13

41 8 0
                                    

"Bro, I can't fucking believe it," I whispered all by myself.





That's the very least thing I expected! Kasi hello, si Gabriel 'yon! Hindi naman niya alam na nirereto ako kaya bakit siya pumayag? Nanlaki ang mata ko sa isa pang posibleng rason. Don't tell me gusto niya ako? I mean, ano pa bang pwedeng dahilan, 'di ba? At saglit nga, ang assuming ko, e 'di ba nga gano'n turing niya sa 'kin? 'Di ba si Jaycee nga ang gusto niyang replyan? Pero ang tanong dito, bakit siya um-oo noong tinanong siya ni Tita Emerald kung kami?! 'Yon ang kwento sa 'kin ni Mama kagabi.





"Tinanong naman daw ni Emerald si Gabriel, noong una nga medyo nagulat pa raw si Gabriel. Siguro dahil nalaman ko. Emerald bugged him about it then in the end he said it's true. Na kayo raw." I can still clearly hear Mama's voice.





Well, okay, he's probably shocked because he didn't expected me to say that he's my boyfriend. 'Yon ang rason at hindi dahil biglaang nalaman ni Mama! Pero 'yung sa part na umamin siya?! Na totoo raw! Hindi ko maintindihan. Dapat magpasalamat ako, oo, pero bakit siya umoo, gago ba siya?!





So the two reason is: Baka alam niya na inirereto sa 'kin si Ralph (which is impossible, dahil hindi ko naman sinabi sa kanya 'yon) At bakit ko naman sasabihin? 'Di kami gano'n ka close! Pangalawa, gusto niya nga 'ko. Come to think of it, Shaira. Sumimsim muna ako sa orange juice na hawak ko.





At kailan pa naging masarap ang juice dito sa canteen? Hindi ko alam!





Think, Shaira! Gago ka, delikado ka! Magkarelasyon kayo ngayon ni Gabriel sa mata ni Mama at Tita Emerald! Which is... yuck, of course. Feeling ko nga masusuka ako, e!





"Shaira!" Tinapunan ko ng tingin si Jaycee na kakalapit lang sa mesa.





Nakasimangot siya sa 'kin. Kaka-start pa lang ng lunch at kadarating pa lang din niya. 'Di ko pa siya nakakausap mula kagabi. Ang daming nangyari, e! "Ni hindi mo ako ni-re-reply-an kagabi, gago ka! Siguro titig na titig ka sa wallpaper mo!" Pang-aasar niya nang makalapit.





Kung hindi sana niya ginawang wallpaper ang picture ko at ni Gabriel, hindi 'to mangyayari, 'di ba? Pero kung hindi rin dahil do'n, baka ang picture namin ni Ralph ang magiging wallpaper ko sa mga susunod na araw dahil ipinagkakasundo kami! Kahit ganito ako, I'm such a people pleaser! I could never say no to my mother or her close friends! I sighed. I definitely don't have any choice!





"Luh. Buntong hininga with a smile? Anong nilaklak mo?" Tanong ni Jaycee.





I shook my head. Nakaupo na siya sa harapan ko. "So there's this guy," panimula ko.





"Ay, jusmeyo. Ang bungad sa 'kin rant." Reklamo niya.





"Ralph, my childhood friend. At ang pangit ng ugali niya. Tapos pinagkakasundo kami," pagkwento ko. Tumango siya.





"Pogi?"





Sinimangutan ko siya. "Hindi 'yan ang pino-problema ko. Pwede ba? Sapakin kita, e!"





"Grabe naman 'to, sobrang bad mood. Oo na, sige na, go!" Sabi niya. Nagsalita ulit ako. Nilahad ko lahat kay Jaycee 'yung nangyari. Buo at kumpleto ang kwento ko kaya nagulat pa siya at nag-sorry.





"Hala! Gago! I didn't know! If I just... 'di ko na sana nilagay 'yon sa wall—" tinigil ko ang pagpapaliwanag niya.





"Okay lang din. Kung wala 'yon, baka si Ralph pa ang naging wallpaper ko kung sakali," pagrarason ko. Tumango siya pero bakas pa rin ang pagka dismaya sa sarili. "Still, sorry... Oh! But wait... anong sinabi ni Gabriel?" She suddenly asked.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon