07

99 13 1
                                    

8 AM kami nakarating sa Los Baños. Hindi pa 'ko bumababa ng bus, kita ko nang maganda nga 'yung place. Plus the fact that Ber months na... I guess this will serve as my rest day.





"Wake up, kids!" nanguna na ako sa pag-gigising sa mga bata.





Si Jaycee na suot-suot 'yung jacket na dinala ko dahil true enough, 'di siya nakapag-dala ng kanya, tulog pa rin. Partida, tulog din siya no'ng hinatid siya ng driver niya sa church. Sabagay, si pre-law student. 'Di ko tuloy alam kung maaawa ako o tatakpan ko ng bag 'yung mukha eh para 'di na makahinga.




Hinipan ko ang tainga niya para gumising siya. I laughed after because she moved sensitively, hinampas pa ako nang mamataan.





"Lord, gusto ko naman pong maging mabait, eh," ani Jaycee at naalimpungatan. Tumawa ako lalo sa sinabi niya. Tinulak niya ako at humarap sa window para matulog ulit! "Lagi na lang sinusubok!" pag-rereklamo niya bago nanahimik at natulog ulit.





Hinayaan ko na lang siya ro'n. Sige na, kawawa naman siya.  Bumaba na muna ako ng bus para mag-wander around. The wind blew and it felt so nice. Though it may sound corny, I can smell Christmas. Hinigpitan ko ang jacket ko dahil sa lamig. I was only wearing an oversized t-shirt that I painted and sweatpants. Hindi rin naman pansin dahil sa malaking leather jacket ko. My hair's in a bun now.





Syempre dahil nagmana 'ko kay Jaycee sa pagiging papansin, naki-gising na rin ako sa third bus. Wala rin namang magawa. Ang lakas pa ng boses ko.





"Guys, wake up! Dito na tayo!" sabi ko. Nasulyapan ko pa si kuya Marco at si Harvey din na nasa second bus, katabi lang nitong sinakyan ko. My brows creased and I knew immediately that this is Gabriel's bus.




Umikot ang tingin ko sa paligid. Wala naman! Nakababa na kaya 'yon?




Nagpasya akong bumaba rin tuloy para matingnan. Nawala ang kunot sa noo kong nang makita si Gabriel sa likod ng driver's seat! Nandito pala! Nakaligtaan ko pa dahil nakakumot siya ng jacket!





I made a face while looking at him. Lord, sayang, ang pogi talaga niya. Ang sama lang talaga ng ugali. Besides, may iba naman siyang gusto! Tingin niya pa sa 'kin, sobrang landi! Lord, aminado naman po ako pero grabe naman, 'di ba?!




"Gising, huy," tinapik ko si Gabriel.




Agad niyang inalis 'yung jacket na nakakumot sa kanya at napatingin sa 'kin, nakapikit pa halos ang mata. I couldn't suppress my laugh! Bagong gising na bagong gising ang atake.




"What?" masungit pa agad!




"Watawat, hijo, nandito na tayo! You didn't even wake the kids up, eh, responsible ka rito," sabi ko, inaasar siya.




Napabalikwas siya at sumilip sa likod kung sa'n nag-re-ready na 'yung mga bata.





"Ginawa ko na." sabi ko.




He looked at me snobbishly and got his backpack. Nakangisi ako sa kanya.




"You didn't have to do that but thanks." sabi niya naman. Ang arte, ah?! Nauna siyang bumaba at nakangisi lang akong sinundan siya ng tingin.




I didn't mind it. Nagkumpulan na sa gitna ng field nang matapos. Magsasagawa kasi ng prayer tapos sasabihin na ang mga activities. I have a copy though. Pastor gave his opening remarks, holding a mic. Nasa unahan ako at nakatingin sa mga batang nakikinig nang mapansin ko si Jaycee na papunta na rin sa 'min.





As You Lie AwakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon