Kasintahan?
"alonzo" bulong ko sa sarili ko pero parang narinig ito ni alonzo kung kaya't napatingin siya sa gawi ko, umiwas naman ako ng tingin at nagkunwari na natingin sa piligid.
"ay naku napakagandang pangalan naman iho at napakagwapo pa" papuri ni inay kay alonzo. napaubo ako ng konti sa huling sinabi ni inay napatingin si inay sakin "anak ayos ka lang ba?" tanong sakin ni ina "opo inay ayos lang ako" sagot ko kay ina.
napatingin sakin si alonzo dahil siguro napansin niya napaubo ako sa sinabi ni inay na gwapo siya pero totoo naman eh. napatawa siya ng bahagya pero sa ginawa niyang yon ay para ba akong nasa ulap at ang sarap titigan. pero umiwas din ako ng tingin dahil baka makahalata na ito.
"kayo po talaga, kayo po pala ano pong pangalan niyo?" tanong ni alonzo kay inay "ay ako nga pala iho si Juliana" sambit ni inay, napatingin naman sa akin si alonzo na parang pinahihiwatig niyang tinatanong din niya ako kung anong pangalan ko
"ikaw?" bigla niyang tanong sa akinnahigit ko ang aking hininga, hindi ko alam kung sasagutin ko ba o ano dahil narinig naman niya ata kanina na binanggit ni ina ang aking pangalan pero bakit niya tinatanong?
tumikhim ako bago sumagot "Anna" sambit ko na hindi makatingin sa kanya "naku mahiyain talaga tong si Maria iho pagpasensyahan mo na" sagot ni inay pero nagtatakang tumingin si alonzo sa akin at kay inay dahil siguro Anna ang sinabi kong pangalan pero Maria ang sinabi ni inay pero totoo naman, ang tunay kong pangalan ay Maria Annastacia kaya Anna ang sinabi ko para maiba naman.
"uh maria? a-ah bakit...." di niya naituloy ang sasabihin dahil bigla akong nagsalita "Maria Annastacia pangalan ko" sambit ko. "Ay oo nga pala, Maria ang tawag namin sa kanya pero pwede din namang Anna" sagot ni inay kay Alonzo.
"ah ganon po ba" sambit niya habang natango pa. paniguradong pagsasabihan ako ni ina mamaya dahil sa sinabi ko. maghihinala si ina sakin nito lagot ako mamaya.
maya maya pa ay nakarating na kami sa pamilihin, naunang bumaba si alonzo para alalayan si ina sa pagbaba, nagdadalawang isip ako kung magpapaalalay bako sa kanya dahil kanina ay kamuntikan na akong mahulog.
nilahad niya sakin ang kamay niya "baka mahulog ka ulet" sabi niya saken, tinanggap ko na lang ito kahit nangangatal ang kamay ko sa sobrang kaba dahil mahahawakan ko ang kanyang kamay. nang makakababa ako ay agad akong nagpasalamat "ahm salamat" sambit ko na hindi tumitingin sa kanya.
"oh siya iho Alonzo mauuna na kami ng anak ko ha, at mamimili pa kami. magingat ka kung san ka man pupunta" sabi ni inay sa kanya "sige po nay juliana, kayo din po, ingat" paalam niya sa amin ni ina. agad akong naglakad at sumunod sa akin si inay
"Maria" biglang sabi ni inay kaya napatingin ako sa kanya "bakit po inay?" tanong ko sa kanya. biglang nanlaki ang mata niya at kinurot na naman ako sa tagiliran "bakit Anna ang iyong sinabi kay Alonzo ha?! ikaw na bata ka, may gusto ka doon no?" sabi ni inay sakin pero nagulat ako sa huling sinabi niya. "a-ah hindi nay w-wala po akong g-gusto don" nauutal na sambit ko. "wala daw pero nauutal ka Maria, anak bata ka pa wag munang ligaw ligaw ha"
si ina talaga ligaw ligaw agad eh pangalan pa lang naman alam ko sabi ko sa isip isip ko.
"inay alam ko naman po yun at tsaka malabo naman pong magkagusto yun sakin" sabi ko kay inay.
"maganda ka naman anak, pero maaga pa para don. saka kung magiging asawa mo yun naku payag ako, mabait na gwapo pa" mahabang sambit ni inay sakin, nagulat din ako sa sinabi niyang kung magiging asawa ko daw, kanina lang wala daw munang ligaw ligaw tapos ngayon asawa na agad grabe talaga si ina
"nay naman asawa agad di po ba pwedeng kasintahan muna" biro kong sabi kay inay kaya nakakuha ako ng pingot sa tenga galing kay inay.
"aray naman nay!" binitawan niya din ito nang makitang paiyak na ako.
"ikaw talagang bata ka ang hilig magbiro" sabi ni inay saken
sana nga... pero mukang malabong magustuhan ako non
END OF CHAPTER

BINABASA MO ANG
Walang Hanggang Pag-iibigan
Teen FictionAng PAG-IBIG ay hindi lamang basta nararamdaman, kundi isang desisyon na dapat PANINDIGAN **** Isang binibining may ngalan na Maria Annastacia, naninirahan sa isang simpleng baryo kung saan tahimik payapa at masaya kasama ang kanyang pamilya, ngunit...