Kabanata 18 - Pagpayag

3 0 0
                                    

Pagpayag
             

Sabado na andito na kami ngayon sa harap ng aming bahay pero nagdadalawang isip ako kung bababa ba ako o hindi halo halong kaba saya at lungkot ang nararamdaman ko pero mas nangingibabaw ang saya sa aking puso

kaba dahil hindi ko alam kung ano amg magiging reaksyon ni itay sa sasabihin ni Alonzo, saya dahil noon ay nakita ko lamang siya at ngayon ay nasa harapan ng bahay namin para manligaw at huli ay lungkot, hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako ng walang dahilan marahil ay dahil nga alam kong mali ito na hindi kami bagay sa isat isa pero andito si Alonzo walang pakialam sa sasabihin ng iba

naputol ang iniisip ko dahil biglang hinawakan ni Alonzo ang aking kamay na nakapatong sa aking mga hita, nandito pa din ako sa loob ng kalesa hindi pa ako nakakababa

"Binibini ko halika na" pag-anyaya nito sa akin

nilahad nito ang kanyang kamay kaya tinanggap ko na lang ito at bumaba

nang malapit na kami ay biglang lumabas si Danilo sa pintuan

"Itay! sila Inay andito na!" hiyaw na sabi nito habang tinatawag si itay

"kahit kelan talaga tong batang to" mahinang bulong ko

ngunit narinig ata iyon ni Alonzo dahil magkalapit lang kami at hawak pa rin nito ang kamay ko, napatawa siya ng bahagya sa sinabi ko

maya maya pa ay biglang lumabas sila itay at kuya sa pintuan, dumiretso si inay kay itay upang yakapin ito ganon din kay kuya napalipat ang tingin nila sa aking kamay na nakahawak kay Alonzo agad kong binitawan ang kamay ni Alonzo at lumapit kay itay upang yakapin ito

nang mayakap ko si itay ay may binulong siya sa aking tenga

"nakita ko iyon Anna hindi ako bulag" habang nanlalaki ang mata

bumitaw na ako ng yakap kay itay at sumunod naman kay kuya katulad ni itay ay may binulong din ito sa akin

"ikaw Anna ha nagdadalaga ka na" sabi nito na may mapanuyang ngiti sa kanyang labi inilingan ko na lang si kuya sa kanyang pang-aasar sa akin

"ahh magandang umaga po sa inyo" sambit ni Alonzo sabay ngiti kila itay

"magandang umaga din, bakit ka pala naparito?" tanong ni itay sabay taas ng kilay kay Alonzo

halos hindi alam ni Alonzo kung ano ang sasabihin halatang kinakabahan ito sa kanyang sasabihin kaya bago pa ito makapagsalita at nagsalita na si inay

"mamaya ka na magtanong Julio pumasok muna tayo sa loob, halika iho pasok ka sa aming bahay" sabi ni inay habang minumwestra si Alonzo papasok sa loob ng bahay

"Anna?" tanong ni itay habang nanlalaki ang mata at bahagyang nakataas ang kanyang kaliwang kilay

"tay sa loob ko na lang sasabihin" sagot ko dito sabay pasok sa loob, hindi ko ma hinayaang makasagot si itay dahil alam kong madaming itatanong iyan sa akin

*
nakaupo kaming lahat sa aming sala, kakatapos lang naming kumain sumabay din sa amin si Alonzo dahil maaga kaming umalis sa mansyon at gusto din ni Alonzo na makasabay ang pamilya ko na kumain

nagulat pa ako na kumakain pala siya ng tuyo na may toyo at kamatis, hindi ko alam na kumakain siya ng ganito at para bang sarap na sirap siya dito

ang akala ko ay puro karne lang amg kinakain niya dahil natural lang sa mayaman na ganon ang kainin dahil mayaman nga sila

kami kasi ay nasanay na ganito lang ang ulam, kung minsan pa ay puro gulay dahil madami kaming pananim nila itay sa likod ng bahay

"ano na Juliana? bakit naparito iyang Amo niyo?" pangungulit ni itay kay inay

kanina pa ito tanong ng tanong pero hindi kami umiimik ni inay hinayaan muna naming makakain kami bago mag-usap kaya andito kami ngayon sa aming sala lahat

"a-ah nandito po ako p-para pumanhik ng l-ligaw sa anak niyo, gusto ko po s-sanang magpaalam sa inyo na liligawan ko po si Anna" sambit nito habang hindi mapakali

pansin ko na medyo may namumuong pawis sa noo nito, alam kong kinakabahan siya dahil kaharap niya sila itay at kuya lalo na sa tingin ni itay sa kanya na kulang na lang ay bugbugin ito

napataas ang kilay ni itay sa sinabi ni Alonzo samantalang si inay naman ay iiling iling na lang napansin ata iyon ni itay kaya napabaling ito kay inay

"alam mo ito Juliana?" tanong ni itay dito hindi pa din naaalis ang pagtaas ng kilay nito

"kahapon pa ako kinausap ni Alonzo at pumayag naman ako, kahit si Maria ay tinanong na din niya, kaya lang siya nandito ay para tanungin din kayo" pagpapaliwanag ni inay

lalong tumaang ang kilay ni itay at ngayon ay dalawang kilay na nito ang nakataas at napatingin sa akin, umiwas ako ng tingin kay itay nakita ko si Danilo na tatawatawa habang nakatingin kay itay

"hindi ba dapat ay kami muna bago ang Anak ko ang tunungin mo?" singhal niya kay Alonzo

"kaya nga po sumama po ako dito para po pormal na magsabi sa inyo" may paggalang na sagot ni Alonzo dito

medyo natagalan ang pagsagot ni itay kaya napatingin ako dito, nakita ko ang naniningkit na mata nito habang nakatingin sa akin hindi ko maiwasang matawa sa itsura ni itay

bigla siyang umayos ng upo at bumaling kay Alonzo

"hmm may magagawa pa ba ako? eh pumayag naman pala ang Anak ko" sagot nito kay Alonzo

"a-ah s-salamat po tay Julio"

"aba nakikitatay ka agad hindi pa kayo ng anak ko, masyado kang mabilis" sagot ni itay dito

"paumanhin po- tito?" tanong nito

pero bago makapagsalita si itay ay sumingit si inay

"napakaarte mo Julio, nay Juliana nga ang tawag niyan sa akin hayaan mo na" pagkontra ni inay kay itay na sinabi

napabuntong hinginga na lang si itay

"oh siya sige na nga makulit ka eh" sagot ni itay

ngumiti naman ng pagkatamis tamis si Alonzo kay itay medyo nawala ang pawis niya nakahinga na siguro ng maluwag

masaya ako at naging maayos itong usapan na ito ang akala ko ay kukuha ng itak si itay at ihahampas ito kay Alonzo, tiklop si itay kay inay

sana hindi matapos tong araw na to....

to be continued....

Walang Hanggang Pag-iibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon