Chapter Twelve

16.9K 618 21
                                    

Chapter Twelve



Lost



Tahimik kong pinagmamasdan si Tisoy habang natutulog siya. Inangat ko ang isang kamay para marahang mahawakan ang kanyang mukha. Pinasadahan ko ng haplos mula sa may kakapalan niyang mga kilay pababa sa mga mata niya. His long lashes matched his deep eyes. Ang matangos niyang ilong, his reddish lips, down to his jaw...

Maingat kong inalis ang pagkakayakap ng mabigat niyang braso sa dibdib ko. I was careful not to wake him up. Walang ingay na bumangon at umalis ako ng kama.

Madilim pa nang lumabas ako ng villa at umalis ng isla. Pinuntahan ko ang address na ibinigay sa akin ni Manang.

Nang makarating doon ay pinagbuksan ako ng isang babae.

"Sino sila? Ano'ng kailangan nila?"

"Uh, dito po ba nakatira si Chona—"

"Chona? Kapatid ko iyon. Nakababatang kapatid niya ako. Bakit?"

I looked at her. Ibig sabihin, tita ko siya. Wala akong nakilalang tita o tito na kapatid nina Mommy habang lumalaki ako. Pareho kasi silang only child ni Daddy. Sina Tito Rome at Tita Joy na siguro ang pinakamalapit nilang kamag-anak.

"Ang sabi po kasi sa akin, dito siya nakatira."

Umiling siya. "Bahay 'to ng mga magulang namin at pareho na silang patay. Ako na lang ang nakatira dito kasama ang asawa at mga anak ko. Hindi na rito nakatira ang Ate Chona."

"Uh..."

May ibinigay siyang address sa akin at doon daw nakatira ang hinahanap ko. Umalis na ako at iyong address na ibinigay niya ang pinuntahan ko.

"Tao po!" Hindi naman ito ganoon kalayo sa nauna kong pinuntahan. Ibang barangay lang.

Pinagbuksan ako ng isang matangkad at payat na babae. Nagkatinginan kami. She aged, pero kamukhang-kamukha niya iyong babae sa picture na dala ko rin.

"Ako po si Andrea..."

Pinapasok niya ako sa bahay nila at pinaupo sa maliit na sofa sa sala. May naabutan din akong batang babae doon. She was looking at me. I gave her a small smile. Ngumiti rin siya sa akin.

"Ito ang bunso ko. May dalawa pa siyang nakatatandang kapatid. Ang ate at kuya niya ay nasa eskuwela pa. Siya naman, hindi ko muna pinapasok at medyo may lagnat." Bumaling siya sa bata. "Pasok ka muna sa kuwarto?"

Tumango ang bata at nagpaalam sandali. Naiwan kaming dalawa sa maliit na sala.

"Si Manang Helen ang nagpapunta sa 'yo," she said calmly.

I nodded.

She sighed. "Bakit ka pa umalis sa mga Navarro? Nangako sila sa akin na hindi ka nila pababayaan. At alam kong maganda ang buhay mo doon."

"Bakit n'yo po ako ipinamigay?" I said, looking at her. I had so many questions. At gusto kong masagot ang mga iyon. Dahil kapag hindi, pakiramdam ko ay tuluyan na akong maliligaw sa mundong ito. Pakiramdam ko, bigla akong nawalan ng direksiyon.

Nakatingin din siya sa akin. Hindi ko mabasa ang ekspresyon niya. "Bata pa ako noon. Eighteen lang ako nang magbuntis at nanganak ako sa 'yo. Hindi alam sa amin dito sa probinsiya ang nangyari sa akin sa Maynila. Hindi ko alam ang gagawin ko noon pero itinuloy ko pa rin ang pagbubuntis ko sa 'yo. Hindi ko rin naman kayang pumatay ng walang muwang. Ang solusyon ko noon ay ipapaampon na lang kita pagkatapos kong manganak at bago ako umuwi rito." Hindi ako nagsalita. Namumuo ang luha sa mga mata ko. In front of me was my real mother. Pero parang wala lang siyang reaksiyon. Ni hindi niya ako nagawang yakapin ngayong nagkita kami sa unang pagkakataon pagkatapos ng maraming taon. Nakaupo lang siya doon at kaharap ko. Muli siyang bumuntong-hininga. "Bakit ka pa umalis doon? Alam kong mabuting tao sina Ma'am Analia at Sir Christopher. Noon pa nila gustong magkaanak ng babae pero mahirap talagang magbuntis si Ma'am Analia. Ilang beses din siyang nakunan, mabuti nga at naipanganak pa nila si Kristoff. Sila rin ang nagbigay ng pangalan sa 'yo."

Villa Martinez Series #1: If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon