Chapter Eighteen

18.8K 712 27
                                    

Chapter Eighteen



Father



"Lia." Sinalubong din ako ni Mommy. "Mom."

"Mabuti at maaga kayong nakapunta. Sabay-sabay na tayong mananghalian. I prepared snacks pero mamaya na lang iyon."

"Itong mommy mo, sobrang agang naghanda. She baked you a cake at maraming cookies para sa apo niya." Si Daddy.

Natawa si Mommy. "Ikaw nga, you prepared the backyard para makapaglaro doon mamaya ang apo mo."

Natawa na lang din si Daddy.

Pumunta na kami sa dining. Iniwasan ko na lang ang tingin ni Kristoff.

"Fried chicken!" Si Toffie nang makakita niyon sa mesa. Natawa kami.

"'Buti na lang nagpaluto din ako nito. Ewan ko ba pero siguro dahil naisip ko na rin ang apo kong ito." Malambing na hinalikan ni Mommy ang pisngi ni Toffie.

Naupo na kami. Si Daddy ang nakaupo sa kabisera at pinagitnaan naman namin ni Mommy si Toffie. Sa tabi naman ni Dad naupo si Kristoff.

Hindi ko na naasikaso ang anak ko dahil abala na si Mommy sa paglalagay ng mga pagkain sa plato niya. Napangiti na lang ako.

"Ito pa, baka gusto rin niya." Si Dad na may iniabot na isa pang ulam.

"Vegetable," sabi ni Toffie na itinuro ang chop suey. "Gusto mo ito?" Mommy put that on his plate, too. "Aba, kumakain pala ng gulay ang apo ko." Si Daddy. Toffie smilingly turned to him.

"Opo, sinanay ko siya. Gaya rin noon sa inyo ni Mommy, sinanay n'yo akong kumain ng gulay kaya kinalakihan ko na," sabi ko.

Parehong ngumiti sina Mommy at Daddy.

Nasulyapan ko ang tingin sa akin ni Kristoff at muli lang akong umiwas.

Habang kumakain ay abala sina Mommy at Daddy kay Toffie. Tahimik at napapangiti na lang din ako sa anak ko na maganang kumakain.

"You made me a tree house?" Toffie's eyes went wide nang sabihin iyon sa kanya ni Daddy pagkatapos naming kumain.

"Ginawa namin..." Itinuro ni Daddy si Kristoff.

"Tito Allen! You live here pala," Toffie said when he turned to Kristoff.

Iyon na ang tawag niya gaya ng narinig niya noon kay Kayla noong birthday niya.

Kristoff went to him and carried Toffie in his arms. Tinitigan niya ang mukha ng anak ko na nakatingin lang din sa kanya.

Lumakas ang kabog ng dibdib ko habang nakikita silang nakatingin sa isa't isa. Nang bumaling sa akin si Kristoff ay nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi pa namin talaga tapos, apo, pero itutuloy rin naman mamaya."

"Can I see it now?"

"Mamaya na, apo. Mainit pa sa labas. Siguro mag-siesta ka muna. Lia..." Nag-angat ako ng tingin kay Mommy. "Hindi naman kayo agad aalis, 'di ba?"

Marahan akong tumango.

She beamed. Hinalikan niya sa pisngi si Toffie na nanatili sa mga bisig ni Kristoff. "Mabuti pa, iakyat n'yo muna siya sa dati mong kuwarto, Lia. Malinis doon at pinaayos ko."

Tumango ako. Hindi ko alam kung lalapit ako kay Kristoff para kunin si Toffie sa kanya.

Nauna siyang umakyat sa hagdan nang hindi ibinababa ang anak ko. Sumunod na lang ako.

"That's you, Mommy!" Itinuro ni Toffie ang isang may kalakihang picture ko na naka-frame at nakasabit sa dingding ng kuwarto.

Wala halos nabago sa kinalakhan kong kuwarto. Sa living room kanina sa ibaba at sa dining ay nakitaan ko ng ilang pagbabago. But my room stayed the same. Napangiti ako. Na-miss ko itong kuwarto ko.

Villa Martinez Series #1: If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon