Chapter Nine

16.5K 624 18
                                    

Chapter Nine



Ligawan



"I'm fine, Christopher! Hindi na kailangan 'yang therapy na 'yan." Si Mommy kay Daddy.

Napailing na lang si Daddy at niyakap si Mommy.

Hinalikan ito sa ulo.

Napangiti ako habang tinitingnan sila. Napatingin din ako kay Tisoy na nakatingin din pala sa akin. Nasa living room kaming apat. I was fast to look away.

Kahit paano ay mukhang nakinig naman siya sa akin. I could see that he was also trying his best to accept the truth. Hindi talaga kami puwede. Hindi dapat namin ipilit at tanggapin na lang ang katotohanan.

"Tumawag pala ang Ninong Rome mo." Bumaling si Daddy kay Tisoy. "Hindi mo pa siguro naaalala but he's a good friend of mine. Madalas kayo sa bahay nila noon nitong kapatid mong si Lia. Gusto sanang pumunta rito para makita ka at dalawin. Ikaw ang paboritong inaanak n'on." Ngumiti si Daddy. Ganoon din si Mommy.

"Nga lang, kakapanganak lang ng anak niya kaya hindi sila halos makaalis sa bahay at tuwang-tuwa pa si Rome sa unang apo niya," dagdag ni Daddy. "Naalala mo ba si Rizza? Siya ang anak na babae ng Ninong Rome mo."

The last time I saw Rizza was during her wedding. Kami lang ni Dad ang naka-attend niyon dahil hindi pa okay si Mommy. She married a bit early. Mas matanda pa ako sa kanya but she was pregnant that time kaya kailangan nang magpakasal. Tinakot din ni Tito Rome iyong boyfriend ni Rizza kahit willing din naman itong magpakasal.

"Sa inyong dalawa kaya? Kailan kami magkakaapo ng mommy n'yo?"

Nanatili ang tingin ko sa ibaba.

"Itong kapatid mo, hindi pa nagkaka-boyfriend. Puro aral ang inatupag. She's a topnotcher by the way," sabi ni Dad.

Tipid akong ngumiti.

"Ikaw, anak? Hindi pala namin natanong ng mommy mo sa 'yo. Baka may girlfriend kang naiwan doon sa isla."

Nagkatinginan kami ni Tisoy. Halos ilingan ko siya. Nagbaba na lang uli ako ng tingin sa hawak na basong may lamang juice.

"Wala po."

Para akong nakahinga sa sagot niya.

"Ganoon ba? Mukhang matatagalan pa nga bago kami magkaapo sa inyo."

"Tigilan mo nga muna ang mga anak mo sa ganyan, Christopher. Mas mabuti naman na mag-focus muna sila sa sarili nila, career muna." Si Mommy naman.

Nagpunta nga kami kina Tito Rome. Natuwa ako sa baby ni Rizza. A healthy baby girl. Sa bahay pa rin sila ni Tito nakatira ng asawa niya. Hiling iyon ni Tita dahil gaya namin ay apat lang din naman sila sa pamilya. Malaki rin ang bahay nila kaya ayos lang at gusto pa nilang makasama nang mas malapit ang kanilang apo.

"Lia." Sinalubong ako ni Rizza ng yakap. Nanlaki pa ang mga mata niya nang makita si Tisoy. "Kuya Kristoff... Ipinaalam na sa 'min ni Tito pero nagugulat pa rin talaga ako." Bahagya siyang natawa. "I'm glad you're here now." Niyakap din niya si Tisoy.

"Hey." Mabilis na bumababa ng hagdan si Jude na nahuli sa pagsalubong sa amin. Sinalubong niya ako ng malaking ngiti at niyakap. "Andrea." Pagkatapos ay kay Tisoy naman siya lumapit na nakakunot ang noo sa kanya. He gave him a man hug. Tipid lang ang bati sa kanya ni Tisoy.

Jude was also an attorney at nagkasama rin kami noon sa Law school. He was also a top-notcher. Kung mas bata sa akin ang nakababata niyang kapatid na si Rizza ay magkaedad lang kami ni Jude Cabral.

The four of us used to play when we were kids. Lumaki rin kaming malalapit sa isa't isa. Medyo nabawasan lang noong nawala ang kapatid ko. Hindi na kami halos nagkikita dahil busy rin ako noon sa pag-aaral ko.

Villa Martinez Series #1: If Our Love Is WrongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon