Chapter Nineteen
Sorry
Pagkatapos ng trabaho ay nagkayayaan sa isang club dahil birthday ni Atty. Valencia. Hindi na ako nakatanggi. Minsan lang din naman ito.
Umuwi muna ako sa condo para patulugin si Toffie dahil nahihirapan talaga siyang makatulog kapag wala ako. Nagpalit na rin ako at nag-ayos.
When I arrived at the bar ay naabutan kong nag-iinuman na sila at ang iba ay nasa dance floor na. I greeted Atty. Valencia who was already drunk. I think I heard her saying before that she would get drunk easily. Naroon din naman ang asawa niya.
Hinila ako ni Atty. Morada papunta sa dance floor at naiwan na namin ang mag-asawa sa sofa.
"Here's your drink!" Inabutan ako ni Atty. Morada ng alak. "Sige na, Attorney! And then let's dance!"
She looked energetic. She was younger than me. Kung titingnan ay mas mukha pa siyang supermodel kaysa attorney. But she was doing well in our field.
Ininom ko ang ibinigay niyang inumin. Hinintay niyang maubos ko iyon. Pagkatapos ay ibinigay ko na sa dumaang waiter ang baso. And then I started dancing and laughing with Atty. Morada. Hindi naman talaga ako mahilig sa mga ganito pero okay na rin minsan.
Kumuha pa si Atty. Morada ng dalawang panibagong drinks para sa amin at uminom muli ako. Nakikita kong nalalasing na siya.
Hanggang sa may sumasayaw nang lalaki sa likuran niya. Nilingon niya iyon and she assured me that she knew the man. Lasing na siya kaya nag-aalala ako.
They started dancing. Atty. Morada was smiling at the man habang panay naman ang pag-alalay nito sa kanya para hindi siya matumba. Kaya hinayaan ko na sila.
Umatras ako at nabangga sa taong nasa likuran ko. Nang lingunin iyon ay nakita kong si Atty. Castillano.
"Attorney." Nagngitian kami.
"Nando'n sina Attorney Mendoza." Sinubukan pa niyang ituro ang isang parte ng dance floor. "Kakarating mo lang, Attorney?" he asked.
I nodded. "Oo, pinatulog ko pa si Toffie."
Ngumiti siya. "Nakaka-miss din ang anak mo, Attorney," he smilingly said.
Halos nagsisigawan kami at lumalapit sa isa't isa para magkarinigan dahil sa malakas na music sa lugar.
Bahagya na lang din kaming sumasayaw dahil nadadala na rin sa mga nagsasayawan sa dance floor. Natawa na lang ako. Tumawa rin si Atty. Castillano.
"Ang ganda mo, Attorney," he suddenly said. Natigilan ako. Natigilan din sa pagsasayaw. Mukha siyang nakainom na rin. Sabay lang sila nina Atty. Valencia na pumunta rito sa bar. Ako lang yata ang umuwi muna sa amin.
"Attorney..."
"Medyo nakainom lang ako, Attorney, pero hindi pa naman ako lasing. Ang totoo ay matagal na talaga kitang crush," tuloy-tuloy niyang sabi.
Gulat pa rin ako. Mukhang hindi pa naman siya lasing pero dahil siguro sa impluwensiya ng alak ay nagkalakas-loob siya ngayong magsabi sa akin.
"Attorney." I didn't know what to say. Hindi ko rin alam kung naririnig ba niya ako dahil sobrang hina ng boses ko.
May braso na biglang pumulupot sa baywang ko. Agad ko iyong nilingon at nakita si Kristoff. Basta na lang niya akong hinila palayo kay Atty. Castillano.
"Attorney Navarro—"
He held me close. Hindi niya ako binibitawan. Nakaramdam din ako ng bahagyang pagkahilo. Naapektuhan na rin siguro ako ng alak na ininom kanina. Minsan lang ako uminom kaya siguro madali lang din akong nalalasing.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #1: If Our Love Is Wrong
RomancePublished by KPub Book Publishing in 2023 (second printing). First published in 2021. --- Tired from understanding her mother, Andrea went to an island resort to take a break. She met the annoyingly gorgeous, one of the resort staff, Tisoy, at Villa...