Chapter Three

18.8K 732 24
                                    

Chapter Three



Home



Pagkatapos kumain ay umalis na kami ni Tisoy para mangisda. Maliit na bangka ang gamit namin. Mukhang kalmado naman ang dagat.

Takot ako dati sa dagat. Ito kasi ang naghiwalay sa amin ng... kuya ko. But I learned to let go of my fears and moved on. Dad told me na walang mangyayari sa akin kung paiiralin ko ang takot. He also said that if I wanted to be a lawyer, dapat matapang ako. Way siguro niya iyon para matulungan ako.

And I helped myself, too, with the trauma the unfortunate incident caused me. Naawa rin ako kay Dad. Paano pa siya tatayo nang maayos kung pareho kami ni Mommy ng kalagayan? Kaya mas pinili kong maging matapang para sa kanila. I loved them so much as much as I loved my brother. And I blamed myself for what happened to him that day.

"Ayos ka lang ba?"

I turned to Tisoy who looked worried. I gave him a smile. Nasa gitna na kami ng dagat.

Natuwa ako nang marami-rami rin kaming nahuli pagkalipas ng ilang minuto. O baka sa akin lang dahil hindi ko pa alam kung gaano karami talaga ang "marami" sa kanila kapag ganitong nangingisda sila.

"What will you do to these fishes, Tisoy?" I asked.

"Pang-ulam. Puwede ring ibenta ang iba."

I nodded and smiled. I turned to the sea. Maganda ang panahon at kahit mataas na nga ang sikat ng araw ay hindi ko masyadong ininda iyon.

"Puwede bang maligo rito?" baling ko uli kay Tisoy.

Sandali siyang napatingin sa akin bago unti-unting tumango.

Malapad akong ngumiti at tumayo sa bangka. Halos alalayan niya ako but I just smiled at him. Mabilis kong hinubad ang beach dress ko revealing my nice pair of bikini. Pagkatapos ay walang pagdadalawang-isip na tumalon ako sa dagat at dinama ng balat ko ang masarap na tubig.

Nang umahon ay kumaway ako kay Tisoy. Hindi naman ako gaanong napalayo sa bangka kung saan siya nanatili.

Tumayo na rin siya at naghubad ng shirt mayamaya. Hindi ako nag-iwas ng tingin at tiningnan ang maganda niyang katawan. Agad siyang tumalon sa tubig.

Lumangoy ako nang isang beses at pag-ahon ay ang siyang pag-ahon din niya. Nagtagpo ang mga mata namin. And I couldn't stand the intensity of his stare. Ganoon lang siguro siya tumitig o hindi ko lang talaga kayang tagalan iyon?

"Ang ganda rito..." Tumingin ako sa paligid. "Dito ka lumaki sa lugar na 'to?" baling kong muli sa kanya.

He nodded. "Simple lang ang pamumuhay ng mga tao rito. Pangingisda ang pangunahing hanapbuhay."

Umakyat kaming muli sa bangka at bumalik na sa bahay nila. Nakilala ko rin ang nakababatang kapatid ni Tisoy na si Era na naabutan namin doon. She was turning eighteen. Kumain pa uli muna kami ni Tisoy ng dinner bago umalis pabalik ng Villa Martinez.

Pagdating sa isla ay naroon na ang sundo ko na maghahatid sa akin pabalik ng mansiyon.

Pero nakatayo lang kami doon ni Tisoy at nakatingin sa isa't isa.

At may pagdadalawang-isip man ay hinalikan ko siya sa pisngi na ikinabigla niya. "Bye!"

Hindi pa rin siya halos makakilos sa kinatatayuan so I took that opportunity to escape. Nang nasa loob na ako ng sasakyan ay saka ko lang halos naramdaman ang hiya.

Bakit ko nga ba siya hinalikan? To thank him? Iyon ang thank you ko? Well, for bringing me with him at their place and I really had fun fishing with him and got to know his family for a while.

The next day ay hindi ko na naman naabutan si Alecx. Mukhang may sarili na silang mundo ni Ryder. Nalaman kong mas gusto ni Ryder ang rancho kaysa sa beach. At sumasama naman sa kanya ang kaibigan ko.

Bumalik ako sa resort kasama sina Kaz at Myrrh. Naligo kaming muli sa dagat. And then the two did scuba diving after. Nagpaiwan naman ako sa restaurant.

Napangiti ako nang makita si Russel na mukhang ginugulo na naman iyong babaeng nakikita kong kasama ni Tisoy noon. Mukhang inis din kay Russel iyong babae na abala sa paglilinis ng mga mesa. Pero hindi siya tinitigilan ni Russel.

Kumaway sa akin si Russel nang makita ako sa isang mesa sa dulo at kumakain ng meryenda. Bahagya rin akong kumaway sa kanya. Nag-angat ng tingin kay Russel iyong babae at mukhang sumimangot. Agad namang ibinaba ni Russel ang kamay.

Napangiti ako. They looked like a cute couple.

Naalala ko iyong hula kong pustahan nina Russel at Kaz. Isang beses ay nakita ko sila na mukhang nagtatalo. Hindi ko alam kung ano ang pinagtatalunan nila. Hindi na lang din ako nakinig because I think it wasn't right to eavesdrop, lalo at mukhang pribado ang pinag-uusapan nila. Hinayaan ko na lang at mukhang okay naman na silang magkaibigan ngayon... I guess.

Nang makita ko si Tisoy ay agad akong tumayo at naglakad palayo ng restaurant dahil naalala ko iyong paghalik ko sa kanya. But it was too late dahil nakita na rin niya ako at tinawag ang pangalan ko. Ngumiti na lang ako sa kanya at naglakad uli palapit.

Nawala rin naman ang awkwardness ko nang mag-usap na kami. Muli akong naging komportable sa kanya. Ganoon kabilis. Komportable lang talaga ako sa kanya. Minsan lang, hindi ko pa rin maiwasang mailang.

Minsan lang naman. Siguro dahil crush ko pa rin siya...

Nang malapit nang mag-dinner at dumagsa na ang mga kakain sa seafood restaurant. Wala naman akong ginagawa kaya tumulong na ako sa pagkuha ng mga order ng mga guest at pagse-serve na rin. Pamilyar na rin naman ako sa menu nila dahil dito kami laging kumakain. Kilala rin ako ng manager doon bilang personal na bisita ni Tita Elsa kaya hinayaan na lang nila ako.

"Hindi mo na 'to kailangang gawin—"

"It's okay, Tisoy. Wala rin naman akong ginagawa," I cut him off.

"Ito sina Jewel at Sha," Tisoy introduced the girls to me nang nasa kitchen kami.

I smiled at them. Jewel pala ang pangalan niya. Siya iyong kinukulit ni Russel. "Hi!"

Sa sumunod na araw ay sumama akong muli kay Tisoy papunta sa bahay nila. May dalawang rest day siya every week. I admired Tita Elsa for being kind to her employees. Masaya rin sina Tisoy sa trabaho nila sa resort.

Naglahad muli ng kamay sa akin si Tisoy nang pababa kami ng bangka na naghatid sa amin. Humawak ako sa kanya at medyo nawalan ako ng balanse kaya napasubsob ako sa kanya. Maagap naman niya akong nasalo.

"Sorry." I bit my lower lip. Pagkatapos ay umayos na rin.

Nang malapit na kami sa bahay nila ay nakita ko si Era na nagwawalis-walis sa bakuran. Agad siyang tumigil sa ginagawa at kumaway sa amin. I smiled and waved back.

May dala akong ilang damit para kay Era. Nasabi kasi niya na maganda iyong damit na suot ko noong unang punta ko rito. Gusto rin daw niyang magsuot ng ganoon. At dahil marami naman akong dalang damit at hindi pa nagagamit ang iba ay ibinigay ko na lang sa kanya. Kasya naman siguro ang mga ito sa kanya dahil mukhang magkasingkatawan kami.

"Ate! Kuya!" salubong sa amin ni Era.

"Hi, Era!" masigla kong bati. Ibinigay ko na sa kanya iyong paper bag na dala ko. And she looked happy. Lalo na nang makita niya ang mga laman niyon.

"Magpasalamat ka," sabi ni Tisoy sa kapatid.

"Thank you, Ate!" Era hugged me.

I smiled and hugged her, too.

Doon ako nananghalian sa kanila. Nakauwi ang tatay nina Tisoy para saluhan kami.

Tisoy grilled some fish and I tried to help him kahit pa sinaway ako ng nanay niya at magpahinga na lang daw ako sa loob ng bahay.

Pagkatapos ay nananghalian na rin kami. Mabait ang nanay at tatay ni Tisoy na palabiro din. He even teased his son in front of me. Obvious tuloy ang pamumula ni Tisoy at nahihiya sa panunukso ng tatay niya.

He's so cute!

I was just smiling. Komportable na rin sa pamilya niya.

It felt like home... And I missed it.

Villa Martinez Series #1: If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon