Chapter Eight

16.2K 651 19
                                    

Chapter Eight



Magkapatid



The next day, agad bumiyahe si Daddy para puntahan ang sinasabi ko. I couldn't be wrong. Tisoy was really my brother. He was my Kuya Kristoff.

Kaya pala pamilyar ang mga mata niya. Ang ngiti niya. He just wasn't thin as before. He was only fifteen then and it was more than fifteen years ago.

Nagkulong ako sa kuwarto. Umiiyak lang ako at halos hindi makakain. Itinago ko iyon kina Manang.

"Pauwi na ako," sabi ni Daddy mula sa kabilang linya.

"K-kasama mo po ba—"

"Yes, he's with me."

I bit my bottom lip. Ibinaba ko na ang tawag at humagulhol.

Paano nagawa sa akin ito ng pagkakataon? Why did he have to be my brother?! Minsan na lang ako nagmahal... I was so stupid. I'm so stupid!

"Stupid," I spat to myself.

Hindi ko pa alam kung paano ko pakikiharapan si Tisoy.

Pero alam kong tama ang ginawa ko. Kailangang malaman nina Daddy ang nalaman ko. Kailangang malaman ni Tisoy ang katotohanan sa pagkatao niya.

Ganoon na lang ang iyak ni Mommy nang makita si Kuya. Niyakap niya ito nang mahigpit habang humahagulhol. Daddy looked happy seeing his wife and his son.

Nag-iwas ako ng tingin. Lalo na nang muling dumapo ang mga mata ni Tisoy sa akin. Kanina, nang una niya akong makita ay nanlaki ang mga mata niya. Nakita kong gusto niya akong lapitan pero naunahan siya ni Mommy na ayaw na halos humiwalay sa kanya.

Nanatili akong nakatayo sa isang gilid at halos malayo sa kanila. I kept my head low.

Na kay Mommy ang atensiyon ng lahat. Baka kasi himatayin siya. Pilit siyang pinapakalma ni Daddy.

Narinig ko si Daddy na ipinapaliwanag kay Mommy ang sitwasyon ni Tisoy. Na wala pa itong maalala. Panay lang ang iyak at yakap ni Mommy kay Tisoy. Sa kabila niyon ay nakita ko siyang ngumiti. After long years ay nakita ko uling ngumiti si Mommy.

"Andrea."

Halos takbuhin ko ang kuwarto ko. Hinabol ako ni Tisoy.

Kanina ko pa siya iniiwasan. Kahit ang mga tingin niya.

Ipinasok na muna ni Daddy si Mommy sa kuwarto nila. Nandito na rin sa bahay ang doktor na tinawagan ni Daddy para tumingin kay Mommy. Abala rin ang mga kasambahay sa pag-asikaso sa dumating na doktor.

I locked my door at napasandal doon kasabay ng mga luha.

"Andrea." Kinatok ako ni Tisoy.

I covered my mouth as I was crying. This was so painful.

Parang nakakamatay ngang talaga ang sakit.

He kept on knocking on my door until he stopped.

"Andrea, mag-usap tayo." Hinarang ako ni Tisoy nang bumaba ako kinabukasan.

Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa paligid kung may nakakakita ba sa amin. And then I turned back to him when I was sure that we were alone in the living room.

Hinila niya ako paalis doon at paakyat sa kuwarto niya. My eyes went wide. "Tisoy—"

"Bakit umalis ka na lang bigla? Hinanap kita!"

Nasa loob kami ng dati niyang kuwarto sa bahay. Sandali ko pang pinasadahan iyon ng tingin. Mula noong nawala siya ay hindi pa ako nakakapasok uli dito. Because I knew it would hurt me. I would remember him. I would remember what happened.

Villa Martinez Series #1: If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon