Chapter Ten
Wrong
"How are you and Jude, hija?" nakangiting tanong sa akin ni Mommy habang kumakain kaming apat noong araw na iyon.
Hindi ko maiwasang mapasulyap kay Tisoy na mukhang naghihintay rin sa sagot ko.
"Okay naman po, Mommy..." I wasn't sure what to say. Hindi pa kami nakakapag-usap uli ni Jude. Maybe he was giving me time? I don't know.
"Mabuti naman kung nagkakamabutihan na kayo, hija. Jude is a good person. And he's your Tito Rome's son. Mas mapapanatag kami ng dad mo." Nagkatinginan sila ni Dad at parehong may ngiti sa mga labi.
Sandaling nagtagpo ang mga mata namin ni Tisoy. Ako ang unang nag-iwas ng tingin.
"Ano 'yong sinasabi nina Mom at Dad sa dining kanina?"
Hinawakan ako ni Tisoy sa braso para mapigilan sa pagpasok sa kuwarto ko. Kami lang ang tao sa pasilyo.
"Bitiwan mo ako—"
Pero humigpit lang ang hawak niya sa akin. Lumuwag lang nang makita niya siguro sa mukha ko na medyo nasaktan ako sa hawak niya. He let go of my arm gently.
Umiling ako. "Magpapahinga lang muna ako. Pakisabi na lang kina Mommy, baka hanapin nila ako," sabi ko at pumasok na sa kuwarto.
Natulog na lang ako nang hapong iyon. Pakiramdam ko ay pagod ako nitong mga nakaraan, physically and emotionally.
"Andrea." Agad akong niyakap ni Alecx nang dalawin niya ako sa bahay isang araw. "Ngayon ko lang nalaman. Sorry, I was really busy these past days—"
"It's okay, Alecx," I assured her.
Hindi niya inaalis ang tingin sa akin. I noticed the big ring on her finger. My eyes widened a bit. Magsasalita na sana ako pero naunahan niya.
"Si... Kristoff... si..." Hindi niya halos matuloy ang sasabihin.
Tumango ako at tipid na ngumiti.
Nag-aalala siyang nakatingin sa akin. Muli niya akong niyakap.
It was Jude's birthday when he asked me out. Nabanggit din niya sa akin noong nakaraan na malapit na ang birthday niya. Hindi ko naman matanggihan at sinabihan din ako ni Mommy.
Dinala ako ni Jude sa restaurant na kinainan din namin noon after my interview. We ate and talked. I tried my best to be more responsive to him. Pero kahit siya pa ang kasama ko... ang isip ko ay na kay Tisoy pa rin.
Pinipilit ko na nga lang siguro na maging matapang. Pero sa bawat araw na nakikita ko si Tisoy sa bahay ay nanghihina ako. And I was starting to hate our situation. I hate the fact that he was my brother. Sana hindi na lang siya si Allen Kristoff Navarro. How I wished he remained the Tisoy I knew.
We were happy back in the island. I was so happy with him. Noon ko pa lang naranasang maging ganoon kasaya at kakontento uli pagkatapos ng maraming taon... Sa kanya. He made me feel feelings that I'd never felt before. Sa kanya ko unang natutunang magmahal nang ganoon. We even had plans for the future, together. Pero dahil lang sa nalaman ko, sa isang iglap ay hindi na kami puwede.
Naisip ko na pagmamahal lang siguro para sa kapatid itong nararamdaman ko. Siguro... I don't really know what to think anymore. At bakit din ba nangyari sa akin ang lahat ng ito?
"Andrea?"
I was back from my thoughts. Napakurap ako at pinilit mag-focus kay Jude.
He smiled. "Are you okay? You're... spacing out a little bit."
"I'm sorry, Jude. Uh..."
Umiling siya. "Nah, it's okay. Are you not feeling well? Medyo maputla ka," puna niyang may halong pag-aalala.
Umiling ako. "No, I'm fine. I—"
"Andrea." He sighed. "Napag-isipan mo na ba 'yong sinabi ko last time?"
Slowly, I nodded. It was his birthday at ayaw ko sana siyang bigyan ng sama ng loob pero sana ay maintindihan niya. Pinag-isipan ko rin ito. Kapag pinayagan ko siyang ligawan ako, he would expect from me. At wala akong maipapangako o maibibigay sa kanya. Ayoko lang na masaktan ko pa siya nang husto kapag umoo ako dahil lang mabuti siya sa akin. Mabuti sila ng pamilya niya sa pamilya ko. At gusto rin siya nina Mommy at Daddy para sa akin.
Pero iyong gusto ko... Alam kong hindi ko puwedeng ipilit ang gusto ko pero ayoko ring basta-basta na lang nagpapasya, lalo at hindi talaga ako sigurado.
"Jude... You're a good person... You've been a good friend to me, pero..." Marahan akong umiling.
His shoulders fell.
Bahagya akong napalunok. "I'm sorry, Jude..."
He was still polite enough na ihatid ako sa bahay pagkatapos. He just said his regards to my parents and my brother and then we said good-byes.
"Ginabi ka." Si Tisoy ang sumalubong sa akin pagkapasok ko pa lang sa main door.
Inabot ko sa nag-aabang na kasambahay ang bag ko. Pagkatapos ay iniwan na kami para maunang iakyat iyon sa kuwarto ko.
I looked at Tisoy. Kami lang ang naroon sa sala. Bahagya ko siyang nilampasan at dumeretso ako sa kusina para makainom ng tubig. Wala ring tao doon.
"I had dinner with Jude. Nagpaalam ako kina Mommy," I said as I got myself a glass at nagsalin na ng tubig doon.
"Dinner..." he almost spat the word. "Bakit ka nakikipag-dinner sa ibang lalaki? Hindi pa tayo hiwalay, Andrea—"
"Tisoy!" mahina pero mariin kong saway sa kanya. Nanlalaki ang mga mata. Baka may makarinig sa sinasabi niya.
"Bakit, Andrea? Wala na akong pakialam kung marinig man nila." He advanced towards where I stood.
Bahagya akong napaatras at naramdaman ang kitchen counter sa likuran ko. "Tisoy, stop it," saway ko. Natatakot ako na maabutan at may makakita sa amin na ganito ang ayos.
"Andrea, hindi ko na kaya..." Umangat ang isang kamay niya at idinampi ang palad sa pisngi ko. He held my cheek. Bahagya rin siyang yumuko. Kaunti na lang ang distansiya ng mga mukha namin. Umiling siya. Kita ko ang paghihirap sa kanya na para bang tulad ko ay pinipigilan lang din niya ang sarili.
"Tisoy, please, baka may makakita sa 'tin," pigil ko pa rin sa kanya. Nahihirapan man pero inulit ko sa kanya ang sinabi ko na noon. "Hindi tama 'to. Hindi tayo puwede. Mali ito—"
"If this is wrong, then I don't wanna be right." Bahagyang lumakas na bulong niya. He shook his head. "Hindi ko na kaya. Sinubukan ko naman gaya ng gusto mo—"
"Then try h-harder." My voice shook. Napailing ako. Pero mariin din ang naging iling niya.
"Ayoko na. Ayokong maging tama, Andrea. I can't do this anymore. Please... Mahal mo rin naman ako, 'di ba?"
Nag-init ang mga mata ko dahil sa luha. My heart was aching so badly. Tumango ako kasabay ng pagpatak ng luha ko.
Maagap niya iyong pinunasan. Using his thumb, he wiped my tear. "Andrea... Huwag na lang nating isipin ang tama. Maging mali na lang tayong dalawa. Mahal na mahal kita. Ayaw kong nakikita o malaman man lang na may kasama kang iba at hindi ako."
He sounded so selfish. And I was selfish because when he lowered his head to kiss me, I kissed him back. We were both so selfish. And so, so wrong... So wrong.
His lips moved in mine. He deepened our kiss. Napakapit na ako sa kanya. Nakakapanghina... Kung hindi lang din matibay ang hawak niya sa akin ay baka bumagsak na ako sa panghihinang nararamdaman ko habang naghahalikan kami.
I missed this. I missed his kisses and his touch. I missed him.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #1: If Our Love Is Wrong
RomancePublished by KPub Book Publishing in 2023 (second printing). First published in 2021. --- Tired from understanding her mother, Andrea went to an island resort to take a break. She met the annoyingly gorgeous, one of the resort staff, Tisoy, at Villa...