know what? He has dimples! It's like a cat whisker! Sa may pisngi niya. How cute. It felt comfortable. Umandar na nang tuluyan 'yung sasakyan niya.





"What did you say to Raf, though?" He suddenly asked.





I shrugged again. I mean, oo, may sinabi ako pero 'di ko na masyado matandaan. Medyo marami kaming napag-usapan ni kumpareng Rafael pero nonsense lang naman kaya 'yon. Saka, 'di ko na matandaan halos lahat! Swear. Sumulyap ako kay Gabriel. Nakatingin din pala siya sa 'kin.





"He likes you. I heard it." Giit niya.





Nagkibit balikat ulit ako. Anong bago? Eme, pero kasi bata lang naman 'yon!





"Huh, bakit? Tingin mo lalandiin ko si Rafael? Tanga ka ba?" bulong nalang 'yung mura ko. Si Gabriel naman ngayon 'yung nagkibit balikat. Tumingin ulit ako sa kaniya at tinitigan siya ng masama. Galing mo, ha! Ibig sabihin 'yun nga 'yung pinapalabas niya? Kasi nag-shrug siya, e! Nagngitngit ako sa galit, "Hoy, Gabriel!"





"What?" Natatawa na siya.





Natatawa pa siya? Gilitan kita ng leeg d'yan, e! One dot, gigilitan ko siya ng leeg! Hindi na lang ako nagsalita. Baka maubos ang mura sa mundo oras na magsalita pa 'ko rito, e! Bwisit na 'to. Wala ng nagsalita sa 'min pagkatapos no'n. Hanggang sa makarating kami sa bahay. Bumaba agad ako sa kotse tapos dumiretso na sa may gate. Naramdaman kong nakasunod siya sa 'kin.





"Okay, I'm sorry, it's a joke!" He said, still hiding the smile he has back in the car!





"K, ingat." Walang ganang sabi ko kasi totoo namang wala 'kong gana. Nakakainis kasi para akong nagtatampo, tangina! Bro, cringe!





"I'm just kidding!" He chuckled once again.





Tangina, man! Ganito dapat mga mukha ng mga lalaki sa school para ginagahan ako, e! Pero, okay, duh? "Sige na. Bwisit." sabi ko. Kasi wala naman akong pake talaga. Kadiri pa kasi mukha 'kong may hinaing. Leche. Mukhang tanga lang!





"You look..." aniya, na parang magrarason pa para pagtakpan 'yung pinalalabas niya kanina. "Proper...?"





Sinapak ko na ulit siya dahil talagang patanong pa 'yon! Lakas ding mang-asar! Tangina e sabing wala nga 'kong pakealam!





"Alis!" Pagtaboy ko.





He still has his smile but he managed to speak.





"Thank you for today, love. Good night." Aniya. Nakakabwisit talaga! Hindi bagay sa kanyang tumawa tapos biglang parang seryoso! Marunong na rin siyang mang-asar, ha?





"You're not welcome. G'night," 'yun na lang ang sinagot ko.





He shrugged at me but it looks like he's still having fun. Dude, what the fuck is wrong with you? Bumalik na siya sa kotse niyang nasa kabila ng kalsada at pinaandar na 'yon. Bumusina pa siya bago tuluyang umalis. Medyo kumaway lang ako. Papasok na lang sana ako ng makita ko si Mama sa likod ko! "Ay tanga!" Napasabi ako.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon