"Ah! Tapos na rin!" My block mates exclaimed.
Halos lahat ng mga kaklase kong nag-te-take ng final exams for the semester, tuwang-tuwa dahil tapos na rin kami. Of course I was motivated! 'Di ko lang talaga sure if makakapasa. Kinakabahan nga 'ko, e. Pero oks lang, wala ring use kung mag-overthink ako. I can't fail my professors and my Mom. Lalo na bago pa lang akong dean's lister. Sakit naman kung mawala agad.
Alas dos 'yon natapos. Nag-usap kami ni Jaycee na magkikita sa cafeteria. Nagyaya pa nga sila Brixen na mag-iinom kaso umayaw ako. Saka these past days, 'di na 'ko gaano nakakasama sa mga inuman. Puro lang date namin ni Gabriel tapos studies. Wow, ako na talaga! Parang ang buti-buti ko. Kayang-kaya ko kumanta ng songs sa simbahan, straight!
Naalala ko tuloy na malapit na ang Pasko. November ang finals namin. Christmas break na 'yon tapos panibagong semester. Oh! Last ko na pala 'yon. Magiging professional Chef na ako pagkatapos. Papatayo ako ng restaurant dito sa Pilipinas! Still, kung papalarin. I actually thought of naming my restaurant back when I decided taking this course kahit hindi sigurado. Villa Guerrero.
"Shaira!" Napatingin naman ako kay Jaycee na hingal sa 'kin pagkalapit.
"Ayoko na. Puta! Kabang-kaba 'ko," Hinawakan niya 'yung magkabilang balikat ko tapos niyugyog. "Paano kapag 'di ako nakapasa? Ayaw kong umulit!"
"Tanga, hindi 'yan. Napaka-nega mo." Sabi ko, "Ikaw kasi dean's lister!" Sabi naman niya.
"Doble nga pressure, e! Feeling ko 'di ako makakapasa kaya 'wag na natin pag-usapan, okay?" Sabi ko nalang. I just decided that we should go to Mcdo or some fast food resto to loosen up or something.
"Sige. Pero susunduin ako ni Arch mamaya." Sabi niya.
"Wow, ha. Buhay may jowa." Pang-aasar ko.
"Wow ka rin. Nahiya ako sa naglaplapan no'ng game ni Arch! Bitch, gulat na gulat ako. Moment ko 'yun, e! Sinagot ko si Arch tapos naiiyak ako, pagtingin ko sa gilid may nagchuchukchakan? Tang ina rin!" Tinakpan ko ang bibig niya dahil ang lakas ng boses.
That's just it and nag-taxi kami papuntang Mcdo. Sasabihin ko nalang kay Gabriel para alam niya kung kailan ako susunduin. Sabi ko nga ro'n 'wag na 'kong sunduin ng sunduin, e. Hatid sundo nalang ako. Nakakatipid ako pero nakakahiya na rin kay Gabriel. Legit! But then I can only imagine Gabriel smirking and raising his brows, questioning if may hiya ba talaga ako. Then I will say, oo meron pa 'ko no'n.
"Dalawa rin pong Mcfloat?" Tanong no'ng cashier.
"Oo." Sagot ko.
Naisip ko tuloy ulit 'yung trabaho ko nga pala! Sabi ko, magtatrabaho ako sa starbucks! Sa loob 'yon ng SM, e. Matawagan nga ulit 'yung nag offer nung trabaho. Anyway, dami ko na ngang ipon kasi hindi na 'ko nag-co-commute.
"Eto na order, madam." Pag-arte ko.
"Aba, puta, pwede na!" Aniya, natatawa.
Napaisip tuloy ako sa impression ko sa kanya no'ng una. To be honest, no'ng una rin naming pag-me-meet, kilala ko na siya na anak ng may-ari ng isang company. I know it's an Engineering Company but she said she doesn't want to be an Engineer. Nagtaka rin ako kung bakit ganyan siya ka-blunt magsalita pero kapag may i-me-meet up siya na mga bisita or investors nila, hindi siya ganyan. It's like having a duality as a person.
BINABASA MO ANG
As You Lie Awake
Romancecurrently editing. not advisable to read for now because you might be conflicted of certain scenes.