Chapter Fifteen
Toffie
Nang magtagpo ang mga mata namin ay hindi na rin naalis ang tingin sa akin ni Kristoff. Sinundan ni Kayla kung saan nakatingin si Kristoff. May ibinulong sa kanya ang kapatid ko at lumapit na sila sa akin. Nanatiling nakakapit sa braso ni Kristoff si Kayla.
"Hey, sis!"
"Kayla."
"I'm with your brother!" She grinned.
"We're not siblings," mariin kong sabi.
She shrugged. "Well, dati."
Ibinaling ko ang tingin kay Kristoff. Nakatingin lang din siya sa akin.
Tinawag kami ni Papa. Hinila na ni Kayla si Kristoff papunta doon. Sumunod na rin ako sa kanila. We all sat on the long table together with Papa and Ahma and my two aunts. Naroon din ang mga asawa nina Tita Danica at Tita Danna at ang mga anak nila.
"Sana ay kasama mo rin ang parents mo, hijo," sabi ni Papa kay Kristoff na nakaupo sa tabi ni Kayla.
Natuon ang atensiyon niya kina Papa.
"Kakabalik n'yo lang din sa bansa, hindi ba? How's your parents, hijo?" tanong din sa kanya ni Ahma.
Kristoff answered politely. Nagpapahinga pa lang ang parents niya at kakabalik pa nga lang nila after years of staying abroad.
Gusto ko ring kumustahin ang kinalakhan kong mga magulang. Hindi ko pa lang alam kung saan magsisimula at paano sila haharapin. Pero gusto kong magpasalamat sa lahat ng ginawa nila para sa akin. Malaking parte sila ng pagkatao ko.
"Gusto rin naming personal silang mapasalamatan para sa pagpapalaki kay Andrea." Sandaling bumaling sa akin si Ahma.
Nagkatinginan kami ni Kristoff. Ibinaba ko ang tingin sa pagkain.
"Nakausap ko na rin sila bago kayo umalis noon. Pero tama ang mama na gusto pa rin namin silang makausap at mapasalamatan."
Kristoff nodded. "I will tell my parents, Tito." Papa nodded with a smile.
Nagpatuloy ang pagkain namin ng dinner. Nanatili akong nakaupo doon at kumakain nang tahimik. Maingay naman si Kayla na ikinukuwento kung paano sila nagkakilala ni Kristoff.
"We met at a party, Tita," baling ni Kayla kay Tita Danna. May ngiti sa mga labi niya. Ganoon din si Tita Danna na mukhang natutuwa.
"You graduated Law in the US and passed the Bar." Si Ahma.
"He topped the Bar, Ahma," mukhang proud na sabi ni Kayla.
Bahagyang nanlaki ang mga mata ni Ahma. Masaya siyang tumawa. "You should date my granddaughter more, Attorney."
Halos mabitawan ko ang hawak na kubyertos.
Tita Danica and Tita Danna both agreed to what Ahma just said.
They had no idea who Toffie's father was. Tinanong noon ni Papa nang malaman niyang buntis ako pero hindi rin naman niya ako pinilit na magsabi. Wala rin naman silang pakialam.
"Your father was a judge! Medyo maaga nga lang siyang nag-retire." Ngumiti si Tita Danna kay Kristoff. "Siguradong susunod ka sa yapak ng parents mo. They were great!"
Nagpatuloy ang usapan sa mesa. Nang tumayo ang isang pinsan ko ay halos sumabay na rin ako at tahimik na nag-excuse.
Mas matatanda sa akin ang mga anak nina Tita Danica at mas bata naman ang anak ni Tita Danna. Tumutulong sa kompanya ang dalawang anak na lalaki ni Tita Danica while Tita Danna's only daughter was still studying. Ito rin ang pinakabata sa aming magpipinsan. Hindi ako gaanong nabigyan ng pagkakataon na makasama sila. Busy rin sila sa kanya-kanyang buhay. Pero nagkakabatian din naman kami kapag nagkikita.
BINABASA MO ANG
Villa Martinez Series #1: If Our Love Is Wrong
RomancePublished by KPub Book Publishing in 2023 (second printing). First published in 2021. --- Tired from understanding her mother, Andrea went to an island resort to take a break. She met the annoyingly gorgeous, one of the resort staff, Tisoy, at Villa...