Epilogue

36.9K 1.1K 200
                                    

Epilogue


Happiness


Andrea

Napailing na lang ako at nangingiti rin nang makita ang bahagyang pagsimangot ni Kristoff. Nakita niyang magkausap kami ni Atty. Castillano. Saglit lang naman.

Humingi lang siya ng pasensiya sa nasabi raw niya sa akin noong birthday ni Atty. Valencia. I told him it was okay and I understood na medyo nakainom din siya noon. And that he would find the girl for him soon. Naniniwala naman ako na may nakalaan na tao para sa atin.

"Let's go, susunduin pa natin si Toffie," sabi ko at hinawakan na ang kamay ni Kristoff at hinila siya papunta sa sasakyan niya.

Hindi ko na halos nagagamit ang kotse ko. Hindi na kasi umaalis si Kristoff ng condo at sabay na kami lagi sa pagpasok sa trabaho.

"Ano'ng pinag-usapan n'yo?" medyo masungit niyang tanong. Seloso talaga.

"Nag-sorry lang siya sa nangyari noong birthday ni Attorney Valencia. Medyo nakainom kasi siya no'n."

"Bakit? Ano ba'ng ginawa niya?"

"Wala naman. Ang seloso mo talaga! Mabait kaya 'yong tao. And, Kristoff, may I remind you na may anak na tayo at..." Ipinakita ko ang kamay sa kanya at ang singsing na isinuot niya sa akin after making love. Nakabili na pala siya niyon. Wala namang rason para hindi ko ito tanggapin. May Toffie na kami at mahal namin ang isa't isa.

Napangiti na siya.

'Sus!

Nang makarating kami sa school ni Toffie ay tapos na ang klase nila. Ipinagmayabang pa ng anak ko ang daddy niya. Sobrang close na nila ni Kristoff. And I was happy for my son.

Nag-half day lang kami ni Kristoff ngayon at simula na rin ng leave namin. Magbabakasyon kasi kami. Ipinaalam na rin namin si Toffie sa school niya. I told Kristoff na gusto kong ikasal kami sa isla. Doon din naman talaga kami nagsimula. Kaya espesyal sa akin ang lugar na iyon.

Ayaw ko na masyado pa kaming maghanda. Ayos lang kahit simple. Ang importante ay maikasal kami.

Nasabi na rin namin kina Mommy at Daddy at masaya sila para sa amin, lalo na para kay Toffie. Si Papa naman ay nangakong susunod sila ni Tita Mari para maka-attend sa kasal ko. At sapat na iyon para sa akin.

Dumaan lang kami sa isang restaurant para kumain, pagkatapos ay umuwi na rin sa condo. Ang sabi ni Kristoff ay may nabili na raw siyang lupa. Noong isang araw ay napag-usapan na rin namin ang tungkol sa itatayong bahay namin doon. For the meantime, sabi ko sa kanya ay okay na dito muna kami sa condo.

Nag-ready lang kami at handa na rin iyong luggage namin. Isasama namin si Inday para may tumingin pa rin kay Toffie kapag pareho kaming abala ni Kristoff. Bumaba na kami uli at papunta na sa airport.

Dumeretso muna kami sa bahay ng nanay at tatay ni Kristoff sa isla. Mas maayos na iyong bahay nila ngayon pero ito pa rin iyong bahay nila noon. Sabi ni Kristoff ay hindi nawala ang communication niya sa kanila.

Sinalubong kami ni Era. "Ate Andeng! Na-miss kita!" She hugged me.

Niyakap ko rin siya. "Na-miss din kita, Era. This is Toffie." Ipinakita ko sa kanya ang anak ko.

"Hala! Ito na ba ang anak n'yo ni Kuya? Grabe, ang pogi rin! Hi, baby!" Hinawakan niya sa kamay si Toffie at nauna na sila.

Sumunod naman kami ni Kristoff na hawak din ang kamay ko. Pagpasok sa loob ng bahay ay sinalubong kami nina Tita na mukhang galing sa kusina.

"Hindi pa tapos ang mga niluluto ko pero kung gutom na kayo, may mga naluto na rin naman."

"Okay lang po, Tita."

"Naku, Nanay na rin ang itawag mo sa akin at ikakasal na kayo nitong si Tisoy!" she said.

Napangiti ako.

Tuwang-tuwa sila kay Toffie. Ang anak ko talaga.

Doon na rin kami matutulog sa gabing iyon. Si Inday ay tumabi kay Era. Kami naman ay sa dating kuwarto ni Kristoff.

"Sa amin na lang muna tatabi si Toffie, ayos ba iyon, apo?" Tumango si Toffie.

Ngumiti si Tita at isinama na ang anak ko sa kuwarto nila.

Nagkatinginan kami ni Kristoff. Ang hilig din talaga. As if he couldn't get enough of me always.

"Ikakasal na rin naman tayo. Puwedeng after na?" Tumango siya at niyakap na lang ako.

Napangiti ako at ipinikit na ang mga mata.

Naglalakad na ako sa aisle at naghihintay na sa akin si Kristoff sa dulo. We both had smiles on our faces. Naluha kami noong nasa tabi na namin ang isa't isa.

After all we'd been through ay narito kami ngayon. Our love and destiny brought us back to where we were supposed to be. In each other's arms. Dahil alam ng langit at alam Niya na ang isa't isa ang kailangan namin sa buhay na ito. We were each other's home. Kristoff and I... and our son, Toffie. At ang magiging mga anak pa namin. Nag-usap na kami ni Kristoff at ayos lang sa kanya ang maraming anak.

But I told him na okay na iyong tatlo. Ang hirap kayang magbuntis at manganak.

We said our I dos and vows. It was simple and heartfelt. Pinalakpakan kami ng mga dumalo at binati. Muli pa akong hinalikan ni Kristoff sa mga labi kahit tapos na. Ayaw pang paawat. Nasundan pa tuloy iyon ng mas malakas na palakpakan na may hiyawan.

I was so happy that day. I looked around. May mga tao na gusto ko rin sanang nandito sa espesyal na araw ko na ito. Sina Ahma... Si Kayla, dahil kapatid ko pa rin siya. Si Mama... Pero kailangan ko ring tanggapin na mayroong hindi magiging masaya para sa akin... Hindi tanggap ang nagpapasaya sa akin. Ang mahalaga ay mayroon pa rin namang tanggap ako at ang kaligayahan ko.

What's important is that I am happy because I deserve it, too.

At the end of the day ay may masasabi at masasabi pa rin ang tao. Either you do the wrong or the right thing. Dahil kung ano ang tama para sa iyo ay maaaring mali para sa kanila. At kung ano ang mali para sa 'yo ay tama naman para sa kanila. Sa huli ay hindi pa rin tayo magtatagpong lahat. Because of our endless battles for our different views and opinion.

They said that we choose our battles. Then choose to fight for the things that really makes you happy. Life is short to be spent on thinking about what others say about you. You will never be contented if you keep doing that. You have your own. And you are your own.

I chose my battle. And I choose to fight for my happiness... Alam kong nasaktan ko rin si Kayla pero kung uunahin ko siya, paano si Kristoff? Paano ang anak namin? You just really couldn't get out of this life without hurting anyone.

"Mommy!" Tumakbo si Toffie palapit sa amin.

Maagap naman siyang nasalo ni Kristoff and he carried our son on his strong arms. Bumaba ang isang kamay niya at hinapit ako sa baywang. He kissed Toffie's forehead and then mine. "I love you both."

I smiled at him. "I love you."

"I love you." And then this time, he kissed me on the lips. Napangiti ako sa mga labi niya. We parted and we felt Toffie's arms trying to hug us both. Bahagya kaming natawa ni Kristoff at hindi na nawala ang magandang ngiti sa mga labi namin.

"I love you, Mommy and Daddy!" Toffie said. Nag-iinit ang puso ko.

They are my happiness.



AUTHOR'S NOTE: Hello, readers! This is the end of my Villa Martinez Series #1. I hope you liked Andrea and Tisoy's story. Simple lang ang story na ito at ito lang po talaga ang naisip ko para sa plot. Thank you for reading until the end. Till the next series!

Villa Martinez Series #1: If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon